Bagong Buhay sa Bagong Buwan:(
![]()
Gaya ng napapansin ng lahat, mabilis na tumatakbo ang panahon.. biruin mo nakalahati na pala ang taon.
Eto, pa nakakatawang isipin na matatapos na pala ang kontrata ko dito sa pinagtatrabahuhan ko, kahit alam kong magpapatuloy pa ang pagtatrabaho ko dito. Nakakabagot nga lang pero, baguhan ako kaya kailangan kong tanggapin na marami pa akong lalamuning bigas.
RAINY seasons na, pero talagang napaka-init pa rin, tila itong nararamdaman kong napakahirap palamigin.
Oo, Maraming nangyari sa’kin nitong nakaraang hating taon, Lalung-lalo na itong nakaraang buwan ng Hunyo.
Maraming dumadating na tao, parang sa sa isang nobela, may iba’t ibang tauhan at karakter.. malas lang sa Nobelang pag-ibig ako na padpad.. at Ayun isa ako sa mga naging bida.. malas lang talaga ay hindi maiwasang may mga masasamg kontrabida.
Ewan ko ba, kung bakit ako nagpapakabaliw sa sitwasyong wala naman akong makukuha o mapapala.. Tao lang Dude! may kahinaan..
Nakulong ako sa Krimenng Hindi ko sinasadya
Isa akong inosenteng madaling naakit ng tuwa
Binihag ako ng walang kaalam-alam at tsaka inalila
Naging sunod-sunuran ako sa kanyang dinidikta
Nagpapaka tanga at nagpapakabaliw kahit walang pag-asa.
Nahulog ako sa kanyang patibong at ngayo’y napaka-hirap bumangon.
Nais kong Humingi ng Tulong, pero ni-isa walang gustong sumulong.
Bihag ako ng nakaraan kaya napakahirap para saklolohan
Wala akong mapagsabihan at ayoko nilang malaman.
Dahil alam kong ako’y pagtatawanan
Nakakahiyang aminin pero biktima ako ng sariling bitag
Nagpantasya sa taong, noong una palang ay naghayag na ng kasarinlan
Pero ako itong si Bayani, naglabas ng sandata ay sumugod sa madugong laban.
Isa akong talunan
Naghahangad ng premyong kapalit ay ulo ng kalaban
Hindi ko s’ya napatay
Ngayo’y ako’y luhaan at hawak ng kanyang kamay
Hindi ako makatakas.
Ako’y nagpupumiglas at patuloy na nasasakal.
Oo, Biktima ako ng sariling kagagawan
Tila kumuha ako ng patpat na ipapalo sa sariling katawan
Tadtad na tadtad na ako ng latay
Bakat na bakat, nangingitim tagos hanggang kalamnan.
Nais ko ng maligo sa sariling dugo
‘Pagkat puso ko’y tibok ng tibok at ayaw pa ring huminto -nahihirapan
Kasalanan ba talagang magmahal?
Bakit ba ako’y napaparusahan?
Hindi na talaga ako makawala,
Tila nakakadena ang mga paa kong may kasamang bakal na bola.
Sinisisi kita! Puso ka!














Nahulog ako sa kanyang patibong at ngayo’y napaka-hirap bumangon.
wow.. super nakarelate ako dun huh…
yung sa line natoh.. grabe.. totoo yan, sa una talagang it takes time para makabangon. ang hirap.. pero sakin naman kasi dati wala talaga ko makausap..kaya sobrang tagal bago ako nakabangon(naka-move on)… kaw naman dito lang kami noh.
goodluck sa lovelife!!
actually, hindi pa ako nakkaranas ng ganyang sitwasyon.. pero habang binabasa ko ito.. unti-unti kong nararamdaman ang hirap ng pinagdadaan niyo… hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa nauso ang break-up…(haha..!!) hmm… siguro hindi nmn iyon pag-ibig..baka nagustuhn mo lng sya.. kung tutuusin ang pag-ibig daw ay isang perpekto… ^_^ hehe.. ska hindi puso ngpapagana sa emosyon ntin.. utak poh..^_^