Nagkalat ang blog post tungkol sa lindol at tsunami sa Japan. Sigurado akong ang taas ng hits nila. Magpopost din sana ako tungkol doon kaso ayaw ko naman maki-trend.
Kaya medyo related topic na lang sa kalikasan ang ipopost ko ngayon tutal, konektado din naman ito sa tinatawag na climate change. Ano ba konek ni jollibee dito?
Kagabi, gutom na gutom ako, wala na akong ibang makitang bukas na kainan na suwak sa panlasa at sa bulsa ko.
Naalala ko may sweet and sour meat balls pala ang Jollibee na bagong labas -39 lang! tapos sasamahan ko pa ng 25 pesos jollibee coke float. kaso naalala ko linggo pala! toinks.
Burger Steak with rice na lang ang inorder ko, 39 din naman yun kapag walang kasamang softdrink.
At dahil makaka-kalikasan na halos karamihan ng fastfood ngayon sa Pilipinas na gumagamit na ng hugasing plato, baso kasama na rin ang mga kubyertos hindi tulad dati na panay disposable -malamang doon nila ako papakainin dahil dine-in ako.
Nakakatuwa no? kasi kahit papaano nababawasan ang basurang inilalabas ng bawat fastfood na maitatambak sa dumpsite, na siya namang nagiging sanhi upang uminit ang mundo dahil sa nilalabas nitong kemikal pag nagsama-sama ang lahat ng elemento.
Sana nga, dumating din yung panahon na paper bag na rin ang lalagyan ng mga fastfood kapag nag take-out tayo -parang sa starbucks. hoho
ang kaso, maraming pagkakataon na kapag kumakain ako sa fastfood partikular na sa jollibee nandidiri ako sa mga kutsara, kasi may parang kanin na natuyo, ibig sabihin hindi ganoon kaganda ang ginagawa nilang hugas sa mga ito. Iniisip ko na lang: tutal may nababasa naman ako doong “hot surface” siguro dedo na rin ang mga germs doon. Todo halukay tuloy ang ginagawa kong paghahanap sa mukhang malinis na kutsara at tinidor. Pupunasan ko pa ng tissue yun pagnakapili na’ko.
May mga pagkakataon na hindi ko na matiis ang pangamba ko sa kalinisan ng pinangsusubo ko kaya nagrerequest na lang ako ng disposable kahit dine in ako.
Ugali ko ding hindi na kumuha ng straw para sa inumin ko. Minsan kasi naartehan ako sa sarili ko kasi puwede namang inumin iyon sa normal na gawain sa baso.
Isa pa, tubig lang naman ang drinks ko sa jollibee kapag kumakain ako i-strawhin ko pa. lols
Kaya kayo wag na rin kayong gumamit ng staw kapag nasa fastfood kayo. Dagdag kalat lang yun kapag gumamit kayo. Isipin nyo na lang na sa bawat straw na hindi nyo gagamitin makakatulong kayo ng 0.000000000000000000000001 second bago ang paggunaw na mundo. malay nyo maging 12-22-12 na ang deadline natin sa mundo. parteee-partee muna sa isang araw na biyayang postponement. haha.
Medyo may budget naman ako kagabi kaya sinamahan ko ito ng regular coke.
Noong nakuha ko na ang ang order ko, umupo na agad ako sa napili kong puwesto. Kain ako agad! dami ko kasing gutom.
noong medyo kailangan ko ng uminom nanlaki ang singkit kong mata. O.O
shocking men! may oilspill! punta ako agad sa counter.
sabi ko “Miss bakit ganito?”
sabi nung nagmamagandang babae sa cashier “ano yan sir sebo?”
nakangiti kong sinabi “hindi, coke! tanga!? tanga!?.. baliw baliwan ka teh?” (haha joke lang sa isip ko lang sinabi yan)
“ay sige sir palitan ko na lang”
sabi ko “hindi ko pa yan naiinuman ha.. puwede sa plastic cup na lang?”
ginawa nya naman yung request ko, kaso nakakaloko.. nagkuwentuhan pa sila ng kasama nya habang nakatalikod
parang ganito yung pinag-uusapan nila “ang arte naman nun..” “hoho nga.. ang chaka naman.. hoho” (hindi ko naman narinig na read-lips ko lang)
pagbalik sakin.
