Ang bilis ng panahon. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat dito sa lungga ko. Sayang yung nasa draft ko na hindi ko na naiposte at malabo ng mailathala pa dahil wala ng sustansya, pati na rin yung mga biglaang kuwento na bigla na ring naglaho ang ideya at daloy sa isipan ko.
Bakit ba kasi ganito kaming mga manunulat madaling makapag isip pero madali ding nawawala kaya dapat ay mabilisan naitatala. (ako na writer!) lels.
Ewan ko ba kung bakit ang bilis-bilis. Katulad dati takot na takot akong mawalay sa magulang ko. Naglulumpasay ako sa kalye kapag hindi ako naisama at titigil lang kapag nakauwi na sila (totoo yun, kaya nga nagkasingkit-singkit ako kakaiyak). Ngayon tingnan nyo naman… bukod sa lagalag na, nakukuha ko pang magpaka indipendent. Syempre MALAKI na ko! (ayt! revised) syempre MATANDA na ko!. Gusto ko din naman tumayo sa sarili kong mga paa. Siguro ganun na rin ang turo sa aming magkakapatid na hindi sa lahat ng pahanon nandyan sila.
Ngayong matanda na nga ako.. at patuloy na tumatanda, bakit hindi nating pabalikin ang panahon. Oo 22 years old na ko, next year 21 tapos 20 hanggang umabot sa 1 month old hanggang mamatay (benjamin botton?) lels.
Naisip ko lang, hindi pa kasi ako nakakatatanggap ng sulat mula sa koreo maliban sa lintik na billing statement ng telepono etc. hahaha.
Bakit hindi n’yo subukang pabalikin ang panahon at padalhan ako ng sulat? Yung panahong wala pang nag-uugnay sa’tin tulad ng internet at mga telepono.
Dito, bukod sa makakatulong kayo sa Philippine Post Office (PhilPost) malalaman ko pa kung sino talaga ang ginigusto ako, minamahal ako, natutuwa sakin, hinahangaan ako (naks), gusto akong maging kaibigan, matalik na kaibigan at kung anu-ano pa. Gusto ko malaman kung sino mag eeffort para sakin. hahaha
Gusto ko maranasan yung nagbabasa ng sarili kong liham hindi yung nagbabasa lang ng sulat ng may sulat hahaha.. (ako na pakialamero) lels. Gusto ko maluha sa mga mensahe nyo mula ng inyong mga kamay (daliri pala). Gusto ko mag ala DJ sa radyo habang nagbabasa ng kwento nyo para sakin. Gusto ko mag ala Charo Santos at mag wika ng “Maalaala Mo Kaya?” o kaya Joe D’Mango para sa inyong mga love notes at para doon sa mga may matagal ng pagnanasa sa akin at hindi mawika. Hahaha (laugh trip ako dito)
Hindi nyo naitatanong maagang dumating ang pinaka magandang regalo na matatanggap ko ngayong kaarawan ko.
Pero wala pa ring katumbas ang mga salitang sa inyo mismo magmumula.
Sana matupad nyo ang hiling ko ngayong nalalapit na Kaarawan ko sa ika-21 ng Nobyembre.
Ipadala lang sa
Joseph “Otep” Zablan
Tribune Publishing
9th Floor, GLC Bldg.,
T.M. Kalaw cor. A Mabini Sts.,
Ermita, Manila
1000
Huwag kalimutan ang inyong telephono sa loob ng inyong liham para personal ko kayong mapasalamatan.
Hihintayin ko liham nyo ha.
Nagmamahal,
photo by ©Mark Bryan V. Garcia
















November 11th, 2011 at 10:37 am
Kuya Otep, pwede bang typewritten? Hahaha!
November 11th, 2011 at 7:35 pm
kahit ano puwede basta sulat kamay. hohoho
November 11th, 2011 at 8:31 pm
pwede bang personal n lng akong pumunta sa inyo??hahahha
“Bakit ba kasi ganito kaming mga manunulat madaling makapag isip pero madali ding nawawala kaya dapat ay mabilisan naitatala”
- nakakarelate ako jan ..eh di ako na din writter…. eh di ako na gaya gaya..hehehe
happy birthday otep
November 11th, 2011 at 9:36 pm
@Bagotilo Liham ko ha. para masubukan mo mag post office
November 11th, 2011 at 9:42 pm
kapag dumating dyan yung liham ko ay pamaskong handog na sya
kaya ngayon pa lang ay binabati na kita ng maligayang bati sa iyong kaarawan!
November 11th, 2011 at 11:10 pm
@Kengkay
Maraming salamat ate kengkay.. sabi late is better than never.
hinditayin ko liham mo kahit next pa dumating hohoho..
November 13th, 2011 at 7:22 pm
Cno gusto CS
tweet niyo lng ako
November 13th, 2011 at 10:17 pm
hello, otip, happy birthday!
November 13th, 2011 at 10:45 pm
Hello din. Hoho liham ko ha. Try mo mag post office hoho.
November 16th, 2011 at 5:59 pm
pde i-hand carry, lapit lang ng opis namin dyan eh…hehehe. hapi bertdey!
November 16th, 2011 at 8:51 pm
Oo puwedeng puwede.. iwan mo lang sa guard hoho… ang sweet hohoho.
November 17th, 2011 at 11:02 am
Uy, LBC nalang. Kahit belated ha. Hehehe next week na pla bday mo ~_~
November 19th, 2011 at 6:56 am
Sige te Zy! puwedeng puwede
Hintayin ko yan ha
November 19th, 2011 at 7:08 pm
Hala! Ang cool naman nito. Ayaw mo ng Birthday card? Hakhak! Talagang sulat talaga? Sulat kamay pa talaga? Gusto mo dikit-dikit pa? Lol!
Pwede pa bang humabol sa pagbibigay ng sulat sa’yo Ginoong Otep?
November 20th, 2011 at 11:56 pm
Happy B-Day Otep! Bukas na B-Day mo ah! Ayos! Blow out!
November 28th, 2011 at 11:27 am
hi .. otep
grabe lalo mo akong pinabibilib … iba ka tlga … nung elem tau bilib na bilib lahat sau kc galing mu mgdrawing tas naun pati pagsu2lat gingawa muna … ang ganda ng mga blog post mu … sana lalo ka pang maging successful sa buhay. masaya akoh pra sau … miss ko na pla kau ni joson sana mgkita kita tau ulet …