Dear Kepyas Jesus,
Nitong nakaraang linggo mapalad akong nakasalamuha ang mga blogger na hindi ko pa nakikita sa personal na sina Bagotilyo, Harold (hubadero ng Bora) at Mark aka Tonto Potato (patatas sa tagalog). Ganoon din ang makailang ulit ko ng nakasalamuha na sina Bino at Will. Mapalad ko ding nakilala ang bagong karakter na tulad mo. Grabe nakakakislot ang pangalan mo. lels.
Sa ganoong pagkakataon nga, kahit papaano naiibsan ang kung anong walang kagana-ganang buhay meron ako sa pang-araw-araw.
Kepyas, pasensya ka na ha. May mga kwento kasi akong gusto ko mang ikwento sa iba, pakiramdam ko wala namang magiging interesado lalo na kung pantasya, pangarap o pag-ibig ang ikukwento ko sa kanila.
Alam mo, madalas sinasabi ko sa sarili ko na ayaw ko ng mag-mahal. Madalas din sinasabi ko na handa na uli akong magmahal. Pero alam mo yun, minsan susuntukin na lang ng hangin ang isipan mo at mararamdaman na parang may nakabara pang kung ano doon na hindi na nawawaglit sa kokoti mo. At doon din masasaktan ka ng sarili mong panununtok at tatanggaping hindi pwedeng mangyari lahat ng iniisip mo. Kaso nga hindi mo matanggap. Aw.
Kanina o kahapon halos dalawang araw na naman akong mulat. Alam mo namang yun lang yung paraan ko para masabi kong may pinagkakaabalahan ako at may nagpapasakit sa utak ko higit sa sakit ng nakaraan na hindi na nagkahilom-hilom! Leche! -ang sakit! Higit sa literal na sakit.
Kanina, mula sa 17 oras na pananalagi sa opisina habang tinatapos ang 16pages na newspaper na deadline na at kanina ko lang din sinimulan dahil kagabi lang din ako pinapasok, na dapat ay ginagawa ng higit isang katao, natapos ko din naman. Ginusto ko yun e.
Alam mo yung mga pagkakataong gusto mong iwanan ang isang bagay dahil alam mong pinahihirapan ka nito, pero alam mong kapag nawala , ay mahihirapan ka pa din? Wala ka namang ibang magawa kundi magpakasakit mapapisikal o emosyonal man dahil mas okey na yun kaysa mapuno lang ng masamang hangin ang isipan mo at mauwi sa pagkakasabog nito. –mas masama kapag ganun ang nangyari di ba?
Hindi ko lang talaga alam kung anong pananadya meron ang pagkakatao kanina Kepyas. Sumakay ako sa bus pauwi ng Maynila mula sa Alabang, sabi ko matutulog ako para maibsan yung pisikal na sakit ng ulo ko dahil sa antok at pagod. Pero pilitin ko man ipikit ang mga mata ko kung naririnig mo naman ang bawat dialogo ng kapwa karakter sa pirated DVD na pinapalas sa naturang bus parang binabangungot ka lang ng gising. Tangina Kepyas! ONE MORE CHANCE ang palabas!
Awang-awa ako kay Popoy lalo na nung binanggit nya ang mga katagang “Bash, ang sakit-sakit na!”
Taragis men! may mga bagay na ayaw mong balikan pero nanunumbalik yung mga oras at panahon na higit pa sa nararamdam mo ngayon yung dinanas mo ang mga parehong sitwasyon. #ansabe?
Kung tutuusin mapalad pa ako sa kalagayan ko ngayon dahil simpleng sumpong lang ‘to ng kaemuhan ko.
Pero bakit ganun Kepyas? nalulungkot talaga ako, at aminin ko man sa hindi alam ko ang kinalulungkot ko.
Gusto ko uli maranasan yung pakiramdam na alam mo sa sarili mo na hindi ka nag-iisa. Yung pakiramdam na kahit alam mong tuyung-tuyo utak mo sa trabaho, naguumapaw naman ang nilalaman ng puso mo. Taragis! Kita mo? hindi ko na ‘lam kung ano sinasabi ko, basta alam ko nalulungkot talaga ako.
Sana totoo lahat ng One More Chance na kahit punung-puno ng hapdi ang bawat eksena, alam mong matatapos din ito at mauuwi sa happy ending.
Nag-uumimo,
Otep















September 23rd, 2012 at 5:33 am
may mga panahon talagang mapapaemote na lang tayo. isipin mo na lang na malaki ang chances na happy ending din ang storya mo. be patient na lang. =D
September 23rd, 2012 at 8:34 am
sino si kepyas?
anyway, ang love talaga, di pinipilit, di hinahanap,may sariling time frame, dumadating sa tamang panahon.
naks!
September 23rd, 2012 at 1:02 pm
“Alam mo yung mga pagkakataong gusto mong iwanan ang isang bagay dahil alam mong pinahihirapan ka nito, pero alam mong kapag nawala , ay mahihirapan ka pa din?” OO! Sobrang nakaka-relate ako.
September 23rd, 2012 at 2:20 pm
Sobrang emo .. hehhe .. Ok lng yan darating nag araw makakapahinga din ang utak , katawan at puso mo .. tnt
nagmamahal,
Shadow benitez :p
September 23rd, 2012 at 8:44 pm
Lilipas din yan. Parepareho lang tayong mga na-eemo. Magiging okay tayo after mga… four months pa. Hehehe :p
September 24th, 2012 at 11:35 am
ano Will, 4 months? ang ikli nun..bakit ako 1 yr ata lagi bago makaalis..hahaha, ganun talaga ang life.. ang oras na single ka, yun ang oras na dapat ay magpaka YUMMY ka,.. always think positive. maging masaya..
September 24th, 2012 at 11:43 am
Alam mo yung mga pagkakataong gusto mong iwanan ang isang bagay dahil alam mong pinahihirapan ka nito, pero alam mong kapag nawala , ay mahihirapan ka pa din?
- kakarelate kung trabaho rin lang ang pag-uusapan. Buti ka pa, nagagawa mong sabihin dito lahat ng saloobin mo. Ang mas mahirap, bawat galaw mo, may nakatingin sayo.
October 4th, 2012 at 8:48 pm
Ang Emo. Pero hindi ko mapigiang mapangiti ng sobra kapag nababasa ko na ang salitang “kepyas”. Nahiwagaan ako, na nakikipagusap ka sa isang kepyas. Mainam na naisasambulat mo yang ka-emohan mo, para naiibsan kahit papano. Piliin nating lumigaya. Nasa kamay mo ang bawat desisyon at pagkakataong panindigan ang bawat choice mo sa buhay. Cheers Otep! Pakikamusta na din ako kay “Kepyas”.
October 6th, 2012 at 5:33 am
Grabe!!! Naiiyak ako parang ako lang. Kahit ayaw kong magpaka-emo dito hindi ko magawa.
October 10th, 2012 at 10:06 pm
So much relate. Hmp ganun talaga eh, sa part na ganito, we need someone to lean on. “Alam mo yung mga pagkakataong gusto mong iwanan ang isang bagay dahil alam mong pinahihirapan ka nito, pero alam mong kapag nawala , ay mahihirapan ka pa din?” yan ang pinakatumatak sakin
ahh! cut it off Shasha