Zip! Zip!, Zup! Zup!
Punung-puno ng positibong emosyon at pisikal na pagod ang araw na ito, pero sa pagtatapos naman ng gabi sulit na sulit ito dahil sa sayang hatid ng mga nangyari. Kasabay ng mga nakangiti kong bilbil sa pagtulog. ![]()
Zip! Zip!, Zup! Zup!
Punung-puno ng positibong emosyon at pisikal na pagod ang araw na ito, pero sa pagtatapos naman ng gabi sulit na sulit ito dahil sa sayang hatid ng mga nangyari. Kasabay ng mga nakangiti kong bilbil sa pagtulog. ![]()
Nakanang tumetrending!
Maraming bagay ang umuudyok para isulat ko ito. Una nang makita kong trending ang #NoteToMyEx sa twitter. Pangalawa ng halos dalawang linggo na akong inuulan ng text ng dati kong housemate o sabihin na nating dating kaibigan sa paghingi ng sorry sa nagawa nya sa’kin (taragis! Isang taon!? -isang taon bago humingi ng sorry? Ayos ha!) at Pangatlo ng maamoy ko ang pabango ni ex habang naglalakad na tila nagpaparamdaman tulad sa isang taong yumao na. Lol.
Tamad na tamad akong bumangon pagdating ng umaga. Alas-ocho ang call time namin pero namamalipit at nakapalupot pa rin ako sa kumot dahil sa hatid na lamig ng pangmayama naming aircon sa kuwarto
. Hinintay ko pa talagang dumating si CJ bago ako kumilos. Doon ko nalang nalaman na may oras pala ang alis ng bangkang sasakyan namin papunta sa isla ng Talicud para sa Episode 3 ng Davao trip na ito (Nakanang umi-episode parang PHL360.com lang! lels) kaya naman naligo na din kaagad ako with hot shower mode saka umalis.
Continue reading