Monthly Archives: March 2011

BANCO FILIPINO: SUBOK NA MATIBAY, SUBOK NA MATATAG… WEH?

Kapapasok palang ng summer sa Pilipinas at kasabay nito ang pagpasok ng naglilingas na balita sa di umano’y pagsasara ng Banco Filipino.

Wala ako sa lugar para magbigay ng opinyon hinggil dito dahil wala naman talaga akong alam sa dahilan ng nagbabadya o tuluyang pagbagsak ng naturang bangko. Ang tanging alam ko lang sabay-sabay nag init ang mga ulo ng  taong nag-impok dito.

Kanina nakapanood ako ng 24 oras. Sobrang napipihit paatas ang dibdib ko sa napapanood kong balita. Ang mga tao, tila naghihintay sa wala sa labas ng bangko. May isang Ale nga doon na humahagulgol at nagmamakaawang ibalik sana ang naitago n’yang pera habang iniinterview. Sobrang naaawa ako. :(

Meron ding isang Ale na kakadeposito palang, tapos malalaman n’ya na tumatagilid na pala ang bangko. Parang ang hirap tanggapin ng sitwasyon n’ya. Lalo na”t nasabi nya, na iyon na lang ang natitirang yaman ng pamilya nya. Kung hindi ako nagkakamali nasa siyam na libo iyon.

Wala pang kasiguraduhan kung makukuha pa nila ang mga naitago nila o kung ilang buwan pa maaring makuha.

Nakakainis din ang katotohanan na kung sino pa ang may mga naimpok na hindi kalakihan, sila pa yung napapag-iwanan.

Sobra akong naiinis! dahil ang dapat mong pagkatiwalaan ang s’ya pa palang ta-traydor sayo ng mabilisan.

Mas lalo akong nainis noong nabasa kong muli ang slogan nila “SUBOK NA MATIBAY. SUBOK NA MATATAG.” kakabanas. subok na daw, matibay pa. Parang gusto ko kayong kulitin na sabayan ako habang isinisigaw ng malakas ang “WEH!!” p&t@Ñ&8 #@* nyo!

Badtrip Men!!

Continue reading


WALA NA… (ANG ALIN?)

Mahabang panahon na noong huling emo ko dito. Sabi ko kasi hindi na ako mag popost ng malulungkot na bagay dito sa blog ko.

Isa nga yun sa dahilan kung bakit tinago ko na lang yung mga post ko mula 2006 hanggang 2010. At naging “Libre Lang Mangarap 2011″ na title na nito, ibig sabihin mula-january hanggang kasalukuyan na lang ang mababasa mo dito.

Sab nila, kung ano pa yung pinaka maliit na bagay sa buhay mo kapag nawala doon mo palang mare-realized kung gaano ito kalaki.

Yup! pagkawala ng isang 4GB  SD card ang kinaka-emohan ko. (group hug) :(

Tatlong taon ding nagpaalipin sakin yun, nakarating na nga yun ng Baguio, Ilocos Sur, Pangasinan at kung saan-saan tapos sa ilang iglap mawawala din pala ang lahat.

Ang mas nakakalungkot, nandoon yung mga pic na inaalagaan ko. Haaaaay.. ang OA ko pero kapag naiisip ko kung nasaan na siya, nanlilingid luha ko, wala pa naman akong hard copy.

Continue reading


%d bloggers like this: