
BABALA: Ang mga nakikita n’yong larawan ay sadyang tinakpan ang mukha upang maiwasan ang pagsakit ng inyong mga tiyan katatawa. Ganoon din upang mabawasan ang hatid nitong kahihiyan sa may akda. hahaha lels.
Sobrang laki ng nakuha kong 13th month pay ngayong taon (Lumevel sa nakuhang 13th month pay ni kuya Bernard Umali) hahaha, kaya naman sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, masayang ipabalitang nagkaroon na ako ng passbook mula sa BDO Yey!. Thanks God! pustahan, mga isang buwan lang ‘yan close account na agad! hahaha..
Hindi kasi ako mapakali sa ATM kaya sabi ko kailangan ko ng passbook para mahirap mawidraw. Noon ko lang napansin na may kasama palang ATM ang passbook ko lels. (iwanan ko na lang siguro sa bahay).
Ngayon pa lang iniisip ko na kung magkano tutubuin ng ng pera ko kung .5000 % ang tubo nito kada taon. syetness ang laki pala! haha
PAANO MAG OPEN ACCOUNT SA BDO? (passbook w/ATM)
- Pumunta sa open account (section/teller). Maupo at maghintay.
- Magbigay ng 1×1 ID photo
- Magpresinta ng atleast (2) valid IDs (sakin nga tatlo. TIN ID, Company ID, Voter’s ID)
- Magfill-up ng form.
- Magbigay ng inititial deposit (minimum P5000.00 pwedeng mas mataas tulad ng ginawa ko)
- Ibibigay agad sa’yo ang passbook. After a week naman ang ATM
- Ganun kadali. Tapos.
PASKONG OTEP
Sobrang nakatatamad mamili ngayon. Ganoon din sa pagbabalot ng regalo. Kaya naman ngayong taon para maiba naman, tutal naglalakihanan na naman ang mga pamangkin ko e pinera ko na lang. Tag P100.00 na malutong na nakalagay sa Ampao ba tawag dun?. Masaya na sila dun. Ganoon din sa mga matatanda.
Mama ko na lang ang hindi ko binibigyan kasi supresa. (“selver” uli) hahaha. lels.
MUKHANG ITA
Walang paglagyan ang pera ko ngayong kapaskuhan hahaha joke lang. Kaya naman naisipan ko itong waldasin sa pamamagitan ng pagpapakulot (tutal matagal ko na itong balak). Gusto ko lang naman maiba itsura ko. Nakasasawa na kasi ang makapal na straight na may bangs na hairstyle.
Kaya naman nagpunta ako sa di kalayuang parlor sa bahay namin sa Cavite. Hindi ko nga ‘lam kung parlor yun kasi simpleng salamin lang tapos simpleng mga kagamitan, open air pa. Tinuro yun ng kapitbahay namin, madami daw nagpapakulot doon.
Kahit madami akong pera ngayong kapaskuhan, pinilit ko pa ding makatipid no!.
Dalawang oras din ata ang tinagal ng pagpapakulot ko (kasama yung ate ko saka asawa ng kuya ko. Magpapakulot din daw sila basta libre ko).
Heksayted ang lahat sa resulta ng pagkakakulot ko. Matapos ang ilang sandali. Tumambad sa lahat ang pagkakulut na kulot kong buhok. Agad akong pinagbanlaw sa lalabo ng may ari ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko pinto ng kusina. Umulan ng katatawanan. Mukha daw akong Ita. Tapos ang iba naman mukha daw akong Michael Jackson. Masyado syang kulot AS IN! kaya binawasan ng konti sa pamamagitan ng pag-gupit dito.
Nagmamadali akong umuwi ng bahay upang takasan ang pangangantiyaw!. Pagka-uwi ko naman, kuya ko naman ang nakasalubong ko. Nagkatae-tae siya sa katatawa kamukha ko naman daw yung ITA na nag-aala Justin Bieber sa Youtube si Arjohn ata name nun.
