MGA NANALO NG LLM T-SHIRT :) AT ANG PAKONTES NI MANG MAR
DATCOM PARA SAYO oppps.. AKIN PALA
Nyahahahah nang-angkin agad.
Bago ang lahat, gagamitin ko muna ang pagkakataong ito upang ikampanya ang sarili kong blog at ang blog ni Mang Mar ng orphicpixel.com
Yup! laganap na ang pakontes ngayon at dahil tapos na ang pakontes ko, pagkakataon na naman siguro upang ako naman ang makisali sa pakontes ng iba. Tumataginting na dalawang domain ang ipapamahagi sa’tin ng ni Mang Mar sa loob ng buwan ng JULY -mga KA-BLOG! (tag-isa tayo) Nyahahhaha. Ito ay pakontest n’ya sa pagdiriwang ng second monthssary ng site n’ya! (oo tama, sila na! toinks!) Nyahahha jokeness.
Kaya sa ayaw at gusto n’yo i ki-click nyo ang makikita nyong kulay berde na larawan sa ibaba pati na rin sa side bar ko. Mahuhuli ko naman kayo e! dahil makikita ko naman kayo sa dashboard ko kung nag click kayo o hindi, pagnagkataon….. ha! galit-galit na tayo! Nyahahahahahahahaha ang wild ko ngayon ha. jokeness
Gaya ng pagpaparining n’ya sa blog ni TSI (nyaahahahhah timaan ako). Hindi uso dito ang spamman, sa madaling salita napaka-hightech ng kanyang pagbilang sa mga click n’yo at napaka organized ng kanyang rules and mechanics.
Kumbaga sa National Election, automated na s’ya samantalang ako ay manu-mano kaya nagkaduling duling ako sa pagbibilang ng mga comments n’yo.
Hindi na rin daw kayo mahihirapang mag edit ng photo na parang may kinalaman sa pakontes ni Joycee (Nyahahahaha toinks! sama ko pinag-sabong sila Nyahahahaa..)
Wala lang, efal lang talaga ako,… in short mag click na kayo.!
libre lang click o… click! Click!
- ——————————————————————————————————- >
LLM T-SHIRT
Tapos na ang mahabang paghihintay…
Tentententen… And the winner is……………….. amp. “are” pala.
Haaaaaaaay Isang taon na naman ang nadagdag sa buhay blogger ko. Tatlong taon na masasabi kong pumuno sa tunay na ako. Marami mang mga bagay-bagay na nanakit sa’kin tulad ng mga nakilala ko dito at sa personal, wala naman akong pinagsisisihan dahil malaki talaga ang naitulong nila para matuto ako at mapaunlad ang sarli.
Salamat sa blog dahil nagkaroon ako ng boses upang ilabas ang labis kong lungkot at kasiyahan pati na rin ang saloobin sa mga bagay-bagay. Dahil sa blog nagkakaroon ako ng laya. Dahil sa blog, nagkaroon ako ng pagkakataong makihalubilo at makapagshare sa kapwa ko blogger. At dahil sa blog nasusubaybayan ko ang pangarap ko.
Salamat sa blog dahil nagiging maligaya ako kahit minsa’y taliwas sa nararamdaman ko, pero dahil doon nakakalimutan ko ang kirot nito.
Ang blog na ito ay hindi lang pasasalamat sa blog na naging instrumento ko para magpahayag pati na rin sa inyo dahil kung hindi sa inyo wala ring blog na “LIBRE LANG MANGARAP”. Dahil walang magbabasa at magkokomento hulols.
Tama na ang emo kaya maraming salamat sa lahat ng sumali sa pakontest kong ito. Salamat din sa lahat ng mga bumibisita at bumisita, samlamat sa lahat ng nasa “MGA KABIT” ko at salamat sa mga gusto pang magpakabit.
Matapos nito, Bubunuin ko naman ang Pang-Apat na taon dito, nawa’y nand’yan pa rin kayo at forever na tayo. Hehehehe
Haaaaaaaaaay salamat at magiging Normal na rin ang pagbablog ko.
Kungratsumaleysyunnnnnnnnnnnnn all winners!!
TENK YU.. MEHEL KE KEO
!!!
Sa mga nanalo, chat/text/email nyo na lang ako thanks
Wag kalimutang mag click!














congratz sa mga nanalo …at salamat namn sa pakontes mo otep at talaga namang marami ang nangarap!
wooohooo, maraming salamat pareng bluguy..
okay lang ba yung ginawa kong avatar sayo? sabi mo di ba kahit name lang? ayun
maraming maraming salamat..
sakali ka uli ha
oo naman…malay mo sa susunod first prize hahahahaha…asa pa….oke sa akin ung avatar ko…basta ikaw!
yeah.. maraming salamat po talaga parekoy
kinulang ka lang ng spams sayang.. Nyahaahahah
huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaa singhot muna…teary eyed ako pramis dahil sa wakas nakamit ko ang tee shert huwwaaaaaaaaaaa…ang saya2 talaga…payakap nga otep hehe..pakiss na rin papa otep hehe..
salamat sa mga sumoporta sakin maraming maraming salamas di ko kayo babanggitin isa isa dahil baka akalain blog ko to hehe..
salamat talaga..mwah…to all..
o.. easy baka mahimatay ka. Nyahahahhaha jokeness.
maraming salamas din po
waaah!pagpasok ko sa ofis eto agad ang hinanap ko kaso di mo pa to naipost kanina..ahaha ang saya saya nanalo ako..wahoooo!
ahmmm ibubulong ko sa ym mo ang mga kailangan mong details..ahaha
at hapi 3rd year anniversary sayo at sa blog mo..naway tumagal pa at lalong umunlad ang talento mo sa pagsusulat…
o sige Nyahahhahah
alam mo, kagabi pa sana yan! kaso nawalan ako ng connection sa office ayun. si hamster kasi.. Nyahahah nanisi..jokeness
ayun.. may talento pala ako sa pagsusulat nyahahaha
salamas
yun naman, congratulations to all the winner.
at mukhang mayayarin ako sa post mo na ito…
una sa lahat wala po kinalaman lahat ng mga rules sa pacontest ko hehehehe.
salamat sa pakikibahagi. o sya, try mo na ulit magcomment
Hahahahaha katuwaan lang naman..
mabait naman si joycee hindi halatang pinapatamaan mo s’ya pati na rin ako Nyahahha jokeness..
BTW! di talaga ako makapagcomment sa site mo huhuhuhu
anong gagawin ko, pero ayos na naman yung link mo. nilagay ko sabi link post mo.. yung link pala ng buong site pala dapat.. ayun
nagana naman sa akin, ginawa na lang kita ng comment nyahahahaha
uy talaga? ill check ha. hehehehee
Speech ng hamster:
Unang una
nagpapasalamat ako kay pereng otep.
Dahil sa LLM entry
dumami ang mga kaibigan ko.
DAil sa LLM entry
sabay sabay tayong nangarap at nagsuportahan.
Ang LLM t-shirt ay kungbaga
BONUS na lang sa kin yun.
Isa kang magandang halimbawa
sa mga kabataan
Thanks Otep!!!!!
ayos! nagdrama ang hamster Nyahahahaha
at may ganun pa: halimbawa sa mga kabataan..
hulols si Rizal lang yun.. at ikaw yun
Nyahahahahah
salamat salamat
dito nga sa LLM kita nakilala jason! hehe.
OO Nga!! ngayon ko lang narealize
ax di ka pala wordpress!!
hehehehhe
Good good!!!!
Woof!!
uu di s’ya wordpress dotcom kaya mag click ka na para dotcom na rin ako Nyahahaha
sus. at dito nyo ko pinag taksilan Nyahahahahah
huwaw… ayan na pala… congrats sa mga nanalo… nice one!
uu salamat po sa pagsali ha
natuwa naman ako kung paano mo pinakilala yung mga nanalo! hehe. salamat dahil sa iyo, naipabatid ko sa buong bloganity na gusto kong maging superhero!
nakakatuwa tong kontes na’to! nag enjoy ako simula’t sapul sa paggawa ng kontes na to at wala akong pinagsisihan. ang pangarap, kailangan lang natin ng haraya at isabuhay ito!
so, salamat ng marami! hehe.
asus…at nanalo rin pala si superspam…hehehehhehehehe…..uy salamat din sa iyo kaibigan…at talaga namang ginawa mo ang lahat hahahahaha kaya lang kulang hehehehehe…ayos na yun….pagdating ko ng pinas pahiram na lang ng t-shirt!
Nyahahhah natawa ako dun SUPERSPAM nyaahahahahah
kupas na ang design pag dating mo sa pinas parekoy.. katsa ang ginamit ko kasi Nyahahaha
sige, papahiram ko sa’yo. hiram lang ha?
hahahaha salamat din sana may pakontest din para sa mga nagpapakontes no? mananalo kaya ako? Nyahahha
ax – superspam
jason – spammerman
meron pang mga spam ranger, spamman, kapitan spam, peterspam, sailorspam.
mag s spam kami sa yo para manalo ka!
congratz sa mga nanalo…
yeah.. salamat sa suporta
especially nga pala kay no.1… =)
Congrats sa lahat ng nanalo… Hindi na ko hihingi ng t-shirt… dinedma kasi comments ko tungkol dun… hahahaha!
To more years of blogging Otep!!!
na dedma ko ba? teka anong post yun? pag nakagawa na kasi ng bagong post, hindi ko na gaanong nasasagot yung ibang comments sa previous ill check ha.
salamat CWW
BOOM ! congratz !! haha ..
lau kamuntikan ka ng manalo pang 13th ka. sayang kinulang sa SPAMS
congrats sa lahat ng mga nanalo..
yeah. salamat sa pagsali ha
panalong-panalo ka sa puso ko
at congratulations Otep
yeah maraming salamat po
OMG! Now i’m gonna CRY! **woot-woot**
Kasali ako. teka. itetext na kita. Para ma-claim na ang pinaka da best na T-SHIRT!
PARENG OTEP! MARAMAING SALAMAT! PA-KISS! Haha!
To all my commentors. ASTEEG TAYONG LAHAT!!
punas luha muna..
uu nakuha ko na message mo.. text na lang kita for info ha
salamats..
Congrats kamuntikan ka ng nawala sa TOP 10
buti naka dali.
Kamuntikan na nga. kasi naman kung kelan malapit na saka pa ko napadpad sa kagubatan. Buti di ako pinabayaan ni LORD. haha!
Pindot ulit ako..
Nyhahhaaha salamat sa pag pindot heheheh kailangan ko na ng dotcom
spammer style.. nahawa na yata! hahaha
uu word of the year yan -spammer
Nyahahahahah
hayan ah. Nag-click ako sa picture na may pixel.
salamat po click ka uli
wow! ‘grats sa mga winners…
salamat sa suporta
awwww.. di ako nanalo. i knew it!
hehe. peru ayos lang. dahil sa LLM entry nagkaroon ako ng post na may comments na lagpas 150. hehe. salamat pareng otep. at salamat kay ax, jason, eli, dencios at lahat na nagcomment for the support. nyahahehe.. cheesy.
kamuntikan ka na sumabit.. pang 11 or 12 ka yata.. sayang
anyways.. salamat ha, panalo ka pa rin
dapat pala naperceive ko kung ilan yung comments nung iba. sorry mon. sorry talaga. next time!