“sir ito na po…”
kapal ng mga mukha hindi naman nag sorry sa balahura nilang baso na nagsesebo.. haaaaaaaay kainis..
sabi ko na lang sa sarili ko.. (sorry ha! maarte ako e!)
Haaaaay.. hindi ko na tuloy alam kung saan lulugar ang jollibee.. kung makakalikasan ba o maka-kalusugan.. Ano bang mas importante?
Ayaw ko man pero parang mas napipilitan na lang tuloy ako sa paggamit ng disposable.
Kung ang lahat nangangarap para sa kabutihan ng kinakaharap ng kalikasan pagdating ng panahon, sama isaalang-alang din naman nila ang ibang aspeto.
- – - – - – - – - – - -
PAUNAWA:
Wag na’ting i-generalized lahat ng Jollibee, ito’y saganang akin lamang batay sa opinyon at karanasan.
bida pa rin ang sarap sa jollibee!! Haha















March 15th, 2011 at 1:12 am
hahaha. ayus men, may comic side ka pala. tawang tawa ko sa cashier moment mo. hehehehe. yaan mo na yung sebo di naman nakakamatay yun eh, tataba ka nga lang. hehehe. ayus men, another approve post.
March 15th, 2011 at 1:26 am
hehe!! tama ka naman dyan, minsan na experience ko din yung parang hindi hugas mabuti na kutsara, pero mukahng ok naman ung hot surface patay na mikrobyo dun! ayos!! magandang idea yan wag na gumamit ng straw!
March 15th, 2011 at 2:33 am
Talaga, talo-talo na kahit may kanin pang hindi natangal sa kutsara at mas malimit eto sa tinidor. Wag ka mag alala may mga crew din na disposable. Pero hinanap ko kung bakit Green si Jollibe, buti nalang na gets ko.
March 15th, 2011 at 7:00 am
pero pansin na talaga yung sobrang init ng paligid. As in sobra.tss
Takteng jalibi yan.XD I-trackback mo to sa kanila. Hahah. So far ala pa ko ganyang experience, puro bida ang saya pa lang.
March 15th, 2011 at 7:09 am
Hahaha natatawa nLang ako habang binabasa ko ang blogpost mo… Kasi lagi din sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na iyan… Pero di ko ginagaaawa…
March 15th, 2011 at 12:59 pm
ay, ang arteeee ni sir! bin-log pa!
-kahera.
March 15th, 2011 at 11:59 pm
karamihan ng mga fastfood restos, hindi sinasabon ang mga pinggan at utensils. ibinababad lang nila sa hot water, yun ang sabi ng kapatid ko na nag-OJT sa isang fastfood resto. tsk tsk.
March 16th, 2011 at 6:49 pm
enjoy basahin… palakain di ako sa jabee.
March 16th, 2011 at 9:51 pm
HAHAHAHAHAHAHAAHAH!!dami kaartehan…
March 17th, 2011 at 2:17 pm
yakeeeeeee!!!! dugyot pala sa jollibee!!! I hate it na hehehe
sa Mcdo ka nalang lagi para masaya!
March 17th, 2011 at 5:53 pm
hehehe. yuck naman yun. pero maganda talaga yang naisip nila na wag nang gumamit ng disposable kapag dine in. isang aprub na galaw kaso sana hinihigpitan nila at hindi minamadali ang paghuhugas ng mga tauhan nila …
March 18th, 2011 at 1:57 pm
hahahahah.. kaya nga mas maganda parin ang disposable. Kasi mga nagmamadali yung nag-uugas sa fastfood.
@OTEP: Alam ko kung saang branch yan… heheheheheh
March 18th, 2011 at 2:20 pm
ahaha natatwa ko kasi may ganitong eksena din ako sa mcdo nga lang..kinamay ng sevice crew yung pata ko kaya inutusan ko yung manager na itapon yung pasta sa basurahan sa harap ko…hehe
***balik blog..bloghop muna