Author Archives: otep

About otep

SA BABASA : Ang BLOG na ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha [HINDI PO AKO DALUBWIKA]. Kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagba-blog. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO... gaano man kasakit, gaano man kaganda sa tipong nakakataba ng puso. | PAUNAWA: Hindi ko po matutugunan lahat ng puna n'yo, pero makasisiguro kayong lahat po ng iyon ay nababasa ko at sobra ko pong kinatutuwa. Salamat po! :D | Sa lahat ng mga nangangarap, LIBRE lang po!!

BAKIT KA NALULUNGKOT?

sad paintingPara palang hindi-mapigilang utot ang kalungkutan no? tiisin mo man o iwasan ang dagundong na maaring ilikha nito mararamdaman at mararamdaman mo pa rin ito. Sana pala tulad na lang ng isang kulangot ang lungkot no? sa isang sungkit at kalikot, pwede mo na lang basta ipunas sa kung saan o kaya’y  pitikin ayon sa trip mo, tapos… –wala na!

Continue reading


DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!

philippine boracay map

Paalis na lang ako may mga pahabol pang trabaho at gawain, hindi na tuloy ako nakatulog para sa 8:00 am flight ko papuntang Boracay. Pero ganoon naman talaga di ba? Kailangan mo munang mapagod, magsikap at maghirap bago mo masabing “natutupad ang mga pangarap mo dahil sa mga paghihirap na ‘yan” ganoon din para mabigyan mo ng reward ang sarili mo.

———-00Ooo———-

#MEMA  Ayon kay pareng wikipedia, ganoon din sa mapa, Lels :P matatagpuan ang Isla Boracay sa itaas na bahagi ng Isla ng Panay. Sakop ito ng Probinsya ng Aklan at bahagi ng Munisipyo ng Malay. Mayroon itong tatlong barangay: ang Manoc-Manoc, Balabag at Yapak.

Alam na naman ng lahat na kilala ang Boracay sa mga natatamo nitong parangal  mula sa maraming lathalain sa iba’t ibang bansa dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa iba’t iba aktibidad nito sa isla. Pero alam n’yo ba kung saan nagmula ang katawagang “Boracay”? Anila, madami daw itong pinagmulan. Ang isa ay mula daw sa lokal na salitang “borac,” na ang ibig sabihin ay “bulak,” na maihahambing sa kulay at makinis nitong pinong-puting buhangin ng isla. At ang isa naman ay mula pa rin sa lokal na salitang “bora,” na ang ibig sabihin ay “bula” at “bocay,” na ang ibig sabihin naman ay “puti”. Maaari din daw nagsimula pa at nagmula pa noong panahon ng kastila sa salitang “sagay,” ang katawagan para sa mga kabibi At “boray,” na katawagan naman para sa mga buto ng halaman ang katawagang “Boracay”.

———-00Ooo———-

Continue reading


KONSEPTO

by googleHindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako patungkol sa isang kaibigan, pagkakaroon ng isang kaibigan at pakikipagkaibigan. Sadyang mahina lang talaga ang loob ko sa paghawak ng mga ganitong usapin at saloobin. Pero hindi rin siguro, sadya lang talaga akong madamdamin.

Continue reading


%d bloggers like this: