IT’S PAYDAY! Bakit ganoon pag bagong sahod, hindi ka mapakali at gusto mo ng lustayin lahat ng pera mo. Parrrañg (kurog‘s tongue) one day millionaire ka?. Sayang tuloy yung turo sakin ni CJ na “Mag impok bago gumastos”. E ganun talaga e.
HOT OIL
Kinagabihan nagkita kami ni Hamster sa SM Manila.. at ang pakay, -magpaherstayl. Wala naman sa isip ko na magpagupit, balak ko lang talaga s’ya samahan. Pero dahil namimiss ko na ang salon (sarap kasi mag relax manamis-namis lels) nagpa Hot oil na lang ako.
Hindi ko naman perstaym magpahot oil nagagawa ko na rin ito sa mga maliliit na salon sa kanto. Ang sarap kasi ng feeling (manamis-namis lels) kapag hinihilot hilot yung anit mo at sinasabutan ka. Nakakatawa lang kasi, tinatagurian ‘tong hot oil pero ang lamig lamig naman sa ulo.
Pero nagbago ang pananaw ko sa David’s Salon pagkatapos ka palang sabunut-sabunutan e may isusuksok sa ulo mong isang malaking helmet. Uusok yun syempre at doon na siguro masasabing hot oil kasi literal na syang mainit.
HERSTAYL NI HAMSTER
Matapos paliguan ang daga naupo na sya sa harap ng salamin. Astig nga ng entrance parang si sister Estella sa puting tuwalyang nakalugay sa ulo nya. (sayang hindi ko nakuhaan ng pic.) haha
kitang kita ko, kung paano sya nilamas ng bading habang hinihintay si Ms. Eva (ang personal hairstylist ko since 2010 pero hindi pa rin n’ya ako kilala haha lels). Siya ang pinaka indemand sa salon kaya siya ang pinaka may malaking SF (service fee) sa halang 250.00. Kaya iyon na rin ang nirekumenda ko kay Hamster.
S’ya nga pala ang maganda kasi sa David’s salon, maganda ang serbisyo, sha-shampuhin ka talaga ng maka-ilang ulit with head massage (ulo sa taas yung sinasabi ko ha. lels) at pagkatapos may body massage pa pero bandang leeg at balikat lang.
Nang dumating na si Ms. Eva para hasain si Hamster nag usap sila syempre. (hindi na ako nakinig) pero malamang sa alamang pinag uusapan nila kung anong gustong gupit ni daga.
Mukhang nagkaintindihan naman sila. Pero ang totoong pakay ni Hamster doon, ay para naman maiba ang herstayl n’ya kahit may kamahalan ang pagpapagupit. Saka sabi ko kasi sa kanya mas okay sa ganoong salon kasi sabihin mo lang na “sila na bahala” e konting tanong lang sayo e aarankada na. Hindi tulad sa ibang salon na kaya ka nga nagpapaherstayl e para makuha kung ano ang bagay sayo at makamit mo naman ang talento at pagiging profesyonal nila sa larangan ng paggugupit e parang wala din. Sayo pa din babalik ang tanong na “Henong gupit Ser?”
Kaya dapat doon na kayo sa masasatisfied ang pagpapasalon nyo. Magpagupit na sa David’s! (Nakanang promotion lels)
Pagkatapos nyang magpaguit… “May nabago ba?” haha.. sa isip-isip ko “parang wala”.
Para naman kasi sakin, ganun naman talaga yung bagay na gupit kay hamster yung simple lang, pero may konting tayu-tayo sa dulo.
Medyo saglit lang sya nagupitan kasi ang dami pang gugupitan ni Ms. Eva.
Kaya mas maganda pa rin magpagupit sa umaga kasi konti palang ang costumer at huwag magpapagupit pag payday madaming customer
TIP
Matapos akong i-blower ng pagkatagal tagal dahil sa kapal ng bao ko, ayun at natapos naman kami. Nagpunta kami sa counter at nagbayad na. Medyo nagulat lang ako kasi naging P450.00 ang pagpapahotoil ko e ordinary lang naman yun. Naayos naman at P350 na lang ang binayaran ko. Si hamster naman ay P 250.00.
Dahil nag enjoy ako sa serbisyo ni Ate (hindi ko kilala) nagbigay ako ng 50. Sa pagpapagupit lang ako nagtitip pero dahil nag enjoy nga ako at ang dami ko talagang relax (mga walo) okay na yun.
Hindi nag tip si hamster kasi mahal na daw yung pagpapagupit nya. hoho
Pag labas namin sa isip-isip ko. “sana pala nag Rejoice na lang ako” Lels.
















November 17th, 2011 at 8:24 am
Hehehe bat di ka nagpagupit din? Ala kuha ng before and after? Heehee Happy Birthday Otip
November 17th, 2011 at 8:29 am
uu nga sayang walang before and after. hindi ako nagpagupit.. kasi nagpapahaba ako.. magpapakulot ako. para new look sa SBA. haha lels.
November 17th, 2011 at 10:59 am
aabangan ko yang kulot kulutan mo hehehe
November 17th, 2011 at 11:52 am
sige.. papabanat ako ng buhok para mabilis humaba at mas madaling kulutin.. hoho
November 17th, 2011 at 9:47 am
ang cute pala ni jason. (edited)
November 17th, 2011 at 10:08 am
oo sana ikaw din. haha
November 17th, 2011 at 10:22 am
hong yomon! pahot oil hot oil! lels
November 17th, 2011 at 10:24 am
tomoh.. kaso walang epekto sakin tumatayo pa din buhok ko hohoho.
November 17th, 2011 at 10:57 am
LOL.. oo tama ka mas masarap magpagupit sa David salon kahit mahal, sa buhok kong curly, madalas kasi nakikipag-away ako sa barbero.. hahaha.. sa kanila hindi.
November 17th, 2011 at 11:53 am
Tomoh.. sulit ang binabayad kumbaga.. mga professional kasi tao dun.. saang branch ka? lels..
buti ka pa curly na buhok mo.. ako gusto ko magpakulot.. kakasawa na ang unat.
November 21st, 2011 at 10:06 am
ako naman sawa na sa curls.. hahaha
sa Rob Manila ako nagpapagupit :p
November 17th, 2011 at 9:01 pm
Wow, kasama mo si Jason.. Big time! Mga salon buddies!
November 18th, 2011 at 7:19 am
hohoho puwede salon buddies kaso 5 beses lang ata ako nagpupunta sa salon sa loob ng isang taon. hoho
November 19th, 2011 at 5:55 pm
this is the blog i used to read pag bored ako.. good to be back=)
November 23rd, 2011 at 8:56 pm
sosyol ko nomon…. hohooho..
oo nga ,pinakaaabangan ung before and after ..hehehhe
bat wala?
November 26th, 2011 at 7:55 am
eww, advertisement pala, eh…