thank you Otep
mag thank you ka rin kaya sa mga nag comment sayo JASON. hehehe =)
dapat may price din yung pinakamaraming nag comment sayo..
pede na rin ang t-shirt na napanalunan mo. hehehe
“Nakuha naman ng Astig na blogger ang pang-siyan na LLM T-shirt kasama si Busyok. Tema nya’y laging may kinalaman sa sariling obra kaya naman giliw na giliw tayong tagasoporta n’ya. Galing.!”
wow…nanalo si busyok! no 9 pa! yes!
medium lang size ko pareng otep. ym kita ha.
nag click na rin pala ako.. 20 times! hakhak.
sige layas uli ako. pinabili lang ako ng suka. nadaan lang.
salamat nga pala sa lahat ng nagcomment sa entry ko lalo na kay ax at jasonhamster. da bes kayo!
sows. kami ang nagbabantay ng bahay these days. pababayaan ba namin yun?
OO nga naman!
ehhehehe
parekoi, muzta na? hindi masyadong nakakadalaw sa kuta mo dahil mejo bisi-bisihan sa pagrereview. at hindi ko rin naman maview tong site mo sa putahan dahil blocked ang wordpress at blogspot blogs sa opis. ampotah. kaya dapat talaga manalo ka na sa pakontes ni pareng mars. yaan mo parekoi, suportaan ta ka! wahehehe.
akalain mo un? nakahabol pa talaga ko o. nyahahaha! salamas sa pakontes na ‘to parekoi. bilang ganti, iki-click ko ng ilang beses ang link mo para sa datkomista project ni pareng mars. nawa’y manalo ka nga. hehe.
at salamas din pala sa mga nag-spam sa llm entry ko para masungkit ang pinakaaasam-asam na llm tshirt – (in order of bulk spamming…huhlolz) kikayness, jason hamster, kuting, simple fula, axrealm, lovely, at sa mga di ko na nabanggit, mahal ko kayo. (parang sandara park lang ang puta. huhlolz!)
congratz sa ikatlong taon mo sa makamundong pinoy sngkablogosperyohan. jurrasic ka na pala parekoi. isa ka nang pioneer dito. haligi kumbaga. hahaha. at napa-whoah naman ako sa description mong idol ko, idol mo, idol nating lahat. wahehehe. parang american idol lang o. huhlolz!
tenchu tenchu parekoi. isa ka sa mga taong naging ka-weblogkada ko na sa blogosperyo. nawa’y magtuluy-tuloy ang magandang samahang ‘to. apir, kawavelenngth!
salamat din Lio. hehe. di ko nga masyado na spam yung artic mo kase busibusihan mode ako nung week na yun! nagkasakit pa! hehe.
hi otep. congrats sa successful na kontes. congrats din sa lahat ng sumali lalo na sa mga nanalo, kakatuwa, umingay ang blogworld sa pakontest mo
cheers!
waah ako yung number 8… salamt otep.. napasaya mo uli ako kahit papano… astig ng shirt…
panalo ka talaga…
pasensiya na pala medyo bc nitong nakaraang araw… yngat ka lagi… ym tayo pag nag OL ka ha…
salamat..
salamat din pala sa mga sumuporta… lalo na kina ax, kuya sandi, jason,kuya eli at livingstain… cla bumuhay ng entry ko..
nyahahahaha bumubuhay!!!
sus kaw pa!
hehehe
haha. napansin ko lang, lagi kasama ang pangalan namin ni jason sa pinasalamatan. yay.
nakiclick sa datkomista project entry mo, parekoi. hangdami niyong sasali sa mga kaweblogkadas ko. may the best man win na lang! pero susuportahan ko kayong lahat! hehe. apir, kawavelength!
Hmm. Is it true?
better late than never.
NANALO TALAGA KO!!!!!!!!!!!!!
yipeeeeeeeeeeeeee
congrats sa lahat. ang cute ha, may mga clues. :p