Category Archives: Malalim na Pangarap

UHAW SA PANAGINIP


panaginipIlang beses na rin akong nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog. Hindi ko man mawari o maipaliwag kung ano ang mga pakuhulugan nito sa kasalukuyan, na kung mamalasin pa nga’y sa ni-isang detalyeng kaganapan ay wala akong matandaan. Basta’t ang natatangi ko lang nalalalaman at nararamdaman  habang pilit-humahalukay sa isipan ay isa iyong magandang karanasan.

Continue reading


“DI KO NAMAN SINABI…”


Pakabog-kulog ang ‘di ko mawaring nagaganap noon sa’king dibdib

‘di lubos maisip kung anong mga bagong imbentong salita ang aking sinisilid…

Masabi ko man lang, kung paanong pahiwatig ang nais kong ipabatid.

Di mawari’t minsan’y akin namang nasasambit

Ang mga salitang di mo man nais marinig ngunit iyong pilit-matang ipinipikit…

Mawari’y sanang iyong maisip na ang aking mga banggit ay pilit-suksok pa rin sa iyong isip.

Isipin mo man lang:

“Hindi ko naman sinasabing sundin mo lahat ng sinasabi ko, ang sinasabi ko lang ay pakinggan mo kung ano ang sinasabi ko sayo” 

Nais ko sanang magpakonyat de kalimot sayo,

Ngunit anong magagawa ng kutos sa noo, kung nauna na ang bukol sa puso kaysa sa ulo?

O baka sa ulo na lang  umusbong at tuluyang pagkawala sa puso mo?

Mahirap ipabaon sa bunbunan ang mga sanaysay sa bungong puno na nang laman.

Mga nilalamang puno ng kasakiman at sa pilosopiyang natatanging pansarili mo lang.

Kailan mo iwawaksi ang mga matutuhan sa mga magaganap palang?,

Kung sa kasalukuyan ay kayang-kaya mo namang lunasan?

Di ko naman sinasabing lubos-lubusan akong pakinggan,

Pero sana naman, sa ngalan ng ilang sandaling sinabi mong isa akong kaibigan ay iyong pagbigyan,

Patawarin mo nawa sa minsang pamumutawi ng mga barubal na pananalita’t mga salita.

Tandaan mo na wala akong ginagawa at ginawa para sa iyong ikasisira!

Tanging-puro pagbabanta sa inaakalang pupuksa sa iyong katapangan.

Inaamin ko ang aking kamalian, hindi ko dapat sinubok ang ating pagkakaibigan.

Pero paano tatatag ang puno ng samahan kung sa sanga-sanga nito’y ni-ayaw mo padapuan ng mga insektong inaakala mong pesteng sisira sayo?

Tandaan mo din sana, na kahit ipis na tinututing nating peste ay may pakinabang sa mundo.

Di ko sinasabing utak-ipis ako at may malaking pakinabang ka sa anino ko,

Ang sinasabi ko lang lahat ng tao meron nito.

Alam kong nababakas mo ang itim na kulay nito..

Pero sana makita mo yung puting handang sumaklob sa aminin mo’t hindi’y -kadiliman mo.

Ayoko lang ng ganito,

Mas nalalaman ko ang ikalulumbay kaysa sa ikagagalak ko.

Aaminin ko, Di ko man masabi.. ikaw ang kalungkutan ko…

Malamang sa mga tulad mo din mahahanap ang ikasasaya ko.

Nobenta’y neuve nga sigurong mapapatunayan na sa kalungkutan din natin makukuha ang kaligayahan..

Iniisip ko lang.. sa dinami-raming ikasasaya ko sa mundo,

‘yung nag iisang porsyento pa pala ng ikasasaya ko ay nasa sa iyo.

Ibig sabihin, ikaw din pala ang bubuo sa ciento persyentong ikagagalak ko.


ALABANG BOY; ISANG GABI…


Madalas kong nasisilayan sa gitna ng gabi ang mabasa-basang kapaligiran, kasama ang mga manining-ning na bituin at mapang-akit na buwan. Maliwanag ang kapaligiran., huwari’t sa kadahilanang hindi mo kakikitaan ng ulap ang kalangitan. lels. :P

Second week ko na sa pangalawang tahanan k0 sa ngayon. At nakatutuwang umakma ito sa ideal location (toinks!) kung saan nais ko mag opisina o lugar kung saan ko ginugustong makapagtrabaho-Muntinlupa. Isang tambling lang kasi ito mula sa tahanan namin sa Cavite. Ibig sabihin, male-less na ang mga gastusin ko sa transportasyon ganun din sa pagbabayad ko sa renta kung maninirahan pa ako sa iba. Dahil doon  na mismo ako sa lugar kung saan ako inire na Nanay ko mag-uuwian. Higit sa lahat maleless na ang posibilidad na male-late pa ako!. hohoho (one-ride na lang kasi)

Opps.. theres more! Higit sa lahat mai-aaply ko na ang turo sakin ni Monci at Papa CJ (Christian Joy) na “save before you expense” kasi nga makakatipid na ‘ko :)

First time ko din magpaka literal na panggabi. (Dati kasi halos late na rin ako umuwi sa Pahayagang pinasukan ko). Salamat na lang sa Boss ko na bigay-luho sa kalagayan ko at pagtitiwala sa kakayahan ko Naks! jokeness. hmmm siguro sabihin na lang natin na kahit di ka magpaliwagan details-to-details alam nya na agad ang sulusyon sa dinudulog ko (sipsip! lels) :D

Alam mo kung bakit mas prefer ko din mag panggabi…? nababawasan kasi ka-emohan ko lalo na pag di ka makatulog. Nakakapraning kaya yun. Lalo na kung sa loob ng madaming buwan iisang tao pa rin ang pumapasok sa isip mo (daig ko pa nga ang inlove mula sa maka-labas left and right atrium ng nakaraan kong puso.

Nakakabadtrip lang kasi… puro kasinungalinan lang natamo ko sa taong tinuring kong Bestfriend. Pero hindi rin siguro! kasi kung best friend ko sya mauunawaan ko sya, pero hindi ko talaga maunawaan o ayaw nya lang magpaunawa?. Parang sa makabagong kasabihan na…

“Kaya mo nasasabing binabalewala ka ng isang tao, kasi iniisip mo na mahalaga ka sa kanya” e hindi naman? BASAG!

MAHIRAP MAGING CONCERNED!

Totoo ba yan ^ ? Ang hirap-hirap kaya. Ang hirap ipaunawa na nag-aalala ka! Mas mahirap pa pag kapag sinabi n’yang “Kaya nya” kahit Hindi. At mas mahirap pa kung sasagutin nya ko na ”okey lang magkamali kasi natututo ko sa magiging kamalian ko” Kakapraning Men! Bakit ang hilig-hilig sumagot ng mga tao ng ganyan? Kailangan pa bang magkamali para matuto? Puwede namang pag-aralan yun di ba? Kahit sabihin nating iba pa rin ang resulta sa aktwal na pangyayari, kaysa sa mga posibleng mangyari.

Kunwari sa sitwasyong naghahanap ka ng dalawang butiking nagsesex sa kisame para gawing sex scandal at ipost sa xtube.com, tapos sa sobrang inip mo nakaidlip ka sandali. Malas naman na habang natutulog ka ay bumubuka din pala ang bibig mo. At kasabay naman noon, magaganap na pala ang sex scandal of the decade sa lupon ng mga butiki sa kabahayan nyo. At doon ka naman magigising nang may bigla na lang may malalaglag sa bibig mo! Aakalain mo na iyon yung babaeng butiki na sa sobrang kalandian at kahaliparutan kaya nahulog sa bibig mo. Yun pala spermcell lang ng lalakeng butiki na habang nalalag sa hangin ay biglang nagiging kasing laki at bumibilog na tulad ng mothballs sa aparador.

Iisipin mo bigla na mamamatay ka na! pero magpapasalamat ka na mabubuhay ka pa pala. Pero kalaunan mapapansin mo na tila unti-unti nang mawawala ang boses mo. Doon mo maalala na natutunaw din pala ang mothball pero sa sitwasyong nagiging mala-bulldog super glue ito na unti-unting tumutunaw ng adams apple mo.

GANUN BA!! HA! kailangan ba may mga malunok pang spermcell ng butiki para sabihin nating hindi na ako mag-aabang ng butiking nagsesex sa kisame para kuhaan ng video! Kung kailan natunaw na ang adams apple mo at kung kailan hindi ka na makakapagsalita pa!? Doon mo ba masasabing natuto ka!? Ha! At kinatutuwa mo yun! Ha!

Ang trying hard ko magpatawa no? Pero hindi ako nagpapatawa. Pero kung tumawa ka nakakatawa nga. lels. :P

Minsan masarap na lang tawanan ang kamalian.. Pero nasasaktan pa rin tayo kapag alam nating yung dati mong kaibigan ang nagkakaroon ng kamalian at nasasaktan.

NAKAKAMISS LANG.

Kumain ako ng Lugaw dito sa kahabaan ng west drive dito sa Alabang. Yung.. lugawan dito sa harap ng Jollibee na 24 hours sa pagputok ng araw ay nawawala din dahil may huli ata. :D

Medyo masarap. Medyo naalala ko din si ex BFF mas masarap pa rin pala kumain kapag may kasama. Nakakamiss yung mga panahon na sabay pa kami naghahanap ng makakaitang Gotahan.

Minsan, dahil ayaw mo na nang gulo at ayaw mo nang madagdagan pa ang pag-aawayan nyo. Iiwas ka na lang at aasang “Magkaka-ayos din kami” Nakakatakot lang na sakaling magka-ayos nga kami.. baka siya na yung “Kulang”

Hindi ko na kayang ipagtanggol ang isang taong feeling n’ya ay dinidiktahan sya..

Ang hirap din mangarap sa kasiyahan ng isang tao, ganoong hindi mo na alam kung nasaan na siyang parte ng pagkatao n’ya.

Mamayang Gabi Uli.

-Lugaw.


%d bloggers like this: