Kahapon halos 48 hours akong gising. 2 days na mulat din yun Men! dahil sa tang-inang deadline na yan! (kaw ba naman bigyan ng materials na 3 days before publication ng 20-page newspaper, na ikaw lang mag-isang gagawa ewan ko na lang! Hindi ka naman pwedeng umabsent o ma-late man lang sa nightshift mo dahil ikaw din ang magsasacrifice pagdating sa dulo.) Kaya maswerte na akong nahihimbing sa bus nang 5 to 10 minutes habang bumabiyahe ako pa-Manila to Alabang vice versa. Ang hirap naman tanggihan yung mga taong naka-usap mo na dahil alam mong iyon na nga lang ang pwede mong i-reward sa sarili mo para sumaya-saya ka. Ayun EB with my blogger friends kahit walang tulog!
Hindi ko naman alam kung anong plano ko sa buhay kakatrabaho ng dala-dalawa minsan tatlo pa nga wala din naman akong napupundar.
Alam mo yun? sa umaga gigising ka nang maaga pa sa alas-kwatro para pumasok sa office dahil 5am ang duty mo. Sa hapon papasok ka sa isang company mo dahil alam mong doon ka masaya pero alam mong hindi ka mabubuhay ng kinikita mo at malamang sa alamang lalo na kapag nalaman mong nag-iipon ka para sa pang benefits mo pero sa joke lang pala napupunta.. you know.
Minsan mag na-nightshift ka, pero dahil alam mong bawal malate ng alis kung ayaw mong walang masakyan hindi ka na lang matutulog o kahit pilitin mong matulog hindi ka din makakatulog dahil sa sleeping habits mo at dahil sa madalas na pag-atake ng pagiging insomiac mo.
Literal na magulo ang bawat oras ko.
5am to 2pm ang regular duty ko sa Alabang kaya dapat 3:30am pa lang dapat gising ka na. Kapag nagising ka ng 4am asahan mo nang late ka: half hour na pag-aayos sa sarili mo (pinakamabilis na yun) at isang oras na biyahe (nakataxi ka pa nun papuntang bus stop dahil aabutin ka ng mahigit isang oras sa jeep kapag nagkataon. Hindi mo naman masisi ang mga driver dahil naghahanap lang din sila ng malaki-laking kita). Minsan naman matatawa ka na lang sa sitwasyong maaga ka ngang umalis pero naghintay naman ng mahigit 30 minutes para mapuno ang early trip ng bus kaya late ka pa din.
Mahirap habulin ang 5am duty mo sa 2-ride pa-Alabang kung manggagaling ka sa Manila. Promise.
Minsan mapipika ka na lang kapag pauulit-ulit kang sinasabihan na “huwag male-late” at pilit ipaunawa na imposible kang hindi malate. Sa loob ng kalating buwan mo sahod hindi na nakakabigla kapag kaltasan ka ng humigit kumulang isang libo sa sahod mo. -Ako na si Mr. Tardy.
Mahigit kalahating buwan, buhat noong nagpasa ako ng resignation letter ko sa trabaho ko sa Alabang. Nakapanghihinayang ng kaunti dahil malaki ang sahod ko doon pero aanhin mo naman yun sa ganyang sitwasyon. Hindi na naman ako nangangambang walang ipambayad ng renta ng lungga ko dahil may partime naman ako at doon hawak ko ang oras ko. Pero sabi ko nga hindi din bubuhayin ng “kasiyahan” mo sa opisina kung kakarampot lang ang kinikita mo plus dahil kinu-consider din ang benefits.
Kaya naman nitong akinse sinimulan ko na ang paghahanap ng bagong magpapalevel sa carreer ko bilang layout artist. Nagpunta ako sa Job Fair sa Glorietta para hunt-ingin ang booth ng Philippine Daily Inquirer. Malungkot lang dahil hindi vacant ang layout artist sa company nila pero nagpasa na din ako resume malay mo di ba?. Natawa lang ako sa ginawa ko kasi nakapagbigay na ako ng resume naghulog pa ako sa mga box nila. hahaha nakikisiguro lang na mababasa nila updated resume with un-updated pic ko. lels
wala pa atang 10 minutes at umalis na ako yun lang naman pakay ko doon.
Bukas, March 19 (lunes), muli ko na namang susubukin ang hiwa ng palad ko (yes hiwa talaga! ganun kasi palad ko derecho yung line) sa pagpunta sa magkabilang Job Fair ng Manila Bulletin sa (Trinoma North Edsa), 10 am to 6pm) at Philippine Star sa (SMX Hall 1, SM Mall of Asia 10am to 6pm).
Sana naman may vacant na for layout Artist.
Gusto ko ng matengga sa iisang trabaho kung saan ayos ang benepisyo at masaya ako sa trabaho. Kung pwede nga lang pag-isahin ang mga rekado sa Alabang at Manila siguro hindi na ako gagawa ng resume at resignation letter.
Sana sa pagkakataong ito sana matupad na yung pangarap ko na makapagtrabaho sa isa sa tatlong pinaka-malalaking pahayagan sa Pilipinas at kapag nangyari yun pwede ko ng masabing “dito na ako tatanda”. Pero syempre, tuloy pa rin yung pangarap kong makabuo ng sarili kong Pahayagan at ako ang Boss! e yun ay baka hanggang pangarap na lang hahaha!.
Sa mga pagkakataon ito, hindi lang dapat tayo tumitigil sa iisang plano at dapat madami tayong reserba. Sabi nga sa titulo ko sa itaas may 26 plans pa tayo hindi pa kasama dun ang “Ñ” at “NG”. Kapag hindi man umubra isa sa mga letra doon ewan ko na lang sayo!
Ang Pagpaplano sa buhay ay tulad din ng pagbuo ng pangarap- dapat unlimited!
Fighting! lels.
***
Maraming Salamat muli sa (1) isa na namang karagdagang email subscribers | followers!
Mula March 12 hanggang sa mga oras na ito.
- daisyagolgol
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”



















March 19th, 2012 at 12:41 am
Tama! Fight lang ng fight dahil di naman tayo nauubusan ng options! Regarding sa paghahanap ng stable job, nakaka-relate ako dyan. Sana nga e mapadpad na tayo sa company na masasabi natin na kuntento na tayo dun.
March 19th, 2012 at 8:16 pm
tama. sana talaga may kumpleto rekado sa isang opisina, kaka inspired siguro mag work.
March 19th, 2012 at 8:42 am
Good luck sana masumpungan mo na talaga ang company kung saan ka tatanda. Regarding sa pagtayo mo ng sariling Pahayagan, walang imposible. Maraming paraan para maabot ang pangarap. Magplano from A-Z.
March 19th, 2012 at 8:17 pm
hahaha sana matupad pa yun sey! kuhain kiyang empleyado promise. chief photographer pwede na ba yun? naks!
March 19th, 2012 at 11:21 am
tama naman dapat pag nangarap unlimited.
gudluck pre!
ganda nman ng message mo sa last part!
mahirap din yun walang stable na income at katawan ang puhunan
March 19th, 2012 at 8:18 pm
wow buti ka pa naappreciate mo yung huling sinabi ko haha..
yeah.. nakakapagod yung pinag gagawa ko sa buhay.
July 23rd, 2012 at 4:02 pm
Tama..libre ang mangarap..hindi natin alam balang araw magiging boss ka at isa ako sa mga magiging workers mo.God bless po sa inyo..
September 21st, 2012 at 11:33 am
Wag kang mawawalan ng pag-asa. Meron akong kakilala na ganyan na ganyan din nangyari sa kanya. Pero di siya nawalan ng pag-asa at naniniwala siyang darating ang tamang oras para matupad ang kanyang pangarap na makapag-trabaho sa abroad. Umabot ng limang taon ang paghihintay nya… pero natupad din. At ngayon ay maganda na ang buhay nya.