My name is Rain, who touch is yours?

2008 Disyembre 1

e4185f4ca9a4c0_fullKung may isang tao mang namumuot na ang galiiti dahil sa akin, wala ng iba iyon kung hindi ang butihin kong Ina.

Pero kung tutuusin naman kasalanan ko naman kasi.

Una, “makapal ang mukha ko” hindi na ako nagbibigay ng pera sa mama ko, kahit ako ang may trabaho, nangungutang pa ‘ko. (ang sama di’ba?)

Pangalawa, Hindi ako naglalaba. Pero hindi naman ako nagpapalaba sa kanya, isang tanghali magigising na lang ako nakasampay na ang mga damit ko, kung minsan nakatupi pa.

Pangatlo, Hindi na ako naghuhugas ng pinagkainan ko, ang masama pa pagkatapos ko kumain, iniiwan ko na ito sa mesa na parang may yaya. (ang sama ko talaga) kulang na lang paliguaan ako para matanggal ang mga namumuot kong libag sa katawan, minsan kasi pati paghihilod kinakatamaran ko :D lols.

Pang-apat, Marami pang iba!

Kaya hindi na nakakabigla kung bakit ganoon na lang kabigat ang loob sakin ng mama ko, Kasalanan ko naman kasi. Masyado akong pabigat. Pero minsan, gusto ko na ring kumalas sa kanya para naman matuto na ako magsaing at tumayo sa sariling paa nakakahiya mang aminin bulbulin na ‘ko. lols.

May mga pagkakataon na gusto kong mag sorry pero, pinapangunahan ako ng hiya at ka kornihan.. nauuna kasing pumapasok sa isip ko yung mga napapanood ko sa TV, parang ang drama ng dating.

Pero minsan, naglalambing naman ako yung sa paraang mapang-asar, yung mas lalong kinagagalit n’ya. hehehe (ang sama ko uli).

Kaya natatawa na lang ako pag nasa mood si mama, may mga pagkakataong magugulat ka na lang at hindi mo aakalaing lalabas sa bibig s’ya, ganoong hindi na s’ya nakakanood ng TV dahil abala sa maliit n’yang negosyo at gawaing bahay.

Kanina, holiday natural wala akong pasok bibihirang magkasama kaming tatlo ng mama at bunso kong kapatid sa kwarto. Sama sama kaming nanonood ng EVA FONDA kasamay ng pagkain ng ice cream (nyahahaha parang commercial lang ng selecta).

Akma namang naharap ako sa salamin namin, at nagpapantasyang kamukha ko si Rain.

OTEP: “My name is Rain”

(sinusuklay ko pa ng mga daliri ko ang mala-emo kong buhok)

OTEP: (naglalambing) Ma, ang guwapo talaga ng anak n’yo no?

MAMA: (no comment)

OTEP: (inulit ko uli) “My name is Rain”

maya-maya pa…

MAMA: “My name is Nicole”

Nagulat ako sa sinabi n’ya kaya tila nabilaukan ako at napatingin kay mama.. hindi ko alam ang ire-react ko kaya nagkataob-taob na ako sa kakatawa..

Haay.. habang isinusulat ko ‘to natatawa pa rin ako,

Minsan hindi na’tin alam kung kailan susulpot ang katatawanan, ang mga pangyayaring pwede na’ting itago na magpapayaman sa ating katauhan.

Dahil sa pangyayaring ito, mas lalo kong minamahal ang magulang ko, iba talaga ang pakiramdam kung sa magulang nanggaling kung bakit bumuka ng ganoong kalaki ang mga labi mo sa kasiyahan.

Maliit na bagay pero Malaking kasiyahan.

Aral: “mahalin na’tin ang magulang”

12 Responses leave one →
  1. 2008 Disyembre 1

    Haha! Panalo!

