Anila walang nakakatawa kapag buhay-kamatayan na ang pag-uusapan. Bawal tumawa sa blogpost na ito ngayon, kahit pa kinukunsidera na ito ng marami bilang HUMOR BLOG come on!
Kahapon, mga bandang ala-sais (as usual) late pa rin ako sa office, pagbukas ko ng pinto nakita ko agad ang balahura kong officemate. Ewan ko ba nagsasawa na ako kakaaway-bati kaya para matapos na wala na lang batian.
Maya-maya nakaramdam ako ng kung anong anik-anik sa loob ng tiyan ko. Basta masakit sya. Nag pray ako agad kay Bro na sana natatae na lang ako kaysa sumakit tiyan ko nang ganito.
Sa totoo lang nadadalas na ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa sobrang acidic na ako kaka-kape o dahil sa hindi pagkain ng agahan o dahil sa sobrang kain sa nakaraang Chinese New Year! KUNG HEI FAT CHOI pala! Sino dito ang mga year of the rabbit? magiging close ko daw kayo at baka mauwi pa sa pagmamahalan lels. hahaha!
Habang tumutuntong ang katanghalian, pakirot na nang pakirot tiyan ko. Pakiramdam ko bandang gitna at ilalim sya ng dibdib ko nanggagaling (sikmura). Tapos nung tumagal hindi ko na alam kung saang part na sya.
Nakararamdam na rin ako ng pagsusuka pero hindi ko tinutuloy kasi baka matsismis ako dito sa office na nagdadalang tao. Joke! pero Hindi na talaga joke ang nararamdaman ko. Kung anu-ano na nga naiisip ko.
Habang tinatanaw ko ang Asian Hospital dito sa Alabang parang gusto ko na rin magpadala sa ospital. Naisip ko bigla, na magandang ideya ang magpa EyeBall sa Ospital. Madami kaya akong matatanggap na teady bears, flowers at abuloy na din just in case? Tapos pag nagkataon pa kapag nadala ako sa Morgue hindi lang Eyeball ang drama ng mga kapwa ko blogista kundi magiging Grand EyeBall na! BUNGGA!
Pakiramdam ko talaga may appendicitis na ako noong mga oras na yun. Lalo na’t dalawa sa kapatid ko ay nagkaroon na -(family history). Mas madami nga lang tahi ng ate ko kasi tatlong beses na s’yang na-cesarean. (hanggang ngayon hindi ko pa rin maimagine hiwa ng tiyan nya).
Sobra na akong nagpapanik kasi ang kirot na ng tiyan ko, e sino pa ba tatawagin ko kundi “mama ko…” “mama ko chakit chan ko”
Text ako agad sa mama ko.
OTEP: “Ma, ang sakit ng tiyan ko” (sad face)
MAMA: “P chick up na patolong k jan” (pang jejemon lang kung maka “chick”)
OTEP: “Mawawala din ‘to”
MAMA: “Kc kahapon maalat poteto chip inubos mo, inum ka ng CREAMER S d2 ako sa dasma kung dmo kaya magpaalam k punta k doctor sabihin m sa bos mo”
(hindi ko nabasa kaya walang reply)
MAMA: “Tip ano punta ako bumuli ako CREAMER S dalhin k jan text mama”
(hindi ko pa rin nabasa)
MAMA: “Tip ang gamot s sakit ng tyan BUSCU PAN nabili ko CREAMER S saan ka text mama”
Noong nabasa ko ‘yan lalong nagkasakit-sakit tiyan ko sa katatawa. Ilang beses ko inisip kung ano ang CREAMER S, akala ko pinapainom lang ako ng gatas. hahahaha!
Doon ko naalala na may KREMIL-S pala ako sa bag na binili ko pa noon sa SM MALL OF ASIA noong minsang nag ka EB kasama sina Axl, Bino, Tolits, Jay, Empoy, Mark, Kurog, Xander, Kuya Burn, Zyra, Lester atbp.
Walang patumpik-tumpik! ni-hindi na nga ako kumuha ng tubig kasi chewable naman! ang sarap! parang kendi! Matapos ang mahigit isang oras….
OTEP: “Ma, ayos na! CREAMER S lang pala! hahahaha” lels
MAMA: “Nag-aalala ako sayo punta ako jan dka sumasagot”
Doon ko naisip na maganda pa rin palang magkaroon ng mini-drug store sa bag. Naalala ko bigla si Mahal na Poon at CJ sa Iloilo kaya pala lagi sila may dala noon.
Ngayon, Natutuhan kong laging magdala ng paunang lunas dahil sa mga pangyayaring ito.
Sana hindi na sumakit uli tiyan ko. Salamat sa Creamer-S.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Maraming Salamat pala sa mga karagdagang followers! HAY LUV U OL!
- blacklovesme
- AJ Luna
- wanhandredwan
- Carl Augustus
- geminians
- at sa 3 Somesone (email subscribers) [so hindi na someone yan somethree na! Ngi! lels.]
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
Salamat


















Enero 25th, 2012 at 1:44 hapon
loko kala ko talaga may fake na kremil-s na yun yung creamer-s… hehe ako baktol rabbit kaso taken na aketch.. hahaha
Enero 25th, 2012 at 1:46 hapon
baktol rabbit ka? kailangan ko na palang magpapalit bigla. hahahah lels.
mahirap ma fake ang gamot ang tao oo, alam mo yan! hahaha lels.
Enero 25th, 2012 at 1:51 hapon
hehe..akala ko..creamer ng kape…kuletz lang..
Enero 25th, 2012 at 1:57 hapon
akala ko din e. hahaha lels.
Enero 25th, 2012 at 2:01 hapon
naloka ko sa creamer s. anyway..madalas din sumakit tyan ko at creamer s talaga ang solusyon ko lagi hehe
Enero 25th, 2012 at 2:23 hapon
dahil dyan, mag papa ad na daw ang Kremil-S® sa blog ko lels. hahaha effective naman talaga ang kremil-s
Enero 25th, 2012 at 2:27 hapon
Kala ko rin may bagong gamot na e. hahaha
Enero 25th, 2012 at 2:48 hapon
Oo nga bagong gamot yan. Bagong tuklas ng mama ko hahaha lels.
Enero 25th, 2012 at 2:45 hapon
Lol Creamer-S. Di ba dapat may medical kit jan? o_O
Enero 25th, 2012 at 2:49 hapon
Bagong company ‘to e kaya salat pa sa mini drugstore lels.
Enero 25th, 2012 at 2:52 hapon
San kayo sa Alabang? Dito lang kami sa may Madrigal Business Park! \o/
Enero 25th, 2012 at 4:12 hapon
Harap ako mismo ng festival mall mismo. Yung orange na building. San banda yung madrigal.
Enero 25th, 2012 at 4:18 hapon
Umm, yung PLDT at Meralco ay nasa Madrigal Business Park.
Kapag papuntang Zapote, lagpas pa ng Festival Mall ang Madrigal Business Park. Hoho.
Enero 26th, 2012 at 7:42 umaga
ay di pa ata ako nakakapunta dun
minsan puntahan mo ko dito tapos punta tayo dun hahaha… doon ka nag wowork no?
Enero 26th, 2012 at 9:50 umaga
Yes po.
Nu number mo, PM mo sakin sa FB.
Sa inyo ba yung buong building?
Enero 26th, 2012 at 10:22 umaga
oo sa akin, nabili ko na. hahaha joke. room lang office namin dito.
Enero 25th, 2012 at 6:56 hapon
Hahaha. Kamusta naman ang creamer-S? Pwede ba yan sabayan ng niscape? at konting asokal? Cool ni mudra mo, sarap kurutin sa pisngi eh. hahaha
Enero 26th, 2012 at 7:43 umaga
kewl talaga mommy ko.. hohoho uu nga pwede yun kaso hindi ako nag aasokal haha.. may kolang ka pa, walang tobeg. hahaha
Enero 25th, 2012 at 7:24 hapon
ang kulit nang mama mo. the best. haha
Enero 26th, 2012 at 7:43 umaga
sya na nga! hahaha mana-mana lang yan, lels
Enero 25th, 2012 at 7:53 hapon
hahahahha. lakas ng tawa ko sa creamer s, napa,isip din ako kala ko gatas lang
kulit ng mama mo, ang sweet
padaan po
Enero 26th, 2012 at 7:44 umaga
sige daan lang. naku kung alam mo lang kung ganu sumakit tiyan ko sa katatawa. hahaha lels.
Enero 25th, 2012 at 10:15 hapon
pumunta si mommy mo sa office?
Enero 26th, 2012 at 7:45 umaga
hindi buti na lang, hindi kasi ako nakareply agad. pero hindi din makakapunta dito yun kasi hindi naman nya alam dito sa alabang haha
Enero 26th, 2012 at 2:21 umaga
ang sweet ng mama mo in fairness
Enero 26th, 2012 at 7:45 umaga
yah ang sweet parang asokal. hahaha
Enero 26th, 2012 at 5:32 umaga
amazing!! epektibo pala talaga ang creamer s!!!
Enero 26th, 2012 at 7:45 umaga
uu ako ang buhay na katotohanan sa bisa ng ceamer-S ® hahaha
Enero 26th, 2012 at 6:18 hapon
Ang sweet naman ni mama.. tsaka ang kyyuuutt! Creamer S.. hihihi.. At parang ang sarap sabihin ang “Tip” instead ng “Otep”.. From now on, yun na lang tawag ko sayo. hehe..
Enero 26th, 2012 at 8:42 hapon
hahaha parang waiter lang di ba? ate leah pinging Tip? lels hahaha
Enero 26th, 2012 at 8:57 hapon
hahaha! ang cute lang kasi. hehe.. Ay gumagawa ako ngayon ng post about you. A very short post, but it’ll make you smile.
Halong pirme, Tip. Hehehe..
Enero 28th, 2012 at 11:06 umaga
[...] sa Creamer-S® hahaha.. (Kung nabasa mo na. kung hindi basahin mo yung post bago ‘tong entry post [...]
Pebrero 10th, 2012 at 4:48 hapon
hahah…ilang beses ko talaga tiningnan at pinagmasdan ang picture, creamer-s talaga, hahah! pero kidding aside, ok naman talaga kremil-s, yan din ang gamot ko kapag nde pa grabe ang sakit ng tyan ko, at lagi din ako meron nyan, acidic din eh.
humor blog na talaga award mo ngayong taon Tip.