Daily Archives: December 5, 2008

THE MAGIC OF HORIZON

horizon2black-copy2

 

Ilang taon na rin akong nag-aaral ng potograpiya pero hanggang ngayon wala pa rin akong sariling style sa pagkuha, yung tipong pag nakita ng tao yung larawan malalaman nila agad na ako ang may salarin noon.

sa ngayon maglalagay muna ako ng pangalan lols. :D

Pero ilang kaban pa talaga ng bigas ang kailangan kong kainin (wala ng luto-luto) bago ko makamit ‘yun. Sa ngayon patuloy pa rin ako sa pag kuha ng kung anu-ano basta nakita ng mata ko at makalabit ang shutter knob ng camera ko. o’ loko huli ka. hehehe

At hanggang ngayon, patuloy pa rin akong nasusupresa kahit sabihin nating “kuhang bahala na” iyon masabi lang na kumukuha ng imahe.

Yung larawang makikita n’yo sa taas ay kinuhaan ko noong napadaan ako sa Luneta ilang araw pa lang ang nakakaraan.

Medyo kakatapos lang umulan noon kaya mapapansin na mabasa-basa pa ang paligid, akma namang nag reflect ang mataas na gusali sa tubig na naipos sa lupa..

noong kinuhaan ko iyon, hindi ko sinasadyang mabaliktad ang kamera ayun.. hindi ko na ma identify kung ano ang tama.. hehehe sensya na adik lang.

ito yung tunay na kuha. :D

horizon2black3


%d bloggers like this: