
Sabi nila kung magkakaroon ka ng alagang hayop o pet huwag mo itong pangangalanan, para sakaling mawala s’ya sa buhay mo hindi na ganoon kasakit ang mainawan.

Sabi nila kung magkakaroon ka ng alagang hayop o pet huwag mo itong pangangalanan, para sakaling mawala s’ya sa buhay mo hindi na ganoon kasakit ang mainawan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng isang karanasan sa all-time-favorite nating fastfood -ang Jollibee. Madami na rin akong naisulat tulad o patungkol sa kanilang “mababait!” na crew at pati na rin sa promo nila sa mga SM Cinema (dati). Pero hanggang blog at opinyon lang naman ako. Bukod kasi sa… sa tingin ko’y pag-aaksaya lang ng oras ang magreklamo at sa tingin ko’y hindi na naman nila maibabalik ang pagkainis ko kaya hindi ko na ito ipinaalam sa pamunuan ng nasabing establisyemento.

BABALA: Ang mga nakikita n’yong larawan ay sadyang tinakpan ang mukha upang maiwasan ang pagsakit ng inyong mga tiyan katatawa. Ganoon din upang mabawasan ang hatid nitong kahihiyan sa may akda. hahaha lels.
Sobrang laki ng nakuha kong 13th month pay ngayong taon (Lumevel sa nakuhang 13th month pay ni kuya Bernard Umali) hahaha, kaya naman sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, masayang ipabalitang nagkaroon na ako ng passbook mula sa BDO Yey!. Thanks God! pustahan, mga isang buwan lang ‘yan close account na agad! hahaha..
Hindi kasi ako mapakali sa ATM kaya sabi ko kailangan ko ng passbook para mahirap mawidraw. Noon ko lang napansin na may kasama palang ATM ang passbook ko lels. (iwanan ko na lang siguro sa bahay).
Ngayon pa lang iniisip ko na kung magkano tutubuin ng ng pera ko kung .5000 % ang tubo nito kada taon. syetness ang laki pala! haha
PAANO MAG OPEN ACCOUNT SA BDO? (passbook w/ATM)
PASKONG OTEP
Sobrang nakatatamad mamili ngayon. Ganoon din sa pagbabalot ng regalo. Kaya naman ngayong taon para maiba naman, tutal naglalakihanan na naman ang mga pamangkin ko e pinera ko na lang. Tag P100.00 na malutong na nakalagay sa Ampao ba tawag dun?. Masaya na sila dun. Ganoon din sa mga matatanda.
Mama ko na lang ang hindi ko binibigyan kasi supresa. (“selver” uli) hahaha. lels.
MUKHANG ITA
Walang paglagyan ang pera ko ngayong kapaskuhan hahaha joke lang. Kaya naman naisipan ko itong waldasin sa pamamagitan ng pagpapakulot (tutal matagal ko na itong balak). Gusto ko lang naman maiba itsura ko. Nakasasawa na kasi ang makapal na straight na may bangs na hairstyle.
Kaya naman nagpunta ako sa di kalayuang parlor sa bahay namin sa Cavite. Hindi ko nga ‘lam kung parlor yun kasi simpleng salamin lang tapos simpleng mga kagamitan, open air pa. Tinuro yun ng kapitbahay namin, madami daw nagpapakulot doon.
Kahit madami akong pera ngayong kapaskuhan, pinilit ko pa ding makatipid no!.
Dalawang oras din ata ang tinagal ng pagpapakulot ko (kasama yung ate ko saka asawa ng kuya ko. Magpapakulot din daw sila basta libre ko).
Heksayted ang lahat sa resulta ng pagkakakulot ko. Matapos ang ilang sandali. Tumambad sa lahat ang pagkakulut na kulot kong buhok. Agad akong pinagbanlaw sa lalabo ng may ari ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko pinto ng kusina. Umulan ng katatawanan. Mukha daw akong Ita. Tapos ang iba naman mukha daw akong Michael Jackson. Masyado syang kulot AS IN! kaya binawasan ng konti sa pamamagitan ng pag-gupit dito.
Nagmamadali akong umuwi ng bahay upang takasan ang pangangantiyaw!. Pagka-uwi ko naman, kuya ko naman ang nakasalubong ko. Nagkatae-tae siya sa katatawa kamukha ko naman daw yung ITA na nag-aala Justin Bieber sa Youtube si Arjohn ata name nun.
Buong araw din akong nagtago sa bahay.
Kapansin-pansin na habang tumatagal kumakapal siya ng kumakapal hanggang nagmukha akong moymoy palabay habang umiinom ng Coke “grrrrrrrrrrrrrr”.
Instant celebrity ako sa lugar namin.
Noong dumating naman si Mama. Tawa din ang pinasalubong sakin. Hindi na ako nakatiis kaya sabi ko:
“Ma, Gupitan n’yo ko! now na!. Kahit kalbo okay lang!”
Naisip ko kasing pagtatawanan din ako sa malaking pagupitan kung haharap ako sa ganoong buhok kaya pinabawasan ko muna. Gusto ko na ngang lumusob sa “totoong” pagupitan kaso dahil pasko yun sarado lahat sa lugar namin.
Lumuwas din ako ng gabing iyon papunta sa Maynila para magpagupit sa David’s Salon kaso naisip ko din na baka pagalitan ako nang manggugupit ko.
Kinabukasan doon ako sa Going Straight katabi ng Davids nagpagupit. Pati yung bading na naggugupit nagtataka kung ano nangyari sa buhok ko. Todo paliwanag naman ako na “dating straight ang buhok ko!” at dahil sa kaengengan ko nagawa kong magpakulot at sa kasawiang palad ay namarder!
Nakisimpatya naman yung manggugupit sakin na mali daw ang proseso nang pagkakakulot sakin. Masyado daw makulot ekek.
Mukhang nagkaroon naman ng hustisya ang pagkakagupit sakin.
Doon ko napagtanto at naramdaman ang mga sintimyento ng mga kulot kung bakit sila nagpapa tuwid o rebond ng buhok.
Doon ko rin napagtanto na kung ang nagastos ko sa mamahalin kong buhok ay sinama ko na lang sa inimpok ko sa bangko e sana may pera pa ako.
Doon ko rin napagtanto kung gaanong walang kasiyahan at kakuntentuhan ang mga tao kung bakit ang Kulot nagpapastraight. at ang mga straight nagpapakulot.
Ganoon pa man alam ko naman sa huli, ninais ko lang naman may mabago -palpak nga lang hahaha..
SALOT -ito ang tawag sa taong walang kakontentuhan sa buhay kaya huwag nating isisi sa mga kulot. okey!?