Noong nasa elementary ako madalas ako mag cutting classes para maglaro lang ng video games (yung hinuhulugan ng piso) -Island adventure pa nga yung madalas kong laruin nun, ang siste madalas din akong maputulan ng hanger sa puwet ko. aw.
Kaya ayun lesson learned. hindi na ako nakahawak muli ng video games.
Pag dating ko naman ng highschool at college pinilit kong hindi talaga maglaro ng anu mang computer games kasi alam kong madali akong ma-adik.
Kaya kapag-usapang dota at counter strike na ang pinag-uusapan ng mga classmates at kaibigan ko, O.Ping- O.P na ako, parang gusto kong sumigaw na lang ng: “CHANGE TOPIC PLEASE!”
Pero hindi din, siguro choice ko lang talaga ang hindi matutong maglaro n’un.
Kailan lang, para akong bumalik sa pagka-high school. Sobra akong nalibang kaka-Tekken at Naruto.
Doon ko naalala yung pagkabata ko, lalu na yung mga kapatid ko.
Minsan sobrang saya naming magkakapatid noong minsang may kapitbahay kaming nagpahiram ng family computer. Kaso simula noong nasira ko yung joy stick nila sa sobrang gigil makuha ang 100 lives sa Super Mario hindi na muli kaming pinahiram.
Kaya sobrang pinangarap naming magkakapatid na magkaroon noon. Syempre kumontra Papa namin, hindi dahil sa baka mapabayaan namin ang pag-aaral, kundi dahil sa baka tumaas ng major-major ang bill namin sa kuryente.
Inisip ko tuloy, siguro kung nagkaroon kami ng family computer nun, may pagkakataong baka nakapag bonding kaming magkakapatid, hindi puro suntukan o away.
Siguro hindi malayo ang loob naming mag-kakapatid sa isa’t-isa.
Sa totoo lang wala na nga akong maisip na masasayang araw na magkakasama kaming magkakapatid, mas naaalala ko yung mga pagkakatong, nag-aaway kami kung sino ang maghuhugas ng pinggan na pinaggamitan.
Parang gusto ko tuloy bumili ng Play Station, Parang gusto kong makabonding mga kapatid ko kahit may mga asawa’t anak na sila.
Hindi man namin nagawang magkapagbonding magkakapatid nung mga panahong iyon, pangarap ko pa ring makabonding sila kahit sa sandaling panahon.
















February 7th, 2011 at 2:55 pm
Studies show that children who spend a lot of time playing these kinds of computer games tend to do poorly when it comes to studying.
February 15th, 2011 at 10:55 am
talaga? kaya pala matalino ako, hindi kasi ako natutung mag computer games. joke lang.. anga-anga pa din ako sa lahat ng bagay. haha
February 7th, 2011 at 3:09 pm
Nag-adik ako sa DOTA. Ang favorite hero ko ay si Sniper, range sya. Matalino pa. OP, OP!!! =)
February 15th, 2011 at 10:56 am
February 8th, 2011 at 1:21 pm
dati nagraragnarok ako tinuruan ako ng kaklase ko nung college..pati gunbound at pangya hehehe
try mo iyong plants vs zombies nakakawili hahahaha
February 15th, 2011 at 10:56 am
haha natapos na naman ang plants vs. zombies. sarap kaya tumira. haha
February 8th, 2011 at 8:02 pm
pano ba yang larong yan?
February 15th, 2011 at 10:57 am
hirap i-explain.. pero bugbugan. haha
February 26th, 2011 at 4:30 pm
nakarelate ako! Dati may famicom din kami. Na hingi lang un sa mga pinsan namin. Ako ang umayos nun. Napagana ko sa tv namin. Gumagamit pa kami dati ng RF jack ba yun?basta.hahah.masaya kaibigang otep. Masaya ung mga araw na un.tapos nag improve, PS2 na hinihiram namen.XD
good read.
Ngayon, nagdodota na din kapatid ko.parehas kami. Sobrang close na kami pagdating sa ganyan.basta.haha.di naman masama yun e.Nasa tao na un kung makakasagabal sya sa ibang priorities nya.