PANGARAP NG EDSA


Kung anong bagal ng trapiko mayroon sa kahabaan ng EDSA, siya namang bilis ng takbo ng panahon.

Tama! saktong ika-dalawampu’t limang taon na ng pagdiriwang ng aniversaryo ng kauna-unahan at natatanging People Power sa mundo.

Ilang milyong sasakyan na kaya at tao ang nagpapabalik-balik sa EDSA na masasabi nating napamura at nangarap na sana balang araw ay mawala ang salot na trapiko dito?

‘yon naman ang maganda sa mga Pilipino na kahit ang simpleng trapiko, ay naikukonekta pa rin talaga sa salitang pangarap, -pangarap na pagbabago: na sana dumating ang panahon na mawala ang mala usad-pangong  na trapiko.

Nasa talbos pa ako ng kamote noong panahon ng Martial Law at EDSA revolution, pero ilang milyon din kaya ng tao ang nangarap ng pagbabago para sa pamahalaan noong mga panahon na iyon? sa kabilang banda, ilang milyon din kaya ang natuwa noong natupad ito? :D

Noon, hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang pag-aralan at gunitain ang EDSA revolution higit (sa ganang akin lang) sa  araw ng kasarinlan ng Pilipinas?

Naisip ko, marahil ito’y tinawag na paglaya sa makabagong panahon lalo na’t nakalaban ng Pilipino ang kapwa nito Pilipino.

At kumpara sa pandaigdigang pananakop, ni-hindi gumamit ng dahas o anumang armas ang mga nakikidigma bagkus prinsipyo, pagkakaisa at dasal ang isinamo nito.

At doo’y naisakatuparan at natamo ang inaasam na pangarap na pagbabago na s’ya namang hinangaan at tinuran ng buong mundo.

Nakakatuwa at nakakalungkot nga’t hanggang ngayon ay tinutularan pa rin ng ibang bansa partikular ng Ehipto, Tunisia at marahil sundan na rin ng Libya. Nakakatuwa dahil nagkakaisa ang mga kani-kanilang mamamayaman at nakakalungkot dahil hindi maiwasang may masaktan dahil sa pansariling interes ng iilan.

Ngayon natamo na natin ang Pagbabago may mga bagay pa ring hindi pala lubusang napupuksa na s’yang nagiging ugat para mabuo ang isang rebolusyon -kurapsyon.

At hangga’t may nananatiling ugat sa hindi mapuksa-puksang kurapsyon sa bansa, mananatili ang pangarap ng EDSA para sa pagbabago.

Natutuwa pala ako sa tema ng celebrasyon ngayon taon, akmang-akma kasi sa aral ng EDSA. Na sa’tin naman talaga kasi magsisimula ang pagbabago. Kung mananatili tayong tapat sa kapwa at magiging disiplinado, sa atin na mismo magsisimula ang pagbabago.

Gaya ng trapiko sa EDSA kung magiging mapagbigay at disiplinado lang tayo, hindi man lubusang mawala ang trapiko mabawasan man lang ang piligro dito.

At gaya pa rin ng trapiko sa EDSA, walang katapusan at tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng mga sasakyan dito, gaya ng patuloy na pangangarap natin dulo’t ng aral ng People Power Revolution.

About these ads

About otep

SA BABASA : Ang BLOG na ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha [HINDI PO AKO DALUBWIKA]. Kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagba-blog. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO... gaano man kasakit, gaano man kaganda sa tipong nakakataba ng puso. | PAUNAWA: Hindi ko po matutugunan lahat ng puna n'yo, pero makasisiguro kayong lahat po ng iyon ay nababasa ko at sobra ko pong kinatutuwa. Salamat po! :D | Sa lahat ng mga nangangarap, LIBRE lang po!! View all posts by otep

21 Responses to “PANGARAP NG EDSA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: