
ANG SWERTE-SWERTE KO! Nitong nakaraan nakatanggap ako ng mention (slash) aya sa 17th HOT AIR BALLOON FIESTA mula kay good friend Donie sa Twitter. Siyempre “Oo” agad ako minsan lang ‘to e. At minsan lang magkaroon ng free tickets (nanalo kasi sya sa paraffle) at isa ako sa nabiyayaan.
12:00am hanggang 2:00am ang hintayan namin sa Ayala pero dahil nalaman nyang mula ako sa Manila sa mismong terminal na lang ng Victory liner sa Pasay kami nagkita. Sobrang heksyated ako kahit 3 hours lang tulog ko kaya 12:30am palang nandoon na ako.
Tinext ko si Donie:
Otep: “Asan na kayo here na’ko. Baguio ba sasakyan natin?”
Donnie: “Oo. una ka na?”
Gulat ako! ano namang alam ko sa pupuntahan namin. lels
Naghintay lang ako ng kaunti. 12:45am nandoon na pala sila sa ticket booth , syempre feeling close ako agad noong nagkita-kita na kami. Naghahanap daw sya ng singkit wala daw syang makita. (depende kasi sa mood ang mata ko, minsan sobrang singkit minsan wala lang.)
Tulad sa mga nauna ko nang nameet nag-expect din sila na matangkad ako. hahaha 5’4 lang kaya ako. lels. (average height pa din naman kahit papaano)
Noong nasa unahan na kami ng ticket booth, mga 2:30am pa daw makakabili ng tickets papuntang Dau. At dahil mga 1:00am palang noong mga oras na yun, pumunta muna kami sa Greenbelt para magkape.
2:15am nasa Terminal na kami uli. Kaso noong nasa harapan na kami 4:00 na daw ang susunod na biyahe. Wala nang choice kaya naghintay na lang kami.
Maya-maya bago mag 4:00am nagkaroon ng special trip (ata) na biyaheng pa-Dau lang. Nagtayuan lahat ng tao papunta doon na tila may padating na ang isang malaking Tsunami at ang bus lang iyon ang tanging makakapagligtas sa amin. Parang pelikula lang sa Today after Tomorrow habang nag-uunahan sila sa pagpasok sa Library. Hala siksiktan talaga. E ayaw ko ng masikip! ayaw ko ng madumi! ayaw ko ng germs haha (parang maricel lang) Hangga’t maari ayaw ko talaga makipag siksikan kaya give way ako sa mga kababaihan at malalaki pa sakin. (sige na nga ako na pinakamaliit doon).
Noong nasa Bus na kami, hirap na hirap ako kung anong tulog gagawin ko. Medyo antok pa kasi ako kaya kailangan matulog. Nagulat na lang ako noong sa kalagitnaan ng biyahe ay bilang pumereno, akala ko nasa scene na kami ng Final Destination 5 (sa bus din kasi scene noon bago malaglag sa tulay) doon na pala nagsisimula ang heavy traffic dahil sa toll gate.
Ang dami rin pala naming kasabay na magtutungo din sa Hot Air Baloon Fiesta.
Noong nasa Mabalacat Terminal na kami, tanong kami agad kung saan papuntang Hot Air Balloon Festival. Magkatapilok-tapilok pa ako, hindi dahil sa heksyated kundi feeling ko inaantok pa ako dahil sa lamig.
May mga gustong makifriend samin pero dahil choosy kami sa friends hindi naman sinabay joke! Hahaha tatlo lang kasi kasya sa trike e medyo may kalakihan pa naman yung dalawang girl kaya kita-kita na lang daw kami sa sakayan ng Jeep.
Noong umaandar na kung trike sinigawaan ako ni Girl.
Girl: “May Derecho daw! may Derecho daw!”
Otep: “Edi Dumecho ka!” (Attitude!) haha joke lang sabi ko ”Umalis na e”. sabay big smile
Kaunting sandali lang nandoon na kami sa paradahan ng mga jeep as is paradahan lang wala kasing jeep.
Nagtanong kami ma despacher kaso wala din siyang magawa kasi wala ngang masakyan. Maya-maya dumating ang isang Jeep at doon biglang nagising ako sa mga nangyari. Nag-unahan muli ang mga tao sa pag-akyat sa Jeep.
Una syempreng nakaakyat yung dalawang kasama ko (parang sanay na sanay makipag-balyahan) joke hahaha!. Makikibalya na rin sana ako kaso anak ng pucha apat na mga bata yata yung babalyahin ko baby pa yung isa, kaya give way na uli ko.
Sabi ko wala na ‘to. kaya sasabit na ako.
Nasa gitna na ako nakaupo ng Jeep noong tinawag nila ako na may siwang pa pala. Nakanang! naka reserved na pala ako agad.
Sobra paring traffic sa lugar dumadami tuloy kaba namin (mga lima lels) na baka hindi na namin maabutan yung mga hot air balloons.. Ang expected time talaga namin ay 5:30am pero mag aala-shit-e! na yata noon hahaha..
Natatanaw ko na yung mga parachute kaya nadadagdagan din heksyatmentzzzzzzz namin.
Sa wakas nakadating din kami sa end of the line (parang MRT lang lels) agad kaming bumaba at naglakad. Sobrang layo pa pala. Yung mga sasakyan sa kalsada kilos pagong na rin sa dami ng taong tumatawid parang scene lang sa WalkingDead yung mga sasakyan haha.
Ayun hanggang isa-isa nang nagliparan ang mga hot air baloons wala na kaming ibang nagawa kundi mag babye. joke lang! todo picture pa rin kami kahit hindi gaano kaganda ang anggolo.
Sa totoo lang sobrang ganda ng klima noong mga oras na iyon walang kainit-init kaso wala ding araw na higit na kailangan para sa ikagaganda ng mga kuha.
Pagpasok namin sa loob ang daming pwedeng gawin, parang concert lang! pwede ding parang sementeryo lang! hahaha ang dami kasing tao. Alam nyo yung sinaryo kapag araw ng mga patay sa Manila North Cemetery? parang ganun yung dagsa ng tao.
Gala kami agad, pinuntahan namin yung mga eroplanong hawak kamay lang. Ang daming nagsa-saranggola na nagmistulang mga banderitas sa piyesta.
Mabilis ang mga pangyayari namalayan na lang namin na pauwi na kami., Gaya ng unang gawi, lakad mode kami na pagkalayo-layo.
Haaaaaaaaaay. hindi ko in-expect na minsan sa buhay ko ay mapupuntan ko pala ang minsang napapanood at nakikita ko sa TV at print. Minsan kahit hindi mo naman pinangarap ng husto ang isang bahay matutupad pa din ito sa mga kaganapang hindi mo inaasahan.
Pero alam nyo naisip ko lang.., na ang mga hot air balloons pala ay para ding napakalaki at napakatayog na pangarap. Kinakailangan mo lang itong gatungan ng inspirasyon at paliyabin ng pag-asa para umangat. Sa ganoon kapag sumapat na ang init o inerhiya nito ay malaya ka nang makakapaglayag. At ang tanging gagawin mo na lang kapag nasa himpapawid ka na ay kontrolin ito kung paano mo ito panghahawakan.
Muli, Salamat sa mga bago kong kaibigan na sina Donnie at Penggay
Sa uulitin lels.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Maraming Salamat muli sa (2) dalawa na namang karagdagang email subscribers | followers! HAY LUV U OL
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
Salamat ![]()















February 14th, 2012 at 8:02 am
dapat sabado kayo nagpunta hahah. nagpunta din ako dun lol
February 14th, 2012 at 8:04 am
sunday na kami nakapunta. nahiya ako sa post mo sa blog ganda ng pics.. naubutan na kami ng sikat ng araw. haha
February 14th, 2012 at 8:39 am
hoy otep..nandun din ako. may mga nameet akong blogger dun.sayang di kita nahagilap!
February 14th, 2012 at 9:15 am
talaga? sunday din? yay! sobrang sayang.
February 14th, 2012 at 3:15 pm
saturday pala ako! haha. nasa subic na ako nung sunday
February 14th, 2012 at 9:21 am
Ikaw na! Ang sipag mo talaga magblog.
Oi ha! Yung next gala natin.. tuloy yun
February 14th, 2012 at 9:26 am
yeebee!! okay na ba ang tatlong jackets? lels.
February 14th, 2012 at 10:40 am
gawin mo ng 4..tsaka gloves at socks
February 14th, 2012 at 10:41 am
Magkasabay lang pala tayo sa Victory Liner sa Pasay. Walang tulugan ang palabas ng mga oras na yun hahaha. Yung nasakyan ko pa-Dagupan 3:20 umalis. Nakarating naman ako ng maayos at maaga. Medyo buhos ang mga sasakyan papasok sa unang Toll Gate pero pag lagpas tuloy-tuloy naman na. Nung nandon na ako sa event naglibot-libot ako nagbabakasakaling may makitang blogger kaso bigo ako. Kaya nakipila na lang ako sa pakontes ng Caltex at UPS.
February 14th, 2012 at 11:53 am
inggit much. ang kyut nung sunflower.
February 14th, 2012 at 3:18 pm
Sobrang hassle pala magcommute pag hot air balloon festival na. Hahaha. Ang mahalaga nakarating kayo at amay nainggit kayong katulad ko.
February 14th, 2012 at 5:34 pm
Ikaw na talaga, Otep! Ikaw na talaga!
February 14th, 2012 at 10:09 pm
ehdi ikaw na ang 5’4″, tangkadan mo pa sa susunod. lel. ehdi kung ganun, 5’5″ pala ako. hahaha joke pre
attitude maxado ha, may pagpili ng kaibigan? Ikaw na ang nakagala! Ikaw na nga!
February 15th, 2012 at 4:10 am
ang saya saya!!!!!! sa tv ko lang yan nakikita huhuhuh
February 15th, 2012 at 6:54 pm
Hi Otep, tama, dito ko nakita blog ni donnie ray! Nde pala ko nag-comment kahapon…hehe! u-blogger din, kaya nakita ko plug mo sa ublog.
February 16th, 2012 at 5:12 pm
baket di ka sumakay ng airballoon? haha
February 22nd, 2012 at 8:12 am
hangkyut ng smiling flower!!!
ahahaha!!! sana makapunta ako dyan next year!!
kaso madaming tao..
kelan ba madaming baloon, tas konte tao?..
February 23rd, 2012 at 1:39 pm
Feb 12 kau pumunta?
))
Andun din ako. At feeling ko nakita ko kayo sa DOT Booth.
February 28th, 2012 at 7:58 am
Di ko pa na experience yang hot air balloon event na yan. Ang alam ko lang, ang daming blogger na dumayo sa event na to… at take note… ang paborito nilang kodakan eh si Sunflower… pero mas paborito ko ang shot mo ng sunflower… parang tamad na tamad lang lumipad… lol
March 6th, 2012 at 11:06 am
swerte mo! hehe