Mahabang panahon na noong huling emo ko dito. Sabi ko kasi hindi na ako mag popost ng malulungkot na bagay dito sa blog ko.
Isa nga yun sa dahilan kung bakit tinago ko na lang yung mga post ko mula 2006 hanggang 2010. At naging “Libre Lang Mangarap 2011″ na title na nito, ibig sabihin mula-january hanggang kasalukuyan na lang ang mababasa mo dito.
Sab nila, kung ano pa yung pinaka maliit na bagay sa buhay mo kapag nawala doon mo palang mare-realized kung gaano ito kalaki.
Yup! pagkawala ng isang 4GB SD card ang kinaka-emohan ko. (group hug)
Tatlong taon ding nagpaalipin sakin yun, nakarating na nga yun ng Baguio, Ilocos Sur, Pangasinan at kung saan-saan tapos sa ilang iglap mawawala din pala ang lahat.
Ang mas nakakalungkot, nandoon yung mga pic na inaalagaan ko. Haaaaay.. ang OA ko pero kapag naiisip ko kung nasaan na siya, nanlilingid luha ko, wala pa naman akong hard copy.
Pero bakit ganoon, kahit alam mong mahirap ng makita ang mala-baryang liit na bagay, umaasa ka pa ring makikita mo ito.
Mahirap tumanggap ng pagkawala lalo na’t hindi ka man lang nakapag-paalam dito.
oo, malamang hindi nagpapaalam yun.Adik!
Pero kahit na.
Sa ibang banda, may natutuhan din naman ako, kung ayaw mong mawala ang isang bagay, matuto kang alagaan at pahalagahan ito.















March 7th, 2011 at 10:41 pm
pero merong mga bagay na kahit anong pag-aalaga ang gawin mo.. mawawala at mawawala pa rin sayo..
kasi hindi pala nakatakdang maging sayo…
March 8th, 2011 at 9:41 pm
isang malaking katotohanan…
March 7th, 2011 at 11:30 pm
anu bang nangyari?nawala?nacorrupt?kung corrupt, may pag asa pa!
March 7th, 2011 at 11:33 pm
naks emo nga. hehehe. pero nice one, you still keep up to ur style of writing and that’s imparting lessons in every situation
March 7th, 2011 at 11:48 pm
Di mo nawala, kinuha ko pero di ko na ibabalik sayo >:P
March 8th, 2011 at 11:24 am
In a way, Otep, namiss ko makabasa ng emo sa blog na ito. Just keep blogging and keep rocking. Malalim ang pinaghugutan ng emo mo at ang bangis ng mga binitawan mong salita lalo na yung huling linya.
March 8th, 2011 at 8:19 pm
hello. otep.
haha, ang galing ng illustration ng SD card sa itaas. mas ma-emote pa sa kwento mo, hihi… lalo na no’ng mabasa ko ang mga salitang “wala na.”
hugs na nga lang. better, i-hug mo na lang sino mang malapit sa ‘yo dyaan – indiscriminate hugging, huh?
March 9th, 2011 at 7:04 am
naiintindihan ko ang nararamdaman mo. i love pictures, at siempre, yung iba mong remembrance ay nawala sa pagkawala ng memory card. nung nakawan nga minsan yung kapatid ko sa bahay nila, ang iniyakan nya ay yung camera kasi andun memory card at mga pictures ng anak nya simula ng pinangank nya ito. hindi na daw nya makukuha pa yun.
just make new memories!
bumibisita po galing kay poOt!
March 12th, 2011 at 3:01 pm
kailangan mong tanggapin na wala na. In that way makakamove forward kana.:)
March 19th, 2011 at 2:19 pm
madami akong expirience na ganyan… pag natutunan mo talagang tanggapin ang pagkawala ng isang mahalagang bagay sayo, makaka get over kana sa Depression