
Ito na yung katuparan ng pangarap ng pagkabata ko. Medyo sad post muna ‘to habang hinihintay nyo ang 3-part + pre-Sagada trip blog entry ko.
Medyo sentimental kasi ‘tong pagkakaton na ito. Hindi nyo naitatanong mula noong pagkabata ko sobrang ninais ko na makakita ng Rice Terraces. Ewan ko ba siguro natanim lang talaga sa isipan ko yung mga tinuro sa akin ng guro ko noong nasa Grade 1 palang ako patungkol sa 8th wonder of the world -Banaue Rice Tarraces.
Minsan nga noong pinag-aaralan namin sa isang klase ang mga natatanging gawa ng tao sa mundo, minsan akong nagtaas ng kamay at sinagot nga ang tinutukoy ko dito. Manghang-mangha sila sakin ewan ko kung ngayon lang nila narinig nun o sadyang nasa lower section lang kami. -Mga bobo. charot! haha
(balik senti)
Mula noon hanggang tumuntong ako ng sekondarya at kolehiyo kating-kati akong makita yun. Kaya noong college days talaga nagplano talaga akong umakyat kasama yung mga kaklase ko. Todo ipon ako noon at ilang buwan ko ding naging bukang-bibig sa kanila iyon. Kaso sa kasamaang palad -palpak. Unang dahilan ang kawalan ng budget nila. Medyo na disappointed ako noon kaya yung perang nilaan ko sa biyahe dapat… inubos ko sa isang shapingan sa mall. Ilang libo din ang nawala sakin ng isang iglap. Ganoon ako na deppressed. Kung may lakas lang sana ako ng loob para umalis mag-isa.
Kaya sabi ko na lang sa sarili ko dadating din ang pagkakataong iyon.
Isang imbitasyon ang nakuha ko mula pa rin kay Donnie para pumanik sa Sagada kaya ’oo’ agad.
At narito na nga ang mas malalim ko pang kwento.
- DAY O – 24feb2012: Anong hayop ang kayang magsakay ng higit 50 katao as in Hayop! (i-click dito)
- DAY 1 – 25feb2012: Baguio to Sagada (i-click dito)
- DAY 2 – 26feb2012: Sagada Falls (i-click dito)
- DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito)
Maraming Salamat muli sa (7) dalawa na namang karagdagang email subscribers | followers!
Mula february 15 hanggang sa mga oras na ito.
- mmc.XD
- Janmaykill
- Sunakochan29
- (4) someone (email subscribers)
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
Salamat ![]()















March 1st, 2012 at 8:19 am
bakit di ko ma-click yung mga link?
March 1st, 2012 at 9:38 am
Abangan nga di ba? echosera. haha lels
March 1st, 2012 at 11:11 am
such a nice experience! [galing]
March 7th, 2012 at 5:10 pm
yeah sana makapunta ka din.. sobrang ganda.
March 1st, 2012 at 7:49 pm
ako rin..di pa ako nakakakita ng rice terraces … kahangangang tingnan sa mga pictures..kaya for sure sobrang amazing nyan sa personal ^^
cOngrats ;P
March 7th, 2012 at 5:11 pm
yeah sinabi mo pa, kaso yung banaue rice terraces hindi ko nakita ng pangmatagalan. sa bus na kasi nun, maulap pa.
March 3rd, 2012 at 8:35 pm
ikaw na!
abangan ko yung next entry, kelan ba yan?
March 7th, 2012 at 5:12 pm
No. Donnie Ikaw na. haha
March 3rd, 2012 at 9:05 pm
dreams come true tlaga! makarating din sana ako jan!
March 7th, 2012 at 5:13 pm
makakarating ka din dyan
tapos sama mo ko haha..
March 4th, 2012 at 12:19 am
gusto ko rin makapunta ng sagada dahil nabasa ko to sa isa sa mga paborito kong book. kaso pahirapan daw papunta dun pero super worthy naman daw.
March 7th, 2012 at 5:14 pm
nakakapagod nga yung biyahe 13-14 hours
depende pa kung san ka sasakay.. mas madali ata pag one ride lang.
March 5th, 2012 at 2:46 pm
I’ll wait for the next posting… gusto ko rin pumunta dyan sa SAGAD… AHHHH…
March 7th, 2012 at 5:15 pm
Oi. pag pumunta ka sama ko kasi dami ko di napuntahan
March 7th, 2012 at 11:34 am
sana magawa ko rin ‘yan, matagaol na akong naiimbitahan sa ganyan kaso puro drawing pa. hehehe
pero dito sa ‘Pinas, pinakagusto ko munang mabisita ay ang Davao. buti na lang okay na ang Palawan. first ko yun sa bandang visayas at mindanao.
mabuhay!
March 7th, 2012 at 5:17 pm
hahahaha natawa ako sa drawing kaya ako pag nayaya ako “oo” ako agad kasi baka magbago agad ang isip..
masaya din maki rideon
March 13th, 2012 at 2:26 am
Bongga ka `doy! Ikaw na ang suma-Sagada.
LOL. Bitter lang? Honestly, gusto ko ding makapunta dyan sa Sagada. Childhood dream ko din yan.
Sige abangan ko yang “Sagad-oh” series mo.
November 8th, 2012 at 10:22 am
DAPAT NAG STAY KA RIN SA BONTOC FOR AN ACOUSTIC OR KARAOKE NIGHT! I LOVE BEING IN MOUNTAIN PROVINCE! \m/