Buong araw din akong nagtago sa bahay.
Kapansin-pansin na habang tumatagal kumakapal siya ng kumakapal hanggang nagmukha akong moymoy palabay habang umiinom ng Coke “grrrrrrrrrrrrrr”.
Instant celebrity ako sa lugar namin.
Noong dumating naman si Mama. Tawa din ang pinasalubong sakin. Hindi na ako nakatiis kaya sabi ko:
“Ma, Gupitan n’yo ko! now na!. Kahit kalbo okay lang!”
Naisip ko kasing pagtatawanan din ako sa malaking pagupitan kung haharap ako sa ganoong buhok kaya pinabawasan ko muna. Gusto ko na ngang lumusob sa “totoong” pagupitan kaso dahil pasko yun sarado lahat sa lugar namin.
Lumuwas din ako ng gabing iyon papunta sa Maynila para magpagupit sa David’s Salon kaso naisip ko din na baka pagalitan ako nang manggugupit ko.
Kinabukasan doon ako sa Going Straight katabi ng Davids nagpagupit. Pati yung bading na naggugupit nagtataka kung ano nangyari sa buhok ko. Todo paliwanag naman ako na “dating straight ang buhok ko!” at dahil sa kaengengan ko nagawa kong magpakulot at sa kasawiang palad ay namarder!
Nakisimpatya naman yung manggugupit sakin na mali daw ang proseso nang pagkakakulot sakin. Masyado daw makulot ekek.
Mukhang nagkaroon naman ng hustisya ang pagkakagupit sakin.
Doon ko napagtanto at naramdaman ang mga sintimyento ng mga kulot kung bakit sila nagpapa tuwid o rebond ng buhok.
Doon ko rin napagtanto na kung ang nagastos ko sa mamahalin kong buhok ay sinama ko na lang sa inimpok ko sa bangko e sana may pera pa ako.
Doon ko rin napagtanto kung gaanong walang kasiyahan at kakuntentuhan ang mga tao kung bakit ang Kulot nagpapastraight. at ang mga straight nagpapakulot.
Ganoon pa man alam ko naman sa huli, ninais ko lang naman may mabago -palpak nga lang hahaha..
SALOT -ito ang tawag sa taong walang kakontentuhan sa buhay kaya huwag nating isisi sa mga kulot. okey!?















December 27th, 2011 at 4:56 pm
LOL! Mukha namang bagay sa ‘yo ang kulot, baka hindi ka lang sanay.
December 27th, 2011 at 5:02 pm
oi sana makasali ako sa pakontes mo ha.. pinanghihinaan ako ng loob sa mga kasali e. hahaha
sana bagay nga sakin.. ikaw unang nagsabi nyan hahaha lels.
December 27th, 2011 at 5:07 pm
hahaha. bat naging ganun buhok mo, parang gloria romero na kakagising lang. haha
December 27th, 2011 at 5:13 pm
haha sige tawa.. buti na lang talaga tinakman ko mukha ko hahaha lels.
December 27th, 2011 at 5:08 pm
tunay nga ang tao ay walang kakuntentuhan ….
buti ngaun ok na ang buhok mo.. parang natakot tulyo ako mg pa str8 .. oo ako na ang kulot…wahhaha
December 27th, 2011 at 5:14 pm
haha kulot ka? kewl. na try mo na mag pa straight? hindi na ko magpapakulot ulit.
December 27th, 2011 at 6:51 pm
oo , mejo ok nman ..relax lang…
parang natakot na ko maulit dahil dito… wahaha
tao tlga hindi makuntento pag kulot gusto mg pa str8 , pag str8 gusto magpakulot..hahaha
December 27th, 2011 at 8:06 pm
oo ganun nga inulit mo lang hahaha..
be contented ika nga.. pero gusto ko pa rin maging katulad yung buhok ng mga korean stars.. kakainggit. haha
paano ba mawala ang incesurities? lels..
buti na lang mabilis humaba buhok ko.. kaw ba?
December 27th, 2011 at 6:17 pm
balak ko magpakulot naunahan mo ko sto niño
December 27th, 2011 at 6:35 pm
sto Niño ka dyan mukha nga akong dyablo lels. joke lang.
December 27th, 2011 at 6:39 pm
Haha sana hindi mo na cinensore picture mo para mas exciting haha… dream ko rin magpakulot kaso nagpasemi-kalbo na ko hahaha
)
- Biboy Ordinario, Adobo Photoshop
December 27th, 2011 at 7:14 pm
naku wag mo na pangarapin men hahaha.. nakita mo ba buhok ko nung SBA? nanghinayang ako.. hahaha lels.
patirintas ka na lang tapos spray.. at least pagtapos nun babalik pa.. pag permanent naku.. sira talaga buhok mo.
December 27th, 2011 at 9:31 pm
uy ang ganda ng pagkakulot. Gusto ko yan. San ba banda yan sa cavite para dyan na ako magpakulot ng kinky.
December 27th, 2011 at 10:23 pm
Ayaw ko sanang tumawa pero hahahahahaha. Ano ba kasing naisipan mo bro at nagpakulot ka? May pinagdadaanan ka ba? Or di naman kaya ay depressed ka?
I got curious tuloy kung ano na ang hitsura niyan ngayon. Straight na ulit?
December 27th, 2011 at 10:59 pm
magpakalbo ka naman!!! at ung savings account start pa lang yan, dapat ilagay mo ang pera mo sa investment na tatalo sa inflation kasi ang savings for example 100,000 k ang pera mo sa bank eh 1% per annum lang yan. so parang may free chicken joy meal ka lang
December 28th, 2011 at 10:26 am
hahahahha… dehins ko ma-imagine kapag kulot ka…. broken harted ka ba… alam ko ung mga broken harted lang ang nagpapamake-over.. hahahahaha…
December 28th, 2011 at 6:41 pm
kapag kulot salot?!…ouch, hehe! ok un pinakahuling pic mo dito, nde ka na mukhang totoy! ^_^
December 28th, 2011 at 7:47 pm
ahahaha!!! nakakatuwa nama.. bakit mo naman ginawa yun?..
ahahaha!! tingin ko naman bagay sa iyo.. nasa pagdadlang yan ika nila…
parang nung nagpakalbo ako, some says hindi maganda… yung iba naman sinabing maganda.. well anu ba sa tingin mo?.. maganda ba o hinde?… hindi ka naman nag papagupit para i please ang mata ng lahat di ba?..
hehehe…
December 29th, 2011 at 5:15 pm
whitney??? lols…
ok naman ah…
December 29th, 2011 at 10:10 pm
OTEP KULOT… OTEP SALOT… Biro lang…. ang sakit ng tiyan ko kakatawa..
December 30th, 2011 at 10:51 pm
Ikaw ba yung may takip sa mata? Bakit parang hindi naman? hehe. Mukhang bagay naman sayo. New year, new look!
January 3rd, 2012 at 10:12 pm
nagmukha ka naman ng tao. wag ka ng mag-alala..
nakakapanibago lang talaga sa umpisa ang kulot na buhok, but you’ll get use to it.
goodluck sa new hairstyle mo
June 13th, 2012 at 6:20 am
tamoh wag isisi sa mga kulot.. . kasi ako ang swerte sa family ko pero kulot ako maganda pa ..hahahahahah
June 14th, 2012 at 2:04 pm
HAHAHA… lels
July 18th, 2012 at 7:18 pm
nahalughog ko lang hehehe… ako sanay na.. kulot kasi buhok ko since birth.. baliktad naman, nung nagpastraight ako pinagtawanan din ako.. di daw bagay.. hahahahah
well ganun talaga buhay :p