    Winner talaga si Mama :D

  2. 2008 Disyembre 1

    cute na post to teps.
    cute ng linya ng ermat mo.
    alam mo masarap maging close sa parents natin
    tulad ng sa amin.

    sanayin mong akap akapin ang nanay mo
    sanayin mong ibigay yung konting kapritcho nila
    sanayin mong magkwento ng nakakatawang pangyayari sa buhay mo
    masarap makipagkwentuhan sa tatay din
    etc
    etc

    kasi minsan may mga bagay na baka pagsisihan sa huli.

    true. marami talagang pagsisisi pag nawalan ng mahal sa buhay, tulad ng nangyari sa papa ko, wala na s’ya ngayon, nakakamiss yung mga panahong kumpleto pa kami :( ( hug*

  3. 2008 Disyembre 1

    natatawa ako sa mama mo :) )

    ako din eh, masyadong ambisyonada.. manang mana sa anak nya. Nyahahaha :D

  4. 2008 Disyembre 2

    nakakatuwa naman mama mo. hindi KJ.

    hmn, i have to admit parang pareho ang eyes ninyo ni rain ;)

    dahil d’yan.. close na tayo! nyahahaha sensya na ha ambisyoso lolo mo. nyahahaha :D

  5. 2008 Disyembre 2

    nawalaba unang comment ko?
    nag error kasi.
    hehehe.
    cool naman mama mo.
    :lol:

    hahaha cool din kasi ng anak n’ya.. nyahaha..
    btw, panong nawala? ayt. sayang naman hindi ko nabasa.

  6. 2008 Disyembre 2

    hindi ko alam kung ano ang ikocomment ko.. kasi yung “hahahhaa”parang hindi sapat..

    natawa talaga ako! hahahhaa akala ko naman pinagalitan ko hahaha natawa talaga ako pramis! kung ako siguro yun, hinding hindi ko mapipigilan ang tawa ko hahahaha

    adik lang talaga hahahhaa!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ay naku., kung makikita mo lang ako tumawa.. grabe.. hindi ako makahinga.. hindi ko kasi talaga alam irereact ko.. bibihira ang mga pangyayaring yun, lalo na’t sa mama ko nag mula.. nyahahaha..

  7. 2008 Disyembre 2

    cool ni mader! LOL. pero mas naka-relate ako sa pagiging pabigat mo. ganyan ako dati eh. kaya nung 21 na ako, pinanindigan ko na ang pagiging independent. in fairness, andami kong natutunang gawin. :-)


    amm.. actually pinag iisipan ko na nga maging independent.. kakabente uno ko palang kasi eh.. saka malapit nako maging stable work..baka next year.. goodluck sa lolo mong ambisyonado.. Nyahahaha

  8. 2008 Disyembre 2

    ganyan din aku minsan.

    pero tyulad ng lahat ng ina,

    mawawala rin yan kapag nilambing mo siya.

    gud luck… :D


    hehehe ganun na nga.. dadalasan ko na lang panguuto sa kanya.. nyahahaha.. ang cool talaga ng mama ko.. pag sumusumpong.., :D

  9. 2008 Disyembre 3

    hehehe….kakatawa nmn mama mo. gnyan din mama ko eh. pero cguro mas worst mama ko. angdaming kalokohan non eh. ehem.ehem. my name is rain….deer. hahaha

  10. 2008 Disyembre 3

    wag k n mangutang s mama mo. at wag mo narin kunin ung baterry ng cp nya para hndi n xa maasar sau…kamote k tlga

  11. 2008 Disyembre 3

    hahahaha.. patawa ka pati battery ng mama ko nadamay hehehe :)

  12. 2008 Disyembre 3
    junice permalink

    nyahaha.. ang kulet ng mama moh.. hehehe..

    ayuz yan..

    maging mabait tayo sa kanila..

    life is so short..

    nyahahaha..

    napangiti mo ko dito sa post moh ah.

Leave a Reply

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Magpahatid sa punang ulat ito sa pamamagitan ng RSS