Kuwentong Katatakutan
ZIGZAG
September 11, 2007
Itago n’yo na lang ako sa pangalang Otep, isang ordinaryong mag-aaral na may kalokohan at bisyo din sa isang pampublikong paaralan sa Maynila, na may kakaibang karanasan na nag-iwan sa akin ng lubos na katanungan at katatakutan. Ganoon pa man wala akong pinagsisisihan kung bakit ko ito nasaksihan.
Ikalawang lingo noon ng November 2006 sakay ako ng pamapasaherong dyip biyaheng pa-Alabang. Pabalik ako sa boarding house na tinutuluyan ko sa Pandacan, Manila mula sa mahigit isang linggong bakasyon sa Cavite matapos ang unang semester.
At gaya ng tulad mong pasahero, hindi na iba sa atin ang makakita ng tulog sa loob ng sasakyan. Madalas isa rin tayo sa nakakatulog dahil sa haba at nakaka-inip na biyahe. Noong araw na iyon, nagawa ko ang ganoong sitwasyon subalit sa nakakakilabot na pangyayari –isang panaginip na aakalain mong totoong nagaganap. Sa parehong sitwasyon din ang pangyayari, sakay daw ako ng pamapasaherong Dyip biyaheng Alabang nang magising ako sa lakas ng busina nito. Pagmulat ng aking mga mata isang Truck ang tumambad sa harap ng sasakyan namin. Sa taranta ng aming Driver iniliko n’ya ito, subalit sa sobrang kalituhan bumanga kami sa mga halaman at madamong gilid ng kalsada at tuluyang rumagasa pababa ng bangin. Nagpagulong-gulong daw kami kasabay ang mga nagsisigawang pasahero.
“arrrayyy.., tulongg…, saklolooo”
Nang mahipo ng Jeep ang mabasa-basa at mabatong ilalim ng bangin sinundan ito ng malakas na pagsabog. Ang pagsabog na iyon ang s’yang gumising sa’kin sa katotohanan na isa iyong bangungot. Pero tila napaka-hirap paniwalaan na hindi iyon totoo… ang mga sitwasyon!…at lugar ng pangyayari!…parehong-pareho!… Pawis na pawis ako noong mga oras na iyon tila imposibleng mangyari na lumatak ang mga pawis mo sa ganoong kadami lalo na’t madaling araw iyon at napaka-lamig ng hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan. Hindi ako mapakali, natataranta kaya nagawa kong sumigaw ng napaka-lakas. Mas lalo na ng malaman ko na malapit na kami sa Zigzag -ang pinangyarihan.
“Manong para po!… Manong bababa ako!”
Huminto ang sasakyan at natatawang tinatanaw ako ng mga pasahero kabilang ang driver. Ang iba naman ay nagising sa kanilang pagkaka-iglip at nagbibigay na kani-kanilang reaksyon.
“sino naman kaya bababain n’ya dito.., eh wala namang nakatira dito..?”
Hindi pa ako gaanong nakaka-baba sa jeep, nakita ko ang kapwa ko pasahero na mag-asawa kasama ang kanilang anak na umiiyak, kung hindi ako nagkakamali nasa pito hanggang siyam na buwan ang edad ng bata nang maibulaslas ko ang ganito..
“’te paki-usap bumaba na rin kayo”
Tila susunod naman sa’kin ang babae ng buhatin n’ya ang bata sa aktong tatayo. Pinigilan ito ng kanyang asawa.
“baliw ka ba?!.. Adik ‘yun..wag mong pansinin”
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayri sa pagitan ng mag-asawa dahil humarurot na ang sasakyan.
Madilim ang parting iyon ng zigzag na pinag-babaan ko, pero hindi ako natakot na baka may mangyari sa akin, ang mas kinakatakutan ko na baka magkatotoo ang panaginip.
Nanlalamig ang buo kong katawan na may kasamang panginginig. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong namumutla ako sa takot.
