ARALIN: EMILIO JACINTO

Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya
ni Emilio Jacinto

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.

9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: “Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.)

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang matutumbasan.

Isang Kuwento

“Pahayag”

ni

Emilio Jacinto

Isa iyong gabing madilim. Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbal-gimbal na gabing iyon. Nakayukayok at sapupo ng dalawang palad ang mukha, naghihi-mutok ang isang kabataan.Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanga-nganib nang kusang panawan ng buhay.Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang- gumigiyagis sa kanyang puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:

“Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?”

Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.

“Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko’y walang lunas, walang katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?”

“Hanggang kailan,” sagot ng anino, “ang kamangmangan at ang katunggakan ay magging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga bayan?

“Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaa-ring matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan.”

“Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?”

“Ay, sa aba ko! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon? Ngunit htndi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya naglaho sa myong mga gunita ang pagkakilala sa akin…

“Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo’y makinig:

Ako ay ang Simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay ang siga ng “Santa Inkisisyon” na ginamit ng mga prayle para busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko’y napagkakaisa ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon;

Kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibangpook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng siyensiya; saan mang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sapang-aalipin at kabangisan.

Ang pangalan ko ay KALAYAAN.”

Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng ilang saglit saka nakapangusap:

“Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o kataas-taasang Kalayaan! papawiin ko angpighati na nagpapabalong ng labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba samga pagdaralitang aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!

“’Ako,’ sabi nila, ‘ay nagugutom,’ at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay tumugon:

‘Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag!’

“Sabi ng aking mga kapatid: ‘Ako’y nauuhaw,’ at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon:

‘Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nito!’

“Hibik ng aking mga kapatid: ‘Wala akong damit, ganap akong hubad,’ at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon:

‘Ngayon di’y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga tanikala!’

“Sabi ng aking mga kapatid: ‘Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon:

‘Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!’

“Sasabihin ng aking mga kapatid: ‘Kaunting pag-ibig, kaunting awa at kaunting lingap,’ at mabilisang tutugon ang mga may-kapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala:

‘Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!’

“Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang pagluha…”

“Dapat magdamdam at lumuha,” tugon ni KALAYAAN sa himig na nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita.

“Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay wala nang dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan.

Lumuhasasarilingtahanan.atsakatahimikan atkadiliman ng gabi ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para sa isang kabataan… hindi ito ang nararapat.”

“Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa.”

“Hindi lahat ng naugalian ay mabuti,” paliwanag ni KALAYAAN, “may masasamang kahiligan at ang mga ito’y dapat iwaksi lagi ng mga tao.”

Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag.
“Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring an gwasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot. Samakatwid, makinigka. Noong sinaunang panahon, noong ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan;

Tinatanglawan ng aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at nangakong luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kanya.

“Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad na bayan… at inalayan siya ng iyong mga kapatid ng papuri at halns pagsamba… at ako ay nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at… Umabot sa akin ang iyong mga hinagpis atnatigibako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo’y dapat na akong umalis kaya’t paalam na.”

“Huwag muna, Kalayaan,” pakiusap ng kabataan nang makita siyang tumalikod at nakahandang lumisan. “Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong pangangalaga?”

“Unawain akong mabuti, bagama’t hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may naririnig na dumaraing.

Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa.”

Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis…

Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.

29 Tugon leave one →
  1. 2007 Hunyo 1

    Mabuhay ang Kalayaan!!!

  2. 2007 Hunyo 9
    hydee permalink

    wala ba kaung pag-ibig ni jacinto?kelangan kc eh

  3. 2007 Hulyo 21
    bea permalink

    Dapat nating isapuso ang mga aral na ito dahil ito ay may patutunguhan….

  4. 2007 Setyembre 10
    kristyn permalink

    yeh!!it sounds lyk a lot of fun!

  5. 2007 Setyembre 10
    kRistyNpuRpLe16 permalink

    mabuhay ang sambayanang PILIPINO!!!! dpt nting alagaan ang ating kalikasan!

  6. 2007 Oktubre 5
    ara permalink

    meron ba kayo jang writings of emilio jacinto with with literary criticisms na rin? just need it! asap!=)

  7. 2007 Oktubre 7
    ara permalink

    if ever you have anything for me, pls sent it to my e-mail add at angel_eyes2777@yahoo.com. oct. 8 po ang deadline ko so i really do need any help. tahnk you very much!=)

  8. 2008 Enero 31
    Florendo,Maan B. permalink

    to otep,
    galing!!habang cnasbi q 2 ung pa lang quotation ung nbabasa q sa page n 2.naremember ko R-21 sa line na un,salamat at khit saglit napaalala mo sakin ang isang mgandang nkalipas….Godbless_

  9. 2008 Marso 11
    dominick permalink

    maganda ito bilang inspirasyon mo sa inyong buhay

  10. 2008 Marso 14
    chrlon james permalink

    yup yup yup

  11. 2008 Hunyo 15
    lolay permalink

    asan yung pag ibig ni emilio jacinto?????
    asn???????
    wala nmn ihh…??????
    naloloka na q ahh….
    nasan ba tlga?????>>>>>……

  12. 2008 Hunyo 20
    alexis permalink

    putangina nyo., wag nga kayong manlko ng tao.,
    tbs 2.,.,

  13. 2008 Hunyo 21
    jethro permalink

    wla naman ung pagibig ni jacinto eh..

  14. 2008 Hunyo 22
    cute asa permalink

    haba naman nun…

  15. 2008 Hunyo 26
    fides mae permalink

    hmmm….bat wala yung mga tula na nigawa niya??????
    tulad ng “ang pig-ibig”?????sayang need ko pouh kasi eh…well….ASTIG ANG MGA BAYANI!!!!!!!!!^_^

  16. 2009 Pebrero 11
    mommy permalink

    napagod ako sa pagbabasa!luv u emilio!

  17. 2009 Hunyo 8

    bk8 guh wla ung PAG_IBIG ni emilio jacinto????????????bbbbbbkkkkkkeeeeeeeeeeeeetttttttttttttt???????????

  18. 2009 Hunyo 11

    dapat nating tularan ang ating mga bayani dahil ginawa nila ang kanilang magagawa upang ipagtanggol ang ating bansa

  19. 2009 Hunyo 11
    WALA NAMAN permalink

    maganda ito bilang inspirasyon mo sa inyong buhay subalit wala UNG PAG IBIG NI JACINTO NA SANAYSAY

  20. 2009 Hunyo 12

    whahaha

  21. 2009 Hunyo 14
    emo permalink

    wala nman ang pag-ibig ni jacinto ahh?saan d2??????????

  22. 2009 Hunyo 15

    ahai ala ba kau kung cnu ung makulang ni emilio jacinto?

  23. 2009 Hunyo 15

    araw ng kalayaan n ung june 12 kaya ipaglaban ang kalayaan ng mga mamamayang pilipino….!!!!

  24. 2009 Hunyo 17
    James Elvin R. Hizon permalink

    ahmmmm wala po ba ung PAG-IBIG by EMILIO JACINTO

  25. 2009 Hunyo 18

    haist wala bang “ang pagibig” ni emilio jacinto???..

    kung anO kaiLanGan uN anG waLa kaYu!!!

  26. 2009 Hunyo 21
    eRRol permalink

    hump!…..
    wala bang
    ang pag ibig
    ni emilIo?
    hump!?
    post naman kau!….

  27. 2009 Hunyo 23
    annie marie luie permalink

    ahhh… kung sa panitikan oo ito ang maaaring pagkuhaan ng impormasyon ngunit kailangan ang sinasaad dito ay puro katotohanan lamang….

  28. 2009 Hunyo 24
    vivian vasquez permalink

    ang ganda naman nito cguro babae ung nag sulat hehe joke!

  29. 2009 Agosto 6

    sino pong mabait jan at sabihin sa kin ung mga interesting things bout sa life ni emilio jacinto at kontribusyon niya sa ating bayan????? please

Mag-iwan ng Tugon

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Magpahatid sa punang ulat ito sa pamamagitan ng RSS