*I-Witness’ Scrapbook
sa akong addictfan ng “i-witness” pero impokreto ako kung sasabihin kong lahat na ng episode nila ay napanood ko na. High school student ako nang magsimulang ma-adik sa nasabing programa. Hindi kasi ako agad makatulog tuwing hating gabi kaya siguro lagi akong nakakapanuod at dahilan para hanap-hanapin ito ng aking mga mata at tainga.
Hindi ko lang lubos maisip na sa kadami-dami ng mga programa sa GMA7, isama mo rin ang kabilang istasyon tuwing hating gabi ay sa i-witness talaga ako lubos na tinamaan. Mayroon namang pinoy abroad noon na 100% pinoy na ngayon, emergency, reporters’ notebook, debate na palaban na ngayon at marami pang iba.
Sa katunayan gumawa pa ako ng scrapbook na pinuno ko ng mga larawan kaugnay sa nasabing programa. Hindi pa ako nakuntento at nagpa-autograph pa sa mga hosts na sina Sandra Aguinaldo, Kara David, Jay Taruc, Howie Severino at Raffy Tima na ngayon ay anchor ng balitang hali sa Qtv channel 11 (kaya siguro nawala na s’ya sa i-witness.
Lahat ng Hosts astig!
Si kara na laging nagbibigay ng alaala sa mga nanunuuod at lagi akong napapa-iyak sa mga dokyu n’yang “gamu-gamo sa dilim”, “taghoy sa sinapupunan”, “buto’t-balat” na nag-uwi ng karangalan sa Asian TV Awards at napakarami pang iba.
Si Jay naman na tipong iaalay sa piligro ang kanyang buhay para sa makatotohanang dokyu na pinapakita talaga kung anong realidad mayroon ang buhay. Tulad sa “basurero” na tumikim pa ng “batchoY”-kung hindi ako nagkakamali ‘yun ang tawag sa mga tira-tirang pagkain ng puwede pang pakinabangan. At sa “gutom” na nagpaka-gutom talaga s’ya (Astig!)
Si sandra Aguinaldo na para sa ‘kin ay isang femenista sa mga dokyu n’yang “sirkera” (tumikim pa ng apoy). “pinay CSI” na nagtanim at nagpasabog pa ng bomba?. At ang pinaka-latest na nag-uwi ng gintong karangalan mula sa kakatapos pa lang na NEw York Festival -ang “Boy Pusit” Karangalan na naman sa bansa isa kang bayani Aguinaldo!
Si howie na may kakaiba ang mga napipiling dokyu na iisipin mo na puwede pa lang gawing dokyumentaryo. Tulas ng “sa ngalan ng pangalan” na nagbigay sa akin ng aral, Sa “Durian” na lubos kong kinagiliwan, Kahabaan ng “EDSA” na kanyang nilakbay na feeling ko kasama akong naglalakbay habang nanunuod at napakarami pang iba.
Isa sa mga pinaka-gusto kong dokyu na nagawa n’ya ay ang little badboy” na ilang beses ko nang napanuod na patungkol sa buhay ni Rizal at sa mga naging kasintahan n’ya kabilang Si suzanne sa Europa. Sa totoo n’yan ginupit ko pa ang anunsyo n’un sa pahayagang Libre para isama sa ginagawa ko noong scrap book.
Si Raffy na hinding-hindi ko malilimutan kahit wala na s’ya sa i-witness. dahil s’ya ang unang pumirma sa scrap book ko. Marami rin s’yang nagawang dokyu patungkol sa mga eatas. Kung hindi ako nagkakamali kadalasan sa mga dokyu n’ya ay patungkol sa mga tribo o katutubo. Naalala ko pa ang huli n’yang dokyu sa i-witness ang “peste”.
May mga dokyu din ang i-witness na hindi sila ang nag-host tulad ng “ABAKADA ina” no Reah Santos na nakakuha ng karangalan sa Star Awars for Televisyon. Napatunayan ko na iyakin pala talaga s’ya hindi lang dahil sa pag-iyak n’ya sa loob ng dokyu pati na rin sa pagtanggap ng awards.. ahuhuhuhuhu..
Naaalala ko rin si Tina Panganiban-Perez sa dokyu n’yang “Pamana” kung saan, kung hindi ako nagkakamali iyon ang kaunaunahan n’yang dokyu sa i-witness. May isang bagay doon na hindi ko malilimutan ang -arinola.
At naaalala ko rin ang presensya ni Vicky Morales sa dokyu n’yang “Dalaginding” patungkol sa mga bading na sa murang edad ay lumalantad na.
At syempre di rin papahuli ang partner ni Vicky na si Arnold Clavio. Nagkaroon na rin s’ya ng dokyumentaryo sa I-witness at pinamagatan itong “Gagamboy” patungkol s’yempre sa pagsasabong ng mga gagamba. (kainggit nga nung camera n’ya eh)
Sa ibang banda, Bakit nga ba ako gumawa ng Scrap book?. Simple lang naman eh, ito lang ang paraan ko para mag-pasalamat sa kanila sa mga aral na naituturo nila sa’kin at tatak na lubos-lubusan kong paghanga sa kanila bilang mamamahayag.
At higit sa lahat ito na lang ang paraan ko sa naunlot kong pangarap na maging tulad nila. sa pamamagitan kasi nito para ko na ring naabot ang pangarap ko.
Marami man akong naririnig na hindi maganda sa pandinig na ukol sa aking ginagawa wala akong paki-alam dahil masaya ako dito.
Inggit lang sila.
Mabuti pa ‘yung babaeng lumapit sa’kin sa Mega Mall noong nanood ako ng Sine Totoo 2006 pagkatapos kong magpa-autograph kay Ivan Mayrina. Sabi n’ya sa ginawa kong ito isa daw akong tunay na Kapuso. hekhekehkehekeh.
Mabuti pa ang mga taong hindi ko kilala naa-preciate ang gawa ko hindi tulad ng malalapit kong kaibigan.
Sa ngayon patuloy pa rin ang pangungolekta ko ng mga abubot ng I-witness, mapa-pin man na nawala na (kainis) t-shirt (na naninilaw na kakasuot) at DVD na pinag-iipunan ko para mabili ang lahat ng volume…
Patuloy pa rin ang pangha-hunting ko sa mga GMA Reporters para makuha ang kani-kanilang autograph.
At ngayon, nangangarap na sana maka-gawa din ng dokyu balang araw tulad ng dokyu nila na nag-iiwan sa’kin ng mga aral na hindi ko natutuhan sa paaralan, mga bagay na nagmumulat sa’king kaisipan sa totoong realidad meron ang buhay at mga inspirasyon na pinang-hahawakan ko sa pang-araw-araw.














yabang moh,,,
yeah thanks lols.
ASTIG!
Pag-butihin mo pa ang koleksyon mo.
yeah.. baka ikaw meron? pahingi
)
Kuya, HAyaAN MU LNg mga ta0ng naiinGgit sau. Parehas ata tau ng pagkatao. Sobra.
Tama! Tama! inggit lang sila
isa akong adicfan ng i-witness at reporters notebook, jan ako saludo sa GMA, pero madalas hindi ako nakakapanood dahil medyo alanganin ng kung ipalabas ito sa telebisyon kaya….
sorry po… (sa Quiapo na lang ako bumibili)…
hala. bumibili ng pirates! nyahahahaha..
ako collection ko talaga yung dvd nila astig kasi yung mga docu sarap ulit-ulit, at talaga namang may mapupulot kang aral.
karagdagan pa, madalas akong pumipila sa sinehan taon taon tuwing magpapalabas ang i-witness sa mga mall “the Best of I-Witness” mula megamall gang gateway cinema… pero iba ung dokyu ni kara david na
“MGA ANGHEL SA DAPIT-HAPON” sobrang luha ang naibuhos ko para don…
talaga? bakit hindi tayo nagkikita?
ako wala pa akong absent, mapa docu fest, docu seminar, autograph signings.. dvd launching.. etc..
ops.. baka masabihan na naman akong mayabang
nyahahahaha
adik lang talaga sa i-witness..
……………….. pano po aku …. mkakuha… ng AKOMISMO… neclace…. pki rplyn nlng po aako ng maayox….
salamat….
una sa lahat addict ako sa iwitness, pangalawa jessica soho, 3rd ay Reprters notebook, ofw diaries, cased unclosed tas news on Q. wala lang talaga akong chance makapanood sa sm at makabili ng dvd as collection kasi dito ako sa lugar ng mga mababahong tao (pwera pinoy!)ang dubai
hay tama ka napakaganda ng mga docu ng GMA.. dahil dyan ang wish ko lang ay matupad mo ang pangrap mo na makagawa ng sariling docu.
gusto mo kay cesar apolinario? hehehe, kaso hindi naman ata sya documentarist eh. rather, a director/reporter.
walang tatalo kina raffy and howie, napaka kombinsing nila magpresent ng dokyus eh.
ay i love it! idol ko si howie sobra
pano mag register sa ako ang simula???? ito na siguro ang time para maki alam na tayo sa atng bansa
hello…napaka nice naman ng pagshare mo ng mga napapanood mo …kapuso aq pero d ko napa2nood ang i-witness pero ng mabasa ko yung mga cnulat mo astig ahh…pwede k rn cgurong mgng reporter…fan mo na ata aq nbilib naman aq sa mga ginawa mo..astig mo pare ahh..hehehe..hmmm pg patuloy mo lang ginagawa mo…im anne..cgeh tc…godbless…1000 pogi point^_^k skin..hehehe..=)
cnu b ung john?.. hmmm sikat kana talaga cguro..mukang madami ng insecure sayo ah..hehehe^_^
galing poh aah..