Monthly Archives: May 2011

LFS

Mapalad akong nai-libre ng isang bagong kaibigan noon sa sinehan. Syempre sino ba naman ako para tanggihan? Hilig ko rin naman ang manood ng sine, kaso may mga pagkakataon na halos humalagpak at magkaihe-ihe na sa kakatawa ang mga nanonood sa loob, samantalang ako… walang lang, walang reaksyon -may nakatatawang dialogue pala ang isa sa mga bida.

Sensya na! english e hindi ko na gets :P

Pero hindi naman talaga iyon ‘yung kuwento ko. Nai-share ko lang. hoho

Minsan nangarap na akong makipag date sa isang sinehan, yung tipong kayong dalawa lang habang holding hands.. naks! paakbay-akbay naks uli! at yung tipong may mga panakaw halik pa! naks! naks! naks! ang sweeet.. :) pero hanggang pangarap lang yun. haha.

Mas naniniwala pa rin akong mas madaling matupad ang date na KKK: Kasuluksulukan, Kaitaastaasan at Kadilim-dilimang parte ng sinehan. haha.

Nitong nakaraan, inaya ko ang isang kaibigan para manood ng 10 pesos na movie sa SM Manila (15 pesos pala plus tax) ng makapag relax naman ako after work. Kaso nakita ko sa isa sa mga poster ang “Tsunami” na  made in Korea. Ito yung napanood ko na trailer sa Facebook sa kasagsagan ng mga balita ukol sa paglindol at tsunami sa Japan. Napapa keeeeeeeeeeewl pa nga ako noon habang pinapanood ko yun sa internet sa laki ng tsunami.

Continue reading


LUNETA @ NIGHT

Logical Question muna tayo:

(Q) May magkapatid na babae na sina April at Apple. Isang araw pumanaw ang kanilang Ina. Sa burol, may isang lalaking bumisita na hindi nila kilala o kaanu-ano. Nagkagusto si April dito. Matapos ang libing ng kanilang ina. Kinitil ni April si Apple. Bakit kaya?

Sa totoo lang sumakit ang bangs ko sa kakaisip sa tanong na ‘to. hoho

“Baka nalaman ni April na si Apple yung pumatay sa Nanay nila?” enggggk! -mali.

“Ahh baka magka Love Triangle kasi sa pagitan ng magkapatid hoho”… engggk mali uli! sayang.

(A) Para daw dumalaw uli yung lalaki. in short, para makita uli ni April yung lalaki.

Tila tampulan daw ng mga taong nalulumbay ang Luneta (Joke lang ako lang nagsabi nun) Pero ang katotohanan, marami pa ding mga taong hindi nakatutuntong sa pinaka kilalang parke sa Pilipinas. -Rizal Park.

Kaya nakatutuwa kapag nakakarinig ako ng mga salitang “first time ko dito”.

Noon pa man kapag nakadarama ako ng kalungkutan, nauupo lang ako sa lilim ng isa sa mga puno ng Luneta naiibsan na agad yung lungkot ko. Tila may nakikinig kasi sa bawat hinaing at sinasamo ng isipan ko. Doon, masusumpungan ko na lang na nababawasan nito ang bigat ng pakiramdam ng pag-iisa, yung tipong mga kuwentong hindi kayang ibulaslas sa mga kaibigan o kapamilya.

Nakabubusog sa mata ang mga bagong palamuti at liwanag dulot ng musical fountain ng Luneta. Tila nag iindakan ang mga tubig sa bawat saliw ng musika.

Continue reading


%d bloggers like this: