Sa panahong napapamura ka sa hirap ng buhay kasabay ng pagdaing ng naghuhumiyaw mong sikmurang kumakalam, madalas mong tampulan ng sisi ang pamahalaan.
“‘tang ina! kung hindi dahil sa mga Buwaya sa gobyerno hindi tayo magkakaletse-letse!”
Sa sitwasyon tila mahirap ka pa sa dagang naninir’han sa suluk-sulok ng siyudad. Habang tumatae sa tinatawag na ilog ng buhay. Masasabi mong pinagkaitan ka ng panahon, sinakluban ng pagkakataon. Bukod pa sa sinasabi mong langit at lupa.
Sa kaganapang lumobo ang tiyan mo, dahil sa nagdadalang tao ka. At sa mga anak mo naman na kung tawagin ay malnutrisyon, kahirapan pa rin ang pinupukol mo.
Sa pangyayaring hindi man makatungtong ang mga mumunting talampakan sa paaralan, at nauwi sa lansangan. Gumagawa sila ng mga bagay na ikatutuyo ng utak nila, paghithit ng madilim na hinaharap, nakasusulasok na bukas.
Napapatanong tuloy ako: sa mga paulit-ulit na mga daing ng sambayanan may ginagawa ba sila bukod sa magreklamo?
Ang pamahalaan ay mula sa tao at tulad ng isang tinig na nagmumula sa pagtutulungan ng pisngi, panga, dila at maliit ng bahagi nito nakabubuo tayo ng salitang maaring bunga ng nararamdaman o katotohanang mahirap tanggapin ng sinumang tao. Pero naisip ba ng marami, na tayo rin naman ang kumukuha ng batong ipupukpok sa sariling nating ulo?
Halos tuwing ika-tatlong taon, nagluluklok tayo ng mga masasabing lider na di umanoy kaya tayong iahon sa hirap. At sa panahong namaga na sila, nahinog sa kamalayang puwede pala silang manlamang at nagpakabuwaya masasabi mong:
“kaya hindi ako bumoboto kasi pare-pareho lang sila”
Higit sa literal na tinig ang kayang isigaw ng nag-iisang hinlalaki mo. At sa sama-samang tinig hindi man literal kaya nitong makabuo ng silindrong kayang ding magpabago ng buhay mo. Kaya wag mong aksayahin ang iisa mong boto.
Naisip mo ba, na kung makapagluklok ka ng isang matinong politiko na kayang makapag-isip ng tama sa pagsasabatas tulad ng sa Reproductice Health, Freedom of Information at iba pang mahahalagang batas ay para din sayo?
Kaysa maghihiyaw ka na tila wala namang nakaririnig sayo, puwede pa rin namang marinig ang tinig mo na hindi kailangang maputol ang litid mo.
►►►
Lahok sa patimpalak ni JKul: Kamalayang-malaya 3 :)
















June 6th, 2012 at 10:44 pm
wow hindi siya beating the deadline! astig! hehehe
June 6th, 2012 at 11:49 pm
nakahabol… hahahahahha goodluck sa entry..
June 7th, 2012 at 8:52 am
ang puso mo otep hehehe
maganda itong sa iyo. malaman na malaman.
goodluck!
June 7th, 2012 at 9:54 am
aus ah.
karapatan pumili
June 7th, 2012 at 10:20 am
gudlak dito sir.
una ko dito
June 7th, 2012 at 11:16 am
[...] 34. Otep Zablan [...]
June 7th, 2012 at 5:38 pm
malaman malaman.
magaling magaling.
sakto 350 words tayo binilang ko. tnt
Goodluck otep
June 8th, 2012 at 3:38 am
oist otep anong balita? hehe…
ngaun nalang ako nakapag blog hop uli after 10 years! kakamiss lang! anong bago? parang andmi ko ng namiss sa blogosperyo
June 12th, 2012 at 6:01 pm
Kaisa ako sa iyong panawagan na bumuto kesa sa ibigay ang katwirang baluktot na pare-pareho lang naman, ke bumuto o hindi. Kadalasan kasi, sa mga grupo ng nakapag-aral nanggagaling ang ganitong dahilan, pagkatapos kapag ayaw nila ang mga nanalo, doon na sila nag-aaklas. Eh saan ba talaga tayo makakarating ng ganito? Sana lang naman, kung maaari lang, pakinggan ang tinig ni Otep. Dahil ako’y naniniwalang maraming puntos na tama siya sa kaniyang pananaw.
Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3
June 25th, 2012 at 11:58 am
[...] 34. Otep Zablan [...]