DUGUAN
Tagal kong nalawan ng new post ha.
Busy kasi ako kakahanap ng bagong malilipatang trabaho.
At habang tumitingin ako sa kalendaryo ngayon, pitong araw na lang pala ang nalalabi ko sa harap ng computer kong ito.
Masakit dahil minahal ko ang trabaho ko, ang masaklap lang pakiramdam ko hindi ako minahal ng kumpanyang pinapasukan ko.
Naniniwala kasi ako sa mga sabi-sabing: kung hindi ka na masaya sa ginagawa mo wala ng dahilan para manatili ka dito.
Ganun na nga ang ginawa ko.
Pero kung babalikan ko ang dahilan , simple lang naman e, sa pera pa rin mauuwi ang puno’t dulo nito.
Saganang akin kasi pakiramdam ko mas malaki pa ang kinikita sa’kin ng simpleng empleyado o factory worker, malayo sa kinikita ko ganoong nakapagtapos naman ako sa kolehiyo.
Siguro panahon na rin para ilabas ko ang ang sama ng loob sa kanina, tutal isa sa mga dahilan ko kung bakit ako gumawa ng blog para ihayag ang nararamdaman ko.
Magiging unfair sa kanila ang gagawin kong ito, pero paraan na rin ito para iwanan ang trabaho kong ito kasabay ng pag iwan ko sa masasamang karanasan ko dito.
Sa ganoon magaang akong lalabas dito dahil nabulaslas ko ito.
- Natatandaan ko pa ang unang tungtung ko dito, noong tinanggap ko ang posisyong ito kasabay ng pagtanggap ko sa salary ko at pangakong tataas pa naman ito, at dahil undregrad pa ako noonn at unang trabaho ko ito, Oo lang ako ng Oo. Hanggang ngayon umaasa ako sa pangakong iyon, hanggang sa tuluyan na itong napako.
- Natatandaan ko pa noong christmas party namin dito, hindi ko alam kung paano ang nangyari dahil hindi ko nagawang mag time in at time out. Kakatawa lang ang rules nila dito, dahil pag wala ka ng dalawang iyon mawawala din ang pinaghirapan mo ng isang araw, sa madaling salita -ABSENT! At nangyari nga ‘yun, ang malungkot na katotohan lang na kahit anong gawin mong pagluluhod ay wala silang magagawa kahit ipapirma mo pa ito sa kaninong santo na magpapatibay na pumasok ka noong araw na yun.
- Ganoon din sa mga hating gabi na umuwi ka. Minsan sa sobrang pagmamadali dahil sa gabi na iyon dahil sa pagchacharity work mo o sa madaling sabi, overtime without pay, may mga pagkakataong malilimutan mo mag log-out, ang siste, HALFDAY! O di ba ang ganda ng policy nila? Ganoon kahit sinong poncio pelayo mo ipapirma ito ay hindi pa rin nila tatanggapin.
- Marami ding pagkakataon na dahil mahalaga ang ads sa dyaryo na pinapasukan ko kahit hindi ko na kaya kukuhain pa rin nila dahil sa pakiusap ng advertiser at dahil kailangan din ng kumpanya (sayang ika nga). Ang siste, magkaka leche-leche ang gawa ko Kinabukasan kahit hindi ako pagalitan pakiramdam ko ako pa rin ang may salarin dahil ako ang gumawa ng layout na yun. Sabihin na may ganito talaga sa trabaho, pero tao ka rin at makakadama ng hindi makatarungang sistema.
- At napaka hightech ng kumpanyang ito, may pagkakataong magsisiksikan kami sa isang computer, sa akin kasi nakakonekta ang printer, pa print dito, pa print doon, sa tingin nyo matatapos ko kaya ng maaga sa ginagawa ko?
- Madalas ginagawa ko talagang mag pa late dahil kung aagahan ko man, ganoon pa rin ang siste hindi ka rin agad makakaupo dahil may gumagamit; gumagawa ng affidavit, gumagawa ng report, gumagawa ng letter sa mga advertiser at kung anu-ano pa.
- Marami ding pagkakataon na ganoong sobrang rush ka na, may makikisingit pa sa’yo para gumamit ng internet dahil hightech din ang computer n’ya. Wala kang magagawa dahil utos daw iyon ng manager kaya pagbibigyan mo.
- At dahil late ka nga madalas dahil sa mga dahilan mo. Ayun! mauuwi sa napaka-laking kaltas sa payslip mo, sabihin na nating noong hindi ka nalelate ay kumikita ka atleast 1,000.000.00 kinsenas, ngayon nasa 600.000.00 na lang (ang laki at ang yaman ko di ba?) dahilan yun para humanap ako ng part time para matustusan ko ang pambayan ng tubig at kuryente sa inuupahan ko. Wala na nga akong luho e.
Ilan lang yan sa mga dahilan ko, pero may masisisi ba ako? wala naman di ba ?dahil ginusto ko ang lahat ng ito.
Ginusto kong matupad ang pangarap kong makapasok sa isang pahayagan, kaya kailangan kong panindigan ito.
Siguro sa kulang-kulang na dalawang taon na nilagi ko dito naging masaya naman ako, tiniis ko ang lahat dahil mahal ko ang pangarap ko.
Pero minsan kailangan natin itong iwan para sa iba naman subukan ang mas maganda at mas mataas na pangarap.
Bata pa naman ako, pero gaya ng sabi ng nakakarami hindi ganoon kadali makahanap ng trabaho. Kaya naman nag print ako ng napakaraming resume at ibenta ang sarili ko.
Kanina sumugod ako sa giyera dala ang mga bala mula sa mga natutuhan ko sa iniwan kong naging pangalawang tahanan ko na.
Mas pipiliin ang mas magandang oportunidad, mas pipiliin ang kumpanyang sabihin na’ting tutulong sayo sa pag-abot ng mga pangarap.
Malaki ang utang na loob ko sa kumpanyang ito, pero dahil lahat ng bagay ay may katapusan, lahat ay nag-uumpisa sa maliit na bagay at nagpapatuloy sa pagsisikap.
Duguan na akong maituturing, hindi dahil sa pagod na nararamdam ko, kundi sa mga inaaplyan ko. Aba naman inglisyin ba naman ako?
Pero ayos lang sa pagsisikap pa rin nagsisimula ang lahat. At nararamdam kong bago matapos ang buwan, na INTRAMUROS na ang susunod kong opisina
Sa huli, sa pag-asa pa rin tayo kakapit













HOMERUN!
wow base,
premyo : FISHBALL SA LUNETA
binasa ko, swak na swak ang mga letra at salitang ginamit para mailabas mo ang hinaing mo. Okey din ang paglalapat mo ng mga salitang sa tingin mo mas makakatulong sa yo at maging sa magbabasa ng post mong ito. Sometimes Life has to be unfair just to be fair. Ganun lang. Naisip ko siguro pagsubok na rin sa ‘yo yan para mag-grow up ka (not literally) bilang isang taong marunong makisabay sa agos ng buhay.
nakanang naman! parang nakapag hired ako ng taga book review ko. ayos! heheheh
syempre. lols.
yeah mamats
gusto ko yan. FIshball sa luneta. Pero dapat yong fish e sashimi, tapos maranated sa sweet and sour chilli sauce.hahaha
o sige bili ka ng sayo, basta sa pushcart lang ako bibili
That’s life bro! We have to let go of something na nakasanayan naten and start anew with something better.
I love moving on pero I hate goodbyes.
And I am also looking for a new job now. Pa-apply naman!
wow jobless ka din? Nyahahaha
hug* parekoy..
yeah ako din I hate goodbyes pero kailangan e
time to Move the Cheese pareng otep.
okey lang yan, balang araw tatawanan mo lang ang mga yan.
basta,whatever happens, just remember that there’s always a reason behind it.
you may not understand it by now but God is planning everything good for you. :p
tama… Move with the Cheese… Move the Cheese…
loved that book.hehehe
timangkey, na curious naman ako sa book
Nice naman papa Rye parang there’s always rainbow after the rain heheheh
Move the Cheese parang laro yan ha?
ok lang na ilabas ang saloobin…kaya nga may blogosperyo…karapatan mo namang maglabas…nang maibsan naman ang bigat ng iyong dinadala…
…igan….pinagsindi lita ng kandila…..la lang….naalala ko lang na baka kailangan mo ng ilaw ng pag-asa ngayong mga araw na ito…
…andoon nasa bag kung entry….iuwi mo na…..
2nd the motion ako kay parikoy(blu)
alam mo ramdam ko ang hinanaing mo…. na minsan k0 ring naranasan yan sa mga kumpanyang napasukan ko…. ang iba nga ma politika….
LOL ang tawag sa ginagawa mong pagttrabaho with out pay na gawain ko din nun matapos lang trabaho ko….. LOL (labor of love…, love of labor whatever!!! mahalaga… minahal mo trabaho mo…)
Tama ka kapatid bata ka pa naman…. maraming trabaho pa ang nakaabang sayo
paulanin mo lang ng resume’ ang JOBSTREET AT JOBDB…
MAY BUKAS PA!!!! alam ko hindi ka pababayaan ni bro kapatid
dahil ginawa mo ang best mo sa trabaho at naging tapat ka sa pagtatrabaho……
@ Lhen
Yeah.. ikaw ba yan santino? hehehhe
oo tama magpaulan tayo ng resume suwerte na lang makasalo lols.
Nyahahahahhaha
kulit ha may natutuhan ako sa’yo
labor of love
wow naman maraming salamat kuya blu teary eyes T.T
Intramuros? Pagiging titser ba ang papasukin mong trabaho? Hehe jowk lang. = P
Good luck sa ‘yo. Mahirap mag-resign sa isang trabaho kapag wala pang siguradong kapalit. Matitigil ang pagpasok ng pera.
Naisip ko ang Manila Bulletin kahit hindi ako sigurado kung sa Intramuros nga ang opis nila. Kung saan man ‘yan, sana maging masaya ka.
hehehehe pati ba naman ikaw manila bulletin? hekhekhek
titser ka nga pala no? Nyahahaha nanghula din.
ganoon na nga parekoy hirap magresign kasi iniisip mo paano kung wala kang makuhang trabaho agad.
kaya lesson no. 1 sa mga magbabalak mag resign, kailangan may malilipatan muna
sayang! hindi ako ang base! hehehe…
kakalungkot isipin na may mga bagay na mahirap espelengin… minsan ang trabaho… ang mga ka-trabaho… ang boss… ang panukala ng kompanya… at iba pa… ang mga ito ay kalimitan nagdudulot ng sakit dahil alam naman natin na minsan ang mundo ay umiikot hindi lang sa atin pati na rin sa iba. minsan o madalas naaaagrabyado. lugi pa rin.
ang mas mahalaga ang namulat sa katutuhanan. at masabi sa sarili, “tama na!” sa pagkakataong ito mararanasan ang sinasabi nilang kalayaan.
masaya ako para sa’yo kapatid. patuloy lang ang paghanap ng magandang landasin tungo sa iyong mga pangarap. matutupad mo rin yan. balang araw.
dalangin ko’y maging masaya ka at mabuhay kang muli sa bago mong opisina… sa INTRAMUROS…
NYahahaha salamat Jun-g, ang intramuron na sinasabi ko ay pakiramdam lang naman hehehehe
hindi pa sure
yeah tama lahat ng sinabi mo.
tama na! sobra na! kailangan tayo kikilos? panahon na! kasama nyo ko! NYahahahhaa parang pulitiko lang
Sa katotohanan ng buhay sa kumpanya, laging nakatingin ang mga boss sa interest ng company. Minsan kahit labas dila ka na sa pagod, wala silang nakikita. Ang mahalaga lang sa kanila nabigay mo yung ineexpect nila. Kung paano ka umabot sa expectation problema mo na yun. Insensitive nga. Ang masakit pa, it is a dog eat dog world. At sabi nga nung boss ko dati: “Cover your own ass.” Pero ang nangyari, gumawa siya ng kalokohan pero yung mga staff naman niya ang napahamak. Ganun yata talaga. Kung sino ang nasa pwesto, siya ang diyos….
Special Life Events Photography: Capturing life’s special moments for as low as Php 5000 for 4 hours unlimited shots and a 20 page colored photobook! Please visit our site for more info on our photography packages.
wow natumbok mo! ganun nga siguro, kadalasan hindi na nila nakikita kung gaano naghihirap ang nasa baba nila
minsan naman, kahit anong gawin nila wala din naman silang magagawa dahil empleyado din sila.
sa palagay ko kulang lang talaga sa boses na magsasaad ng hinaing at suhestyon.
BASE! BASE! BASE! (di ko na sasabihin na second ito, baka false alarm na naman. hehe)
naku father ang dami ng naka 2nd 3rd 4th base hehehehe
hehehhehehe sabi ko na nga ba eh. lol.
alam mo ako pareng otep… ang pangarap ko eh yong makapag trabaho ng trabahong kung ano ang enjoy kong gawin. para kaseng masarap yong naglilibang lang. ang sarap sanang magweldo habang naglilibang ka lang. hehe
pero kinalimutan ko kuna… sa lipuna kaseng ginagalawan natin, kailangang lunukin muna ang mga ganung pangarap at yumakap sa mga trabahong ayaw mo sana. ganun talaga eh…tama ka pera nga ang puno at dulo nito. at kung uunahin mo ang maglibang kesa kumita, kawawa ka…talo ka, gugutumin ka!
pero dumarating din talaga ‘yong time na hindi mo na talaga makuhang maging masaya o magtiyaga pa sa isang lugar na ayaw mo. nasubukan ko yan…ang hirap. halos ayaw kong bumangon sa umaga para pumasok! ang ginawa ko, SUMULAT AKO NG RESIGNATION LETTER! hehe
may mga bagay na kailangang tuldukan para makapagsimula uli!
teka, bakit ba napinduo ko agad yong magbigay ng puna…
maganda yong sinabi mo sa huling pangungusap..sa huli sa pag-asa tayo kakapit. kahit ano pang mangyari yang pag-asa na yan ang sasalba sa atin.
yeah.. salamat at napansin mo, yun na lang kasi ang meron ako hehehhe
pag-asa!
nabasa na kaya ito ni Yhen? lols.
hehehehe..
oo nga parekoy, minsan kahit ayaw natin o gusto susuungin pa rin natin dahil kailangan nating kumita.
Sayang nga hindi ko natapos yung kursong gusto ko at sa tingin ko’y mag eenjoy ako ng husto pag nakuha ko ang posyong gustung gusto ko.
Hirap lang minsa, pag napamahal ka sa mga officemate mo tinuring mo ng pangalawang pamilya, hirap maka move on..
hindi mo na makikita yung mga pagmumukhang halos araw araw mo ng nakikita. (pagmumukha talaga ang term) lols
go, otep, go! (parang cheering ano?)
you have a bright future ahead of you. you are young and talented. sama kita sa aking dasal lagi. Sometimes God takes us out of one work to give us a better one, ika nga. God has bigger plans for us than we have for ourselves.
malay mo, sa pagkahaba-haba man ng byahe mo, one day, tatawagin ka ni Bro sa seminaryo. hehe.
Hahaha!!! Todo kampanya talaga si Fr. Fiel para sa seminaryo… Una si Jason, ngayon naman si Otep… Hehehe…
@ Mang Crooks
naku! kung 50, 000 a month lang naman ang sahod magpapari na ako, kaso puwede bang mag resign pag ayaw na? Nyahahahaha
@ father
malaki ba sahod ng pari? Nyahahahah lols.
walang sahod ang pari. allowance meron.
basta masasabi ko lang sa yo: nalibot ko ang buong pinas ng libre. at may kasama pang hk at macau yun ha.
pag professional na na gaya mo, free na ang tuition, board and lodging.
kaya mo yan.. need mo na nga ng bagong trabaho.. hehehe
bakit di ka magphotographer? enjoy ka na, kumikita ka pa.. hehehe
bili muna siguro ako ng camera hehehehehe..
tama yun, enjoy na kumikita pa, ganyan ang totoong trabaho
bakit ako walang pakialam sa kung anoing meron ako ngaun..
kakainis ako..
hahaha
nainis ako sa sarili ko..
oo nga nikko mamahagi ka naman hehehhe
‘di ko kasi feel kung anong meron sa akin ngayon..
may kulang kasi.. hindi ko naman magawan ng paraan para mapunan ung pagkukulang na iyon…
tapos ramdam ko din my sobra..
kung pwede ko lang ishare ung sumubra na yon..
ginawa ko na..
pero mas feel ko ung pagkukulang na iyon sa buhay ko..
pero kailangan kong makontento sa mga panahong ito..
mas mahirap kasi ang buhay ngayon, kaya nga dapat na matuwa pa ako, pero ikinalungkot ko pa kung anong meron ako ngayon..
ung mga ganung bagay po..
Ganyan din ako dati pards. Di ko nagustuhan ang dati kong work at sa tingin ko I was over na sa ginagawa ko so nagresign ako. Inisip ko na lang noon bagong umpisa at bagong pag-asang magiging ok din ang buhay ko.
Di ako nagkamali sa pagresign ko. mas gumanda takbo ng buhay ko sa bago kong trabaho. Di man kalakihan ang sweldo ok naman kahit papanu ang working environment at mga repapips. And for that priceless yun para sa akin.
Wag ka mawalan ng pag-asa meron at merong darating na mas ok na work.
Bon Jovi este bon voyage!
nice naman.. sa WFF ka ba nagwowork? NGOs? Greenpeace?
yeah.. mabuhay ang pag-asa!
pansin ko lang daming nakarelate sa post ko, parang lahat nakaranas na ng pagreresign hehehe
unang trabaho ko tong trabaho ko ngayon..
hehehe…
nakapasok lang dahil urgent hiring haha..
tapos, bumalik ako sa dati na sobrang adik sa tulog..
parang ang sarap ng laging natutulog..
at saka lagi na din akong nagugutom..
pero wag naman sana akong ma forced resign dito, kawawa ang mga bituka ko..
kukulangin sa suporta kapag ganun..
Sino ba ang hindi tatanggap diyan, ngiti pa lamang, pang Close-Up komersiyal na.
Ikaw ay talentadong Pinoy, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon at opurtunidad, at sabi mo nga pag-asa at patuloy na pangangarap, wagi ka na ‘don.
Akala ko galante ang mga kumpanyang nasa larangan ng pahayagan?
Importanteng alamin mo rin ang alituntunin at batas nila bago ka pumirma ng kontrata para hindi ka nagsisisi sa bandang huli.
lols. nahuli ka naman ng killer smile ko, Nyahahahaha lols. ayoko mag smile bakit ba? NYahahahahaah
yeah such a winner \m/
nope, ang dyaryo ang may pinakamahirap na kumpanya. sa ads lang sila nabubuhay.
yeah.. first job ko kasi e
Oo dahil ngayon pa lamang ako nakakita ng larawan sa bayodata na parang sasali lamang sa Mr. Pogi.
Darating yan.
o talaga ngayon lang? mag callboy na lang kaya ako, ma hired kaya ako agad? ehheheheh
lols
Hindi ko alam, tawag ka sa mga may-ari ng ganyang establisyemento.
At least may experience ka na, kaya di ka na mahihirapan maghanap ng panibagong hanapbuhay..kaya habang bata ka pa otep maging masigasig at matatag!!! May mga kompanya talagang ganyan, kaya yung mga pagkakamali mo before eh aral yan at maging aware ka na sa mga rules at SOP sa susunod na magiging trabaho at kumpanya mo.
virgin pa ko. lols. wala pa akong experience Nyahahahha
oo nga tama, aral talaga ‘to, hindi dahilan ang edad para hindi madaya hehehee
think positive talaga, walang aayaw!
kung mayroon mang mas masaya sa gift ulit ni God for u, AKO YUN!
Wee? kuwento naman dyan?
Ay, gusto ko rin ng fishball sa Luneta!
Pwede ka pala i-partner sa puto?
aba ambisyoso ka, may puto ka pang nalalaman sige pag ikaw ang nakabase sa susunod puto ang premyo mo hehehehehe
Ang dami na nilang nasabi… Eto talaga ang napapala ng palaging late magcomment, either redundant message kasi nasabi na ng mga nauna or hindi napapansin ang comment mo, nilalampasan lang… Hehehe…
Tama ka, sa pag-asa pa rin tayo kakapit… Ang kawalan nito ang kamatayan ng ating mga pangarap…
Humahanga ako dun sa mga taong ang trabaho nila ay nakalinya sa kanilang mga hilig… Ako kasi hindi, dati… Pero napag-aaralan ding mahalin ang trabaho, lalo na’t marami kang natututunan…
Naging mapalad ako kasi sa trabaho ko ngayon, compensation is somehow commensurate with performance… And I have no one to compete with but myself… It had been a rough start but now, I am enjoying it…
Take your time Otep… And whatever work that God will provide, learn to love it with all your heart…
aba mang crooks nananagalog ka yata ngayon ehhehe
oo ang hahaba ng comments nila daming nakakarelate
at isa pang oo mapapalad yung mga taong nahahanay sa tunay nilang gustong mangayari sa buhay nila..
siguro kulang lang talaga sakin ang pagiging kontento sa isang bahay.
salamat parekoy
emoness…
hehehehehehe…
pero sabihan mo lang ako agad ha if ever, if ever lang naman, masaklap sa iyo ang intramuros na yan… pero alam ko, naniniwala din naman ako sa kakayahan mo, kaya malamang sa oo, matutupad mo yang hiling, kagustuhan ng puso mo, o pangarap bang matatawag yan…
balitaan mo ako ha… hehe
sige yung usapan na’tin ha, na hahanapan mo ako ng maraming bookings Nyahahahha lols
hahaha…. cge cge….
road manager ba ang drama ko? hahaha
go for the gold otep…
parang olympics lang yan… hehe
yeah.. hahawak ang ng torch para may liwanag, wag lang sana mapaso
yeah… yngat sa paghawak otep…
Oist Otep. Yawts. Natutuwa naman ako dito sa post mo! Hehe. Naku, magiging magulo ang _______ kung saka sakali dahil sa ‘alam-mo-na.’ Sabi nga ni Rye, time to move the cheese. They kept moving the cheese, and so you have to search for it.
Search for it without complicating the rat maze. Hehe. Yawts. Nabasa mo na ba yun? ‘Who Moved My Cheese?’ Magandang book yan. About change.
Just praying that your next job will be called your passion. Go Otep.
Grabe, tatawagin na rin kitang Father Otep!
di ba yung gas eh amoy cheese? baka pagpinilit mong i-move ang cheese eh baka iba na ang lumabas
Okay, okay. Hindi na imo move ang cheese Mr. Nonsense!
talagang ganyan, sabi nga kapag pinagsasaraan ka ng bintana, madaming pinto ang magbubukas.
ngayon pa lang siguro nila maiisip na sila ang nawalan at hindi ikaw!
good luck!
Siguro may mga bagay na talaga na kahit pilitin ang sarili mo na gustuhin ito ay tila wala pa rin.
Napansin ko lang, minsan kahit saan tayo pumunta, may mga bagay na talagang makikita ka na may diperensiya. Siguro isa lang patunay na wala talagang “perpektong” mundo.
Sana ay mahanap mo na ang trabahong pinakamimithi mo.
Sa buhay ngayon, ay mahirap talaga.
Kahit anong propesyon marami kang kalaban.
Good luck sa iyo.
hi..its my first time here.
nice blog.
nakakainis di pala pumasok ung comment ko dito nung nakaraan..
asar..
gudluck..bf (bis frin) ehehe..
suportahan taka..
hindi eto ung comment ko nun eh..
madami un..
di ko lang maalala hehe..
Minsan talaga kaylangan nting iwan ang ating mga pangarap. Sa kadahilanang mas kaylangan ntin ang kumita ng malaki-laking halaga para matustusan ang ating mga pangangailangan sa buhay at sa araw araw. Kaya naaintindihan nmin kung gsto mong iwan ang trabaho moh, at dapat nmn nilang bayaran ang pinagpaguran moh, tutal napapirmahan moh nmn sa mga nakakita na pumasok ka. Hayy naku baka nmn kupit na nila yun haha. Kaya moh yan bro! ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Tama… Kung hindi na masaya sa isang bagay, dapat humanap na tayo ng bagay na makakapagpasaya sa atin.
Mganda nga ung book na sinabi nila, Who Moved my cheese?. Simple lang ang kwento. Kung tutuusin common sense lang. But i think thats how the world works. kahit na common sense na, kailangan pa rin natin ng reminders.
Good luck sa future career mo. =)
wow. napakagaling mo tlgang sumulat hayst. nakakatuwa. apir! edi magksama na kau ni hamster sa manila bulletin. apir! apir! kamusta nga pala interview mo?
hulols sino nagsabi sa manila bulletin ako? imbento ka.
salamat parekoy
ayaw mo don? bkit nmn? hehehe.
good luck sayu, ganyan talaga ang life, pasasaan ba at magtatagumpay kadin! naks! hehehe
bilib ako sa ‘yo otep bakit? naranasan ko na rin ang ganung pamamalakad sa aking pinasukan noon. at tulad ng ginawa mo, umalis din ako.
sa ganyang attitude, siguradong makakahanap ka ng ‘greener pasture’.
gud lak sa iyong bagong papasukan. sa manila bulletin ba ‘kamo?
good luck job shopping
. dala ka lang ng umbrella. better, yet…ng bangka.
prayers sa mga victims.
GK, Ninoy Aquino mode ka ah.
Padala mo nga ‘yan sa mga nasalanta.
good luck sa paghahanap ng work, at sa bago mong work
otep!
kaya-kya mo makahanap ng magandang trabaho kung meron kang lakas ng loob
kayang-kaya mo yan ^_~ apply lang nang apply
Hindi ko alam pero napacomment ako dito…bawal ba ang ingles dito?
Minsan nakakalungkot dahil kahit gusto mong umalis na ay hindi mo pa rin magawa dahil marami kang kinokonsiderang bagay at dahilan.
Kung tutuusin ayoko na dahil pareho tayo ng dahilan sa maraming bagay…ang hight sa lahat — hindi na rin ako mahal ng kumpanyang kaytagal kong minahal. Pagkatapos ka nilang gamitin sa lahat ng bagay, binawi ang lahat ng iyong nalalaman para ka na lamang isang trapong isasantabi pagkatapos…ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ang nasa aking katayuan?
Pero sabi nga ng ibang komentarista sa kolum na ito, hindi lamang kasiyahan ang mahalaga sa mundo…aanhin mo rin ang masayang mukha kung kumakalam ang sikmura? Mabuti sana kung ikaw lang, paano kung may ibang kukulo ang tiyan kapag hindi ka nagbanat ng buto?
Pero sa katapusan ng lahat, kailangan pa ring umasa na sana pagising mo bukas may bago ka ng gagalawan, hihingahan. Na walang hinanakit at pasakit…na hindi sasama ang loob kung hindi ka mapansin…na hindi maghihimutok and butsi kung walang mangyari sa lahat ng pinaghirapan mo. Na sana sa pagmulat mo ng mata, ngingiti ka ulit dahil may panibagong buhay kang kailangang harapin, na may bagong pag-asa at pangarap na bubuuin muli.
Batid ko darating rin ito…hindi man ngayon, malay mo bukas o sa isang araw…hindi ako titigil sa pagkilos at paghintay…
Pero sa pagdating nito haharapin ko ang panibagong pangarap at pag-asa.
Ganyan din kahigpit sa amin… or mas malala ata sa amin.. Kami pati break dapat may out at in. Hayyyyzzzz.
wow oo nga mas malala ata paano kung di ka naka out sa break mo? hehehe
ayos, pero ganyan talaga kung gusto na’tin mabuhay hehehe
parekoy, URL mo?
ahhhhm. deductions tol. in a bright side kapag complete attendance d2 sa amin (no absent, no lates) may incentives naman.
eto url ko parekoy blogrammers.wordpress.com
edi mas malala pa din sakin eheheheh
ayos!
ako di pa ako nakatikim ng incentives, hiring ba dyan?
hahaha… ndi ko lang din alam… theres no perpect company ika nga nila. oo, php developer at .net developer parekoy…
gusto mo? =))
ahhh paaano yun? puwede freelancer? heheheheh gusto ko ng maraming raket
naku… ndi pde parekoy… dapat papasok ka d2 sa office….
malaki ba sahod? Nyahahahah mukha akong pera e. lols
hahaha..hmmmm.. ok lang.
yeah heheheheh lols.