Minuto din ang hinintay ko bago dumating ang sumunod na Dyip na biyaheng pa-Alabang din. Agad-agad akong sumakay sa sasakyan katabi ang Driver at isang pasahero nito sa harapan. Ilang sandali lang matapos lumiko ng pakanan ang sasakyan may pumarang mag-ina. Hindi ako nagkakamali na sila mismo ang nakasabay ko sa Dyip na sinabihan kong bumaba na.
Samantala, sa kasamaang palad hindi sila pinansin ng driver at nakasakay sa dyip sa kadahilanang punong-puno na ang loob ng sasakyan. Naawa ako sa mag-ina at na guilty sa nagawakong kabalastugan. Kung hindi ko sila binulabog sana wala sila sa ganoong lugar.
Ganoon pa man, labis ang pagtataka ko kung bakit hindi nila kasamang bumaba ang asawa nito. Ganoon na ba kasama ang lalake para pabayaan ang kanyang mag-ina sa ganoong kadilim at kadilikadong lugar?
Hindi pa rin mawala ang bagabag sa’king kaibuturan noong mga oras na iyon. Habang binabagtas namin ang ma-kurbang daan.. isang malakas na pagsabog mula sa bangin ang gumuluntang sa’min. Tuluyan na nang umagos ang naiipong likido sa aking mga mata sa sobrang hilakbot.
Totoo ang panaginip! Totoo ang nasaksihan ko! Mga salitang sa isip ko lang isinisigaw habang tulala at habang naparalisa ang biyahe ng ilang saglit. Nais tumulong ng mga pasahero, ang masaklap lang hindi nila magawa sa kadahilanang malalim ang bangin. Ang truck naman na kapwa napahinto ay maya-maya ay umandar ang makina at lumayo.
Walang naka-saksi sa aksidente kung ano ang tunay na nangyari bukod sa truck na salarin at sa sarili kong panaginip.
Nakauwi naman ako ng matiwasay sa boarding house ni-walang paso o gasgas sa balat, taliwas sa nakaka-pangilabot kong napanginip. Noong araw na iyon pinilit kong huwag munang pumasok sa unang araw ng second semester.
Buong araw akong natulala at habang naghihintay ng balita sa telebisyon ukol sa aksidente.., ay nabalitaan kong ni-isa sa mga pasahero ay walang nabuhay o kahit naisugod man lang sa ospital. Ni-isa rin sa mga kamag-anak ko ay walang nag-alala na baka isa ako sa nadamay sa aksidente. Pero naiintindihan ko kung bakit dahil ugali ko nang mag-text pagkarating na pagkarating ko pa lang sa Maynila.
Wala akong pinag-sabihan ng kuwentong ito bukod sa kausap ko sa panalangin dahil alam kong walang maniniwala.
December 2006 ng muli akong umuwi sa Cavite para sa Christmas Vacation. Hindi ako makapaniwala na magpa-hanggang ngayon ay nabubuhay pa ako at nakaka-usap ko pa sila. Niyakap ko ng mahigpit si Mama pagkarating ko at nagpasalamat na may kasamang paghingi ng tawad. Nagtaka silang lahat dahil hindi iyon gawain ng estudyateng tulad ko.
“o.. bakit may nangyari ba?.. naku may lagnat ka ba? -nangingiting winika ng mama ko. At sinabayan ng tawa ng mga kapatid kong first time akong nakita sa ganoong akto.
January 2007 nang bumalik ako sa Maynila. Sakay pa rin ng dyip dahil wala namang ibang sasakyan bukod doon, kung mayroon man ay napakalayo. Sa ganoong araw pa rin ng lunes, papasok sa unang araw ng pasukan sa eskwela ngayong taon.
Dilat na dilat kong ibinayahe ang mga mata ko at tila may pobya na sa paghimbing sa loob ng Jeep. Papasok na kami sa zigzag noon malapit sa pinangyarihan ng aksidente nitong nakaraang taon. Nang makaramdam muli ako ng hilakbot na triple na ngayon.
May pumarang mag-ina sa sinasakyan naming Jeep pero tila ako lang ang nakakakita. Maluwag ang loob ng sasakyan, kasya ang walo hanggang sampung katao. Subalit hindi ito pinansin ng driver. Naiiyak ako noong mga oras na iyon at tila nais kong mabaliw, Lumiko ang dyip at muli ko silang nakita, ayoko silang tingnan pero lubhang namamagnet ang mukha ko palabas ng bintana para tanawin sila. Nakakatakot ang kanilang anyo duguan at humihingi ng tulong. Muling lumiko ang dyip pa-kanan at muli ko na-naman silang natanaw mas nakakatakot dahil inaagnas ito at patuloy na humihingi ng tulong, mas lalo na nang lumapit sila sa mukha ko pa mismo.
Wala akong magawa noong mga oras na iyon, hindi ko naman magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa pobya na baka makatulog. Nang makalabas kami sa Zigzag abut-abot ang pasasalamat ko dahil kusa na silang nag-laho.
Sikat na ang araw ng makarating kami sa Alabang, pinilit kong magpaka-normal mahirap man magpatay malisya na parang walang nangyari.
Simula noon hindi na ako dumaan pa sa zigzag ng Governor’s Drive ng Cavite at mas pinilit na daanan ang mas malayo pauwi man o pabalik.
Hindi ko alam kung naging malas ang aking kakaibang karanasan o mapalad dahil sa pangalawang pagkakataon na ipinakaloob sa akin.
Siguro nga hindi ko pa oras, maswerte lang talaga ang mga taong tulad ko na nabibigyan ng pagkakataong humingi ng kapatawaran sa mga taong mahal at mga taong alam kong nasaktan ko. Kumpara sa mga taong binawian ng buhay sa hindi inaasahang pagkakataon na magpahanggang sa ngayo’y hindi pa rin natatahimik ang kanilang mga naliligaw na kaluluwa.
***














ang galing naman. naaliw ako.
sige mag kukwento pa ako sa’yo para mas maaliw ka lalo
ang ganda promis natakot ako pero parang bitin……..isa pls……………..
salamat
sige magsusulat ako uli, ito naman kuwento naman nila
ang alam ko, hindi ka na pwedeng makipagusap sa mga namatay na kasi nga…. dedo na sila. oh well, nice one tol.
Hindi mo ba naisip na kaya nagkatotoo ang aksidente, dahil sa ‘yo na ring sariling kagagawan? Bumaba ka kasi kaya nagkaroon ng delay ang jeep na naging dahilan para magpang-abot ito at ang nakabangga dito. Opinyon ko lang. Bwahahaha!
ganda ng kwento.. haha..

pwede pang porn movie.. haha.. joke lang..
smile na lang..
sana hindi na maulit pa yun.. scary eh..
ewwwwwwwww hindi nakikilabot ang iyong kinukwento ang pangit ewwwwwww
nice one..
i like it!
.,♥♥ i like it.,.,.,.
Siguro paraan ng mga kaluluwa ng mag-ina na isalba ang bukay mo kaya sila nagpakita sa panaginip
grbe nmn yung karanasan mo sobrng nakktkot
pro tnx god kz buhy kpa
nice story ah!
okie yan,,
nagkaganyan n rn me.
ang ganda ng kwento mo
parang hinde totoo
joke lang ang ganda nga ehhh
oooohhhh nga ang ga
nda nang kuwento
nyo poh nakikilabot
galing poh ng kwento nu..
kahit akoh medyo natakot..
good work poh!!!
ui otep yuhoooooo..
wow!.. nbsa coe nha toe xa buk23 hehe.. :] qaw pfala nksulat nun.. ung magina cla ung cnbihan mue nha bumba xyang dpat d cla kxali.. :]
xulat kpa:]
hehe.. :]
grabe tol tumaya balahibo kow..
nakakatakot talaga..
parang totoo
ang ganda ng kuwento…..nakakatakot talaga…… alam mo pa ang tawag dun?…..premonition…..pwedeng pangdagdag sa final destination na movie….diba?