Tag Archives: 13th Month Pay

SA BAGONG TAGPUAN


Ngayong kapaskuhan, season na ring maituturing ang bigat ng trapiko sa ating mga kakalsadahan. Ganoon din ang hirap sa pagkuha ng Taxi sa mga lansangan. Indemand kasi ang mga Taxi ngayon, hindi lang dahil sa madaming nangangailangan kundi dahil marami ding kumpanya ang namudmod ng pera o bonus ngayon kapaskuhan -13th month pay. Ibig sabihin, bakit ka nga naman makikipag-gitgitan sa mga tren at makikipag siksikan sa mga bus at jeep kung may pang Taxi ka naman di ba!?

Ang masaklap lang, madami talagang mga abusadong driver na hindi makaintindi kung bakit tinatangkilik ng ilan sa atin ang paggamit ng Taxi sa kabila ng mahal na pamasahe o singil dito.

Tandang-tanda ko pa noon, noong minsang nagkasakit ako at kinakailangang umuwi ng maaga para makapagpahinga. Tatlong beses yata akong tinanggihan dahil nalalayuan daw sila. Ang masaklap pa, yung pang-apat na huminto para isakay ako ay nagpapadagdag pa! putaness na yun! Sa sobrang inis ko nabalibag ko ang pinto sa pagsara ng Taxi sabay naglakad na lang papalayo.

Hindi naman ako galante, pero kapag nagbabayad ako ng Taxi kadalasan, hindi ko na kinukuha pa ang sukli. Kakainis! hindi na lang kasi maghintay ng biyaya, kung bakit kailangang magpadagdag agad sila!

Oo, kaintindi-tindi naman ang ginagawa nila dahil gusto lang naman nila kumita. Pero kalabisan lang talaga ang iba!

Pero isa na ‘ata sa hindi ko malilimutang kaganapan patungkol sa pagsakay sa Taxi ay noong minsang may nagpaunlak sa akin ng date. D.A.T.E! yun mga men! -D. A. T. E.! Ala-sais ng hapon ang usapan namin noon. Malas lang din dahil kapwa din kami ala-sais ang labas sa opisina. Ibig sabihin hindi dapat ako mahuli dahil nakahihiya kung siya pa ang mauuna.

Paglabas ko ng opisina nagngingit-ngit na kalangitan ang sumalubong sakin. Sumunod agad ang sunud-sunod na malalaking patak ng ulan at mabilis na pag-apaw ng tubig sa gilid ng daan. Kinabahan ako lalo na’t parami na nang parami ang nakikita kong pulang likod ng mga sasakyan -bumibigat na ang traffic men!.

Natanaw ko ang Taxing may ilaw ang ulunan ibig sabihin wala itong sakay. Pinara ko ito. Alam ko na ang magiging kalakaran kahit hindi ko pa nabubuksan ang pintuan.

sabi ko sa isip ko “kahit magdagdag pa ako ng 500 papatusin ko na ‘to makarating lang sa tamang oras” (yaman! joke lang “date” yun e!).

Nagpasikot-sikot ang taxi para takasan ang traffic. Madami kaming nadaraanan na kumakaway at pakaway-kaway na tila isang celebrity ang sakay nito, kakaway nga rin sana ko. lels. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko noon sa loob ng taxi dahil alam kong naghihintay na iyon (malapit lang kasi sa office nila yung meeting place namin). Gusto ko nga sanang itext pero naalala ko yung huli naming napag-usapan sa text.

"malapit na akong ma-empty bat.
naiwanan ko yung charger ko.
kita na lang tayo sa sa ilalim ng tulay"

Kaya useless kung ititext ko pa s’ya, hindi nya rin  naman ito mababasa.

Nagulat na lang ako sa sumunod na aksyon ni kuya.

“boy pakarga lang ako, baka hindi tayo umabot”

“Putang ina mo manong!”  napamura ako sa isipan ko. “Kung kailan ako nagmamadali doon ka pa magpapagasolina” -bulong ko.

Wala akong magawa kundi paganahin ang mga daliri ko na tila nagpa-piyano habang hinihintay si Manong sa pagpapakarga.

Inis na inis ako ng mga oras na iyon. Alam kaya n’ya kung bakit ako nag Taxi?

Mas nainis ako noong nakita kong nakikipag kwentuhan pa sa kapwa driver nya.

Hindi ko maipinta ang mukha ko noon, nababakas ko ang mukha ko sa salamin na tila lumuluha dahil sa mga patak ng ulan na dumadampi sa salamin.

Noong natanaw ko na ang lugar kung saan kami magkikita ng ka-date ko,  agad akong pumara at nakasimangot na nagbayad.

Nagtatakbo ako kasabay ng mga tilamsik ng tubig sa paanan ko. Habang nasa ulunan ko ang bag na ginagawa kong panangga sa ulan. Halos Naghahabol ako ng hininga noong natunton ko ang ilalim ng tulay. Nakadama ako na katahimikan habang unti-unting binabalot ng kadiliman ang kapaligiran.

Magkahalong kalungkutan at panghihinayang ang bumalot sa katauhan ko noong mga oras na iyon. -Hindi ko na naabutan ang katagpuan ko.

Habang pinakikinggan ko ang malungkot subalit napakasarap na himig ng patak ng ulan, nilatag ko ang kamay ko sa ulan at tila nais kong salain ang tubig. Gusto ko sanang itong mahawakan  at sa pagkakatiklop ng palad ay makulong ko ito.

Nasandal ako sa batong pader ng tulay at doon naiapak ko ang kaliwa kong paa habang nayuyuko. Para akong basang sisiw noon habang