ONE DOWN…

2009 Enero 12
by otep

letter-wala na daw mas sasarap pang iba sa pag-ani ng isang bagay kung ikaw mismo ang nagtanim. Sa mas madaling paliwanag, mas masayang isipin at mas taas noo mong maipapagmalaki ang isang bagay kung galing ito sa sarili mong pagsisikap kaya mo ito nakuha. :D

Kung isa ka ring ambisyosong mambabasa sa blog ko (lols.) ibig kong sabihin kung lagi kang nagagawi sa blog ko, malamang nalalaman mo kung ano ang nasa plano ko ngayong taon.

At isa sa mga plano/ambisyon/pangarap ko ay ang magkaroon ng MP4 o kahit na MP3 lang. Wala lang para naman masabi kong mayroong nagiging katas ang bawat sahod ko.

At ito na nga, hindi lang MP3 o MP4 ang nabili ko kundi MP5 (taray na lolo nyo) lols. :D Nyahahahaha

Ito s’ya:

mp5-player-k22-4

Sana, tulad ko ay nagkakaroon din kayo ng mga maliliit na bagay na nagpapaligaya sa mababaw nating kaligayahan.. hehehehe.. :D

Hindi ko na lang lalagay ang presyo at kung saan ko nabili, para naman magtanong kayo. nyahahahahaha..

Next move: SAVINGS

11 Tugon leave one →
  1. 2009 Enero 12

    wow. parang gusto kong haltakin at nakawin iyan otep a hahah. ang ganda naman. sana pinakita mo kung panu ginagamit iyan. kasi naman mp5? e di pa ko nakakita nyan. ayus yan basta konting tipid lang ulit ;-) i enjoy ang pinaghirapan at be wise sa mga binibili okies?

  2. 2009 Enero 13

    Wahahaha ganyan ang MP5 ng pamangkin ko, I know of a site na pwede mong pagkuhaan ng games niyan, nag-old school style nga ako eh. Mga laro sa Family computer! nakakatuwa…

    Congratz sa katas ng trabaho mo.

  3. 2009 Enero 13

    actually di naman importante yung price o sa kung saan mo siya binili, importante is nandun yung pride mo na pinaghirapan mo ang isang bagay.. hindi lahat ng tao nararanasan yan ^^

    keep it up!! nabasa ko ang plano mo, well just stick to it ok? ^^

  4. 2009 Enero 13

    wow galing naman… bagong taon… bagong gadget… hehehe!!!

    ako din balak ko bumli wala lang talaga pambili… harhar!

    magkano na ba ang ganyan ngayon?

  5. 2009 Enero 13

    BUTI KA PA!

    baka gusto mo swap tau,klasik sonny walkman!

  6. 2009 Enero 14

    hek3…

    masarap tlga kapg nakbili ka ng gamit na galing sa katas ng paghihirap mo hek3…

    angas ng mp5 hek3…

    XD

  7. 2009 Enero 15

    ahaha. meron din ako nyan. pero ibang style.

  8. 2009 Enero 15

    otep, nahiram ko blog post mo ah…hehehehe

  9. 2009 Enero 16

    ayos.
    may bunga rin pala.
    ako kaya makapag-ipon?
    san ka aral tsong?

  10. 2009 Enero 17

    Padaan po, promote ko lang iyong bagong site. http://marlonofmanila.blogspot.com

  11. 2009 Enero 21

    ha? meron ng mp5? tsk! tsk! sobrang huli na talaga ako pagdating sa teknilohiya pero masaya ako for you. :)

Mag-iwan ng Tugon

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Magpahatid sa punang ulat ito sa pamamagitan ng RSS