Zip! Zip!, Zup! Zup!
Punung-puno ng positibong emosyon at pisikal na pagod ang araw na ito, pero sa pagtatapos naman ng gabi sulit na sulit ito dahil sa sayang hatid ng mga nangyari. Kasabay ng mga nakangiti kong bilbil sa pagtulog. ![]()
BLOG MO, IPASUOT MO: IKA-APAT NA SABAK
Madaming buwan na rin nang marinig ko ang tungkol sa BLOG MO IPASUOT MO, isang grupo ng mga bloggers na naglalayong madamitan ang mga batang sabihin na nating hindi gaanong nakakaangat sa buhay sa tulong din ng mga kapwa blogista dito man sa Pinas o sa ibang parte ng mundo. Kaya ninais ko ding makasali dito lalo na’t nakilala din naman ako dati sa minsang pagbibigay o pagpapakontes ng t-shirt sa blog ko (Pasintabi sa mga hindi ko pa nabibigyan ng tshirt, dadating din tayo d’yan haha) at sana makapagbahagi din ako ng mga tshirts sa mga bata balang araw.
Noong mga nakaraang sabak binalak ko na din makasama pero dahil may pasok ako noon, at abala sa personal na bagay kaya hindi na rin ako natuloy. Kaya ngayong nabigyan ako ng pagkakataon, sabak agad!
Kilala ako sa pagiging late (aminado ako doon, ayaw ko din kasing nali-late ang iba sa akin
) kaya maaga akong nakarating doon, pang lima nga ata ako kung hindi ako nagkakamali. Kaya sa sobrang pagmamadali naiwanan ko pala ang wallet ko, salamat na lang talaga at may pera akong nakatupi sa bag ko. Balak ko pa namang dumerecho sa pupuntahan ko pagkatapos ng ika-apat na sabak.
Halos alas-nueve na yata ng makumpleto kami sa Loob ng Jollibee sa Welcome Rotonda, Lungsod ng Quezon. Hindi man halata pero feeling ko karas ko silang lahat kasi nahihiya talaga ako! lels. Karamihan kasi sa kanila perstaym ko lang makikita. Kahit nga mga blog nila hindi ko pa ata nabibisita. Kaya nagpaka-close na lang ako.
Matapos magpa press briefing ni Mads lels. (na noon ko lang nalaman na iisa lang pala si Mads at Maridel) agad na rin kaming bumaba soot ang kani-kanilang t-shirt na sponsor ng mga SG Bloggers. Nakakatuwa lang dahil nagbalik tanaw yung mga CWTS moments ko noong nasa college pa ako.
Pagdating namin sa Sta. Teresita Covered Court agad na ring nag-ayos ang grupo para sa pagdating ng mga bata at para sa pag-uumpisa na rin ng programa.

Maya-maya pa, unti-unti na ring nagdatingan ang mga bata at pumila para magkaroon ng kani-kanilang name tag.
Hindi ito ang una kong pagkakataon na makasama sa maituturing ko na ring outreach program. Nakasama na rin ako dati sa isang bahay ampunan sa Tagaytay, pero kung tatanungin ako kung ano ng pagkakaiba, wala naman sa pakiramdam na tumutulong ka at pagbibigay saya, pero sa sitwasyon malaki.
Naaalala ko yung mga sitwasyong magagaling pa magmura sa akin yung mga bata. culture shock talaga ako, siguro realidad lang talaga pero madadama mong mga bata pa rin naman sila.
Otep: Dikit na’tin sa damit mo yung name tag mo ha, para hindi mawalan ng dikit (sa balat nya kasi nakadikit)
Jerome: Ayoko ko nga! nangengealam ka!
Hindi ko alam kung nanlaki mata ko noon o sadyang nanibago lang ako dahil sa maliit na batang parang boses mama na kung magsalita nanggaling ang mga salitang iyon (Bukod pa iyon sa iba ko pang mas malupit na narinig haha). Tumayo ako bigla at feeling ko nasoplak ako ng isang bata. Doon ko naisip na kahit mga bata iyon may mga iilan talagang naimpluwensyahan na ng kalsada ganoon pa man, mga bata pa rin silang dapat umayon at maranasang bata pa rin sila.
Madami man sa amin sa grupo na nagsakitan ang mga batok sa pagpapapila ng mga makukulit pero masasayahing bata, isama pa ang magkabilaang pagsusuntukan (batang babae laban sa lalake, ayos!) , tuloy pa rin hanggang maiayos sila.
Nagsimula muna syempre sa isang panalangin at sumunod na agad ang mga aktibidad habang kasama ko ang magkapatid na sila Leif at Evan. Noong una sobrang mahiyain sila pero noong natuwa sila sa camera ko ayun at nakuha ko na din ang loob nila. Pero dahil halos patanghali na ata iyon nawala na din sila bigla kasama ng Daddy nila.
Nagkaroon syempre ng mga palaro tulad ng paglalagay ng kalamansi sa kutsara habang mabilis na naglalakad papaikot sa posteng tao (isa ako sa naging poste). Nanalo ang grupong umiikot sa akin, pero huli ko na nalaman na disqualified pala sila Haha!
. Hindi ko na inalam kung bakit. Nakakatawa nga kasi nagsusumbong pa sa akin, -isa yata sa pinaka matanda sa mga bata kaya hirap sa pagkatalo.
Sabi ko na lang na bumawi na lang sa susunod na laro.
Nagkaroon din ng short story telling na may pamagat na “Si [chorva] at ang isang dosenang sapatos” (Sorry nakalimutan ko yung title Peace!) Nakakatuwa ang part na ito kasi sobrang nag interact yung mga bata at sobra sa pakikinig.
Muling nagkaroon ng palaro sa pamamagitan illustration board, pero dahil may tumawag sa’kin sa phone na pauulit-ulit na nangungulit na maging member ako sa isang hotel na hirap ko namang babaan ng telepono baka kasi makabastos, kaya nagka-utuan na lang kami.
Babae sa Phone: Sir nasa DSWD po ba kayo? ang ingay po kasi, ang daming bata.
Otep: Kapag madaming bata DSWD agad? haha.
![]()
Huli ko na nalaman na masaya na palang nagkadayaan.
Sinunod na agad ang pagbibigay ng pagkain sa mga bata dahil for sure gutom na sila
Ako ang naatasang pumilas ng mga stub nila. Nakakagulat lang dahil may nakakalusot talaga. Mabuti na lang at hindi kumulang ang pagkain at may sobra pa.
Nagkaroon ng isang activity kung saan sa pamamagitan ng makukulay na pangkulay (ano daw?) Batsa pangkulay siya maglalagay sila nito sa kanilang daliri at i-ta-thumbmark naman nila sa loob ng puso na ginawa ng grupo. Sa pagkakataong ito ang dami pa ring pasaway dahil halos lahat yata ng kulay at daliri nila ay nilagyan. Hindi tuloy maiwasang maghalo-halo ang kulay.
At syempre ang highlights ng lahat ang magkakaloob ng t-shirt at iba pang simpleng bagay sa mga bata. Nakakatuwa nga pati matatanda kasi gusto din humingi.
Ang magkapatid na sina Leif at na noong una’y sobrang mahiyain, ngayo’y ang kukulet na buti nagbalik sila para sa mabigyan ng tee na pinamigay ng grupo.

si leif at Evan (ang kukulit!)
na miss ko sila!
Doon natapos ang programa at doon ko na rin namalayan na mahuhuli o huli na pala ako sa joyride namin ng mga kasama ko papuntang Clark Pampanga.
At dahil nga naiwanan ko wallet ko sa apartment kailangan ko pang bumalik. yay!
Sa taxi, hindi naman sa pagka OA, pero napapaisip ako dahil alam mo sa pakiramdam mo na kasali ka sa pagbibigay kasiyahan ng mga batang iyon at yung alam mong mas higit kang naging masaya kaysa sa mga bata dahil sa simpleng pangyayaring iyon. ansabe?
Naniniwala akong pangarap ng bawat kasabi ng BMIM ay may pangarap na makatulong. Congrats dahil nagkaroon iyon ng katuparan!.
JOYRIDE
Yung sinakyan kong taxi, yun na rin yung sinakyan ko papuntang Trinoma, grabe hindi pa natatapos ang hapon 400 na agad nagastos ko sa pamasahe palang. pero ayos lang kaysa naman maboring ka lang sa bahay.
Pasado alas dos na ako nakarating sa Trinoma malayung-malayo sa 1pm sharp na usapan.
Agad na rin kaming pumunta sa parking lot at muli kong nakita si George (Car ni kuya bernard)
Maayos naman kaming nakarating sa SM Clark at doon na namin nakita si Cj na mula pa Davao. AirAsia yung sinakyan nya kaya sa Clark sya napadpad. Kumain kami ng Pizza at pagkatapos noon dumercho na kamii sa Duty Free.
Natuwa ako sa dami ng chocolates doon kaya magpi-picture-picture sana kami kaso may umepal bawal daw. (nakakahiya tuloy)
Mula doon, nagpatuloy ang joyride namin papunta sa Boundary ng Baliwag at Pampanga. Kakatawa lang kasi nasa loob kami ng pampanga dahil nadaan namin ang arko pero nasa Bulacan daw kami.
Tumuloy kami sa Bahay ni kuya bernard at kumain doon ng hapunan. Busog na busog ako sa Manok na may sarsang maanghang sinabayan pa ng panghimagas na chicharon -Ang kewl. May take-out pa
Sayang nga at gabi kami nakapunta doon, mukhang maganda pa naman ang view dun dahil maberdeng kalikasan, sa gitna iyon ng palayan.
Matapos noon, tumuloy na kami sa Willy’s Diner na isa sa kaibigan ni Kuya bernard ang namamahala na matatagpuan naman sa harap ng SM Baliwag sa Caltex Compound. Nasa soft opening palang daw sila.
Ang cute ng diner/cafe nila. Parang korean style ang theme. tapos yung mga upuan nila iba-iba ang designs at sandalan. Sabi ko nga parang may iba’t ibang personality ang mga upuan tulad ng mga taong uupo dito.
Balak lang talaga namin doon mag kape dahil nga katatapos lang namin kumain sa bahay ng mga magulang ni Kuya Bernard. Pero napasabak na.
Unang hinain sa amin ang Little Willy’s Cookies n’ Milk sa halagang P100.00 Ang cute ng mga cokies ganoon na rin ang fresh milk na nakalagay sa cute na bote. Tinuruan din kami kung paano ang tamang paglasap sa mga pagkain iyon. Isawsaw muna daw yung bilog na cookies sa freshmilk sabay inom ng gatas. Parang tulad sa commercial ng Oreo Cokies.
Perfect ito lalo na kapag may kasama kang bata.
Sumunod naman ang Mango Crepe kung hindi ako nagkakamali sa halagang P100.00 din.
Nagustuhan ko ito ng sobra, hindi ko alam kung ano pa yung ibang nasa loob pero napakatamis ng Manga na mayroon pang kasamang ice cream sa loob. Yummy!
Sinabayan pa ito ng ng Fresh Fruit Shake (pitcher) sa halagang 150.00. Sobrang refreshing nung Shake. Personally, ayaw ko ng halu-halong prutas pero nagustuhan ko iyon, ang kulay kasi habang nasa lalagyan, nakakatam.
Ang dami pang inaalok sa amin, pero hindi na kaya ng mga tiyan namin kaya nangako na lang na, -next time.
Gusto ko ma try yung Sinful Chocolate Cake sa halagang P100.00 nakakademonyo kasi ang pangalan
Pero kung may nagustuhan talaga ako sa Diner/Cafe na iyon, iyon ay ang CR nila.
Noon pa man, matagal ko ng naiku-kwento dito, na pangarap ko talagang magkaroon ng ganitong uri ng business. Sa pagpunta at pagkain ko dito mas lalong tumatatag ang pangarap ko na sana magkaroon din ako ng ganitong uri ng negosyo balang araw.
At para kay Ms. Che Cruz kasama ang mga business partners nya congrats! Nakakainggit kayo.
Nakauwi naman ako sa Manila na kumpleto, pero para akong lumulutang dahil sa pagod, iniisip ko na lang kung pagod ako paano pa kaya yung driver namin? haha.














































August 28th, 2012 at 5:41 pm
Meron pa bang susunod? I WANNA JOIN!
) Let me know po. Salamat. http://www.facebook.com/NgitiTayoKaibigan
August 28th, 2012 at 5:55 pm
nakita na din kita sa wakas.. hehehe isa ako sa taga hanga mo noon pa,, hahaha naks, sa next sabak ulet
August 30th, 2012 at 10:23 am
hindi kaya, parehong pareho naman sa mga litrato..
August 28th, 2012 at 6:08 pm
Hindi tayo masyadong nakapaghuntahan. Bigla kang nawala may iba ka pa palang lakad. Salamat sa time mo Otep.
August 28th, 2012 at 6:17 pm
Hahaha, ganun na nga, iba sa totoong buhay at sa blogworld pero kapag matagal na namang nagkakakitaan ay nakapagpapalagayang loob, ‘yong iba don first time ko lang din na nakita. Sa susunod, sama ka ulit. )
September 19th, 2012 at 1:52 pm
Sali nmn aq dyan parng masaya yata dyan!!! Ahhh…can’t i join!!!
Boring ksi dto x bahay eh..wla ngawa??
August 28th, 2012 at 7:04 pm
akalain mong may lakad ka pa pala pagkatapos nung sabak? tibay mo, adre.. hehehe.. sana makasama ka pa ulit namin sa mga susunod pang mga sabak.. sali ka na rin sa fund-raising natin.. hehehe
August 28th, 2012 at 7:11 pm
nice sana makasama na rin ako sa susunod hehehe
August 28th, 2012 at 8:00 pm
sama na
))
August 28th, 2012 at 8:31 pm
kelan ba next? di nyo naman ako nisabihan meron pala ulit nyan
August 28th, 2012 at 7:28 pm
gusto ko rin sumama, inaaya na rin ako ni MJ nuon, schedule ko lang talaga ang problema
August 28th, 2012 at 8:01 pm
sama-sama na rin kasi theo
))
August 28th, 2012 at 8:01 pm
Super like ko yung mga sinabi mo dito, mga kwento at lalo na yung mga pictures. Salamat naman at nag-enjoy ka kahit pinagmadali kita
August 29th, 2012 at 5:01 pm
congrats sa BMIM 4
congtrats sa sarili nyu!
August 29th, 2012 at 8:41 pm
congrats po…..
September 2nd, 2012 at 8:18 am
gusto ko ring sumama next time. cute nung mga bata. =D