KINULIT NA PANGARAP
Paunawa: Patawad kung ‘di muna ako maki-bisita sa mga e-bahay nyo marami lang inaasikaso. Pangako lahat ng mga nalagpasan kong post n’yo babasahin ko.
_________________________________________________________________
Nag-uumpisa pa lang ang buwan ng Hunyo pero tila pinagsamang pagsisimula at katapusan na ng mundo ko. Pero dahil naniniwala ako sa kasabihang “kapag may natapos ay may bagong pagsisimula” kaya tuloy pa rin ang buhay at pangangarap.
Anong gusto n’yong simulan ko, GOODNEWS o BADNEWS?
Dahil wala naman kayong choice badnews muna
hehehe
Ayun, napakapalad kong naterminate sa pinapasukan kong trabaho, mabuti na lang at may reserba pa akong isa pang hanapbuhay. Hindi tulad ng mga kasamahan ko na nagulat na lang sa mabilis na anunsyo. Nabuwag ang Marketing Department na pinapasukan ko, malaki na daw kasi nawawala sa kumpanya at upang maiahon pa ito sa binabahang problema at upang maiwasan ang tuluyan nitong pagkakalubog, kinakailangan nawala ang departamento namin. Ganoon naman daw talaga kahit sa ibang company unang nawawala ang Marketing Department.
Iyon ang badnews, nakakalungkot pero kailangan nating tanggapin na nasasakop pa rin tayo ng Global Financial Crisis. kaya kayo ‘wag masyadong mapili sa trabaho kung may pagkukulang man ang kumpanya n’yo konting tiis lang dahil napaka-hirap ng mabuhay sa mundo.
Ito naman ang goodnews:
Nagsimula ang blog nito noong mga panahong lugmok ako sa kalungkutan, dahil sa aking pananaw noon na napakalabo ng matupad ang pangarap kong maging mamamayag , dahil sa Entrance Exam palang sa inaaplayan kong State University ay bagsak na agad ako, hindi naman kaya ng mama ko na pag aralin ako sa pribado, kaya iyon pinili ko na lang ang ibang kurso.
Sa totoo lang mahirap mag aral na labag sa loob mo, pero dahil napakapalad mo na dahil nakapag-aaral ka na, pinagbutihan ko na lang. Sinabi ko na lang sa sarili ko na pag natapos ako, mag aaral uli ako ng MassComm at tutuparin ko ang pangarap ko.
Dito mismo sa blog ko, naisulat ko ang mga pangarap ko, at mga pangakong gagawin ko ang lahat sa pagtupad ng pangarap at para na rin masubaybayan ko ang lahat ng ito, at isa na rin siguro sa dahilan para maka inspired ng ibang tao. (Toinks! sensya na ambisyoso lang talaga).
Noong isang taon, sinubukan kong mag-enroll, sa awa naman ng Diyos at nakapag-enroll naman pero sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng conflict sa pinapasukan kong trabaho kaya iyon di na ako natuloy mag-aral.
Ngayong taon, muli ko na namang kinukulit ang pangarap ko, at muli na naman akong nag-enroll sa isang Universidad na nag o-offer ng Open University. Napakaganda ng hangarin nito, dahil nabibigyan ng pagkakataon ang tao/estudyante na makapagtapos at matupad ang totoong gusto.
Sa totoo lang napakahalaga ng pag-aaral at ang makatapos, dahil ito ang gagabay sa’tin sa pag-abot ng pangarap. Pero naniniwala pa rin naman ako na kahit mababa o kahit wala kang pinag-aralan kayang-kaya mo pa rin itong makamtan kung maniniwala ka sa pangarap mo.
Pero sa mga panahong ito, maganda pa ring tandem ang diskarte at pinag-aralan para sa katuparan ng minimithi mo.
kaya kung kakikitaan ka ng pangarap d’yan sa puso mo, ‘wag mo itong iiwan. Dahil ang pangarap ay tulad ng maliliit na buto na kapag inalagaan mo ay maaring tumubo na kasing yabong ng puno na puno din ng mga bungang aanihin pagdating ng bukas.













ganun talaga..dahil kasama tayo sa mundong ito, hindi nga siguro natin maiiwasan ang global financial crisis na yan. daming problema ngayon sa totoo lang, isabay mo pa ang climate change, h1n1 at ang tatak lokal na ‘dengue’ hehe.
bilid ako sa determinasyon mo. hindi ka umaayaw at patuloy parin sa kagustuhan mong matupad ang pangarap na minsan ay isinaisang tabi mo. galing, isa kang inspirasyon. sakto talaga sa iyo ang pakulo mo..ang ‘LLM’. mabuhay ka at nawa ay maisakatuparan mo ang mga pangarap mo upang sa gayun ay patuloy ka pang makapagbigay ng inspirasyon at syempre makatulong sa pamilya.
huhuhu.. group hug* na teary eyes naman ako dun T.T
Nyahahahaha… ganun talaga parekoy kapag masyado kang makulit sa pangangarap mo gagawin ang lahat sa pagtupad nito sa kabila ng mga humahadlang..
pero sabi nga nila, kapag may gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan
samalat muli sa pag sali sa LLM advocacy ko
sorry to hear the bad news. sana makakita ka kaagad ng work. feeling ko naman madali ka lang makakakita ng bagong work, atsaka meron ka pa namang reserba na trabaho. tsk, ang global financial crisis nga naman, lahat apektado.
okay din at matutupad na ang pangarap mo Otep! sana makita na kita sa TV na naghahatid ng newd! iblog kaya kita habang di ka pa sikat para kapag sumikat ka na eh sikat na din ang blog ko! hehe!
kaya yan!
hehehehe uu nga kaya dapat di lang isa ang trabaho na’tin so, pag tagilid ang isa may kapit pa rin tayo sa pangalawa, masyado lang talagang mabait sa’kin ang Diyos. Amen
heheheh bonus na lang siguro pag lumabas ako sa TV, gusto ko lang naman kasi na maging part ng isang news organization kahit sa likod lang
salamas Adjah ko to!
hehe. may picture ka nga ng paborito mong so Howie Severino di ba, kaya sisikat ka!
danun? hehehehehe.. so kailangan ko pa ng maraming pics. Nyahahaha
Sa PUP-Open University ka ba papasok? Doon din kasi ako nagtuloy ng kursong Broadcast Communication pero di ko pa rin natapos dahil sobrang naging demanding yung work ko dati dyan sa Pinas. Sana makatapos ka na. Pangarap ko rin yan pero di ko matuloy-tuloy.
Wishing all the best Otep lalo na sa career life mo ngayon
Nga pala, ang aking latest entry na “Bayani? Bayani.” ay nominated po sa PEBA 2009 o OFW Blog Awards. Sana po ako ay inyong maiboto. Aheks! Kung hindi naman, maaari rin naman ang iba pang kalahok. Eto po ang link ng botohan http://www.pinoyexpatsblogawards.com/
Tenchu
Opo Opo! dun nga! so magiging ka alumni pala kita
galing galing talaga ang dami naging pagkakapareho dito mundo ng pagbablog, kaya naman siguro nakaka relate tayo sa bawat isa.
Salamat po
sige sige.. boboto na agad ako
korek ka dyan otep. basta maging focus ka lang sa goal mo at wag kang magpadala sa destruction, i’m sure mangyayari ang gusto mo sa buhay
wag mo kong gayahin. hahaha!
pareng otep may entry na ko sa pakulo mo..naks
http://flamindevil.wordpress.com/2009/06/06/if-i-were-a-computer-keyboard-an-impossible-dream/
ayan ha…mananalo ko ng t-shirt di ba? medium siza siguro pwede na sakin..hehe..salamat
WooooooooohOOOOOOOOOOO..Salamat po ng marami.. hehehe dami ka naman commenters e.. kaya mukhang mapapasakatawan mo ang LLM T-shirt hehehe..
mukhang di mo ‘to makuku sa Pinas kaya gagawan na tin na paraan para mapadpad d’yan sa KL.. 9 days ka lang dito di ba?
update ko na yung list
kakalungkot naman na nawalan ka ng trabaho. pahirap na talaga ng pahirap ang buhay ngayon kahit saan apektado. ok lang yan makakakita ka ng bagong trabaho para makapag-aral ka ulit.
keep the faith
hehehe ayos lang yun, sabi ko nga may reserba pa rin naman ako, saka kahit walang trabaho mag-aaral pa rin ako hehehehehe…
yeah. maraming salamat..
wow…sabi nga pagnagsara ang isang pintuan sa bhay…kasunod nyan ay ang pagbubukas ng maraming bintana ng oportunidad….sipag, tiyaga at nilaga…este pananamplataya! iyon ang magiging puhunan mo kaibigan….
congrats sa muling pagbabalik sa iskul
uu nga pareng Bluguy.. exsayted nako pumasok.. hehehe para akong bumalik sa pag ka high school.
Natawa ako dun parang Manny Villar lang hehehehe
okey ka naman kuya otep ngayon??
kaya mo po yan
pagsbok lang yang naterminate ka.
buti na lang at maabilidad ka at may nakareserba ka pa.
Good luck po sa buhay
Ayos na ayos naman ako pareng Jason
uu nga pero nararamdaman kong mahal pa rin ako ng Diyos.. hehehhee
yeah right buti nga mayroon akong reserba..
good luck din sayo
otep nasabi ko na sayo kung gaano ako ka proud sa mga goals mo sa buhay at kung paano mo ito isa isang gustong tuparin, basta DASAL ka lang at iwasang magpakaemo ok?
God bless You!
uu nga maraming maraming salamat po parekoy
ito na nga o.. dala-dalawa na work ko mag-aaral pa, ewan ko na lang kung hindi ako lubayan ng pag ka-emo
hayaan mo makakahanap ka din ng bago at mas magandang work… siguro way lang ni god na mawalan ka ng trabaho para mapagtuunan mo ng panahon ang pangarap mo, at yon ay ang pag aaral…
ingatz, at sana makatapos ka.
pare, ang lalim nun ah. hehe.
btw, goodluck sa lahat ng plano mo sa buhay!
Mahirap nga daw magaral ng hindi mo gusto kurso mo, kaya nga nung pinapakuha ako ng ibang kurso ng parents ko para makapagaral sa school na gusto nila, di ako pumayag kase alam ko mahihirapan lang ako T^T pero nguguilty din ako kase gusto talaga nila na dun ako magaral. gusto ko rin naman kaya hindi yung gusto kong kurso makukuha ko T^T
hahaha. sorry. nagkwento ata ako -__-
good luck sayu ^^ siguro ngayun magiging okay na kase yung course na gusto mo na yung makukuha mo e
if a door closes, a new window will open.
ayan pampalakas ng loob. dont worry, evrything happens for a purpose naman it may result to a good or bad thing at least u have a lesson in hand naman db?
isipin mo nalang na “this too shall pass”
cge yngat oweiz!
naterminate ka weno ngayon?! hehe… im sure may makukuha kang mas magandang work at mas exciting…
everything happens for a reason…
gudluck…
GOD BLESS!
ang nawala mas higit pa ang babalik sayo ..
ayos lang yan ako nawalan na din ng work pero mas higit ngayon ung pumalit thankful pa rin ako hehe..
PUP ka mag aaral..jan lang ako sa stop-shop dati nasakay pauwi ng marikina..
i miss the patok jeep with louder sounds lolz
ang paluan sa bandang aurora nestle..bangking kung sa bangking kahit may pulis pangkalawakan pa yan hehe..
sakay ka masaya hehe..
mawawala ang pag ka emo mo hehe..
malay mo rin sa PUP ka na mag karon ng susunod na gi-ef oha di ba..
GBU..and gud luck..
naku sori to hear that..buti na lang talaga may reserba kang work..
well gudlak sa work at pag aaral mo…
maalala ko lang..uhmmm isa na lang work mo..kailangan mo ng dagdag na income kaya magbenta kana ng llm tisyert!ahaha
goodluck!
kaya mo yan..buti ka pa..
gusto ko rin mag-aral kaya lang di ko pa alam ang totoong gusto ko. gusto ko talagang magLAW pero parang hindi ko kaya. ayun. bahala na. (ikwento ba daw?! hehe)
anyway, makakahanap ka rin ng trabaho.
.kelan ka nag-start mag-blog?
i need your reply A.S.A.P. hehe. demanding dude!
July 1, 2006 po hehehehee
Kapatid, sorry to hear the bad news… Good persevering attitude you have here… You are indeed very young and there are still many opportunities that will come your way…
Continue to dream and continue to hope…
Btw, o ano na, pwede na umorder ng t-shirt mo? Hehehe… Dagdag income din to…
I don‘t know If I said it already but …I’m so glad I found this site…Keep up the good work I read a lot of blogs on a daily basis and for the most part, people lack substance but, I just wanted to make a quick comment to say GREAT blog. Thanks,
…..Frank Scurley