Category Archives: Pangarap na Natupad

DAY 2 BORACAY: PUKA SHELL BEACH

HPIM0183Magandang alon! – (“goodmorning” in sea world) lels. :P

Ito lang yung mahirap kapag galing ka sa halos dalawang araw na walang tulog, makatulog ka man ng tatlo hanggang apat na oras, napaka hirap paring gumising. Ginusto ko ‘to eh! Kaya bangon agad para sa aming pangmayan na buffet breakfast ng Alta Vista De Boracay.

Continue reading


DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!

philippine boracay map

Paalis na lang ako may mga pahabol pang trabaho at gawain, hindi na tuloy ako nakatulog para sa 8:00 am flight ko papuntang Boracay. Pero ganoon naman talaga di ba? Kailangan mo munang mapagod, magsikap at maghirap bago mo masabing “natutupad ang mga pangarap mo dahil sa mga paghihirap na ‘yan” ganoon din para mabigyan mo ng reward ang sarili mo.

———-00Ooo———-

#MEMA  Ayon kay pareng wikipedia, ganoon din sa mapa, Lels :P matatagpuan ang Isla Boracay sa itaas na bahagi ng Isla ng Panay. Sakop ito ng Probinsya ng Aklan at bahagi ng Munisipyo ng Malay. Mayroon itong tatlong barangay: ang Manoc-Manoc, Balabag at Yapak.

Alam na naman ng lahat na kilala ang Boracay sa mga natatamo nitong parangal  mula sa maraming lathalain sa iba’t ibang bansa dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa iba’t iba aktibidad nito sa isla. Pero alam n’yo ba kung saan nagmula ang katawagang “Boracay”? Anila, madami daw itong pinagmulan. Ang isa ay mula daw sa lokal na salitang “borac,” na ang ibig sabihin ay “bulak,” na maihahambing sa kulay at makinis nitong pinong-puting buhangin ng isla. At ang isa naman ay mula pa rin sa lokal na salitang “bora,” na ang ibig sabihin ay “bula” at “bocay,” na ang ibig sabihin naman ay “puti”. Maaari din daw nagsimula pa at nagmula pa noong panahon ng kastila sa salitang “sagay,” ang katawagan para sa mga kabibi At “boray,” na katawagan naman para sa mga buto ng halaman ang katawagang “Boracay”.

———-00Ooo———-

Continue reading


DAY 1 MALAYSIA: WELCOME TO KUALA LUMPUR!

kuala lumpur skyline

Sabi ko noon sa sarili, bago muna ako maglagalag sa ibang bansa kinakailangan ko munang malibot ang buong Pilipinas. Napuntahan ko na naman ang Luzon (Sagada | Feb 2012), Visayas (Iloilo | Nov 2011)  at Mindanao (Davao | July 2012) sabi ko baka pwede na rin siguro hahaha, ito na yun e! :D Nagsimula sa isang imbitasyon mula sa isang super active na blogger ni si Rye aka FlaminDevil (na nagpapaalipin na sa pera ngayon sa KL) sa pangakong may aampon na sa amin pagdating doon. At Pagnanais na rin siguro mapuntahan at malaman kung ano nga ba ang sinasabi ng isang tower sa isa pa nitong tower ala Miss You Like Crazy ni Bea at John Lloyd.

Continue reading


%d bloggers like this: