Mahabang panahon na noong huling emo ko dito. Sabi ko kasi hindi na ako mag popost ng malulungkot na bagay dito sa blog ko.
Isa nga yun sa dahilan kung bakit tinago ko na lang yung mga post ko mula 2006 hanggang 2010. At naging “Libre Lang Mangarap 2011″ na title na nito, ibig sabihin mula-january hanggang kasalukuyan na lang ang mababasa mo dito.
Sab nila, kung ano pa yung pinaka maliit na bagay sa buhay mo kapag nawala doon mo palang mare-realized kung gaano ito kalaki.
Yup! pagkawala ng isang 4GB SD card ang kinaka-emohan ko. (group hug)
Tatlong taon ding nagpaalipin sakin yun, nakarating na nga yun ng Baguio, Ilocos Sur, Pangasinan at kung saan-saan tapos sa ilang iglap mawawala din pala ang lahat.
Ang mas nakakalungkot, nandoon yung mga pic na inaalagaan ko. Haaaaay.. ang OA ko pero kapag naiisip ko kung nasaan na siya, nanlilingid luha ko, wala pa naman akong hard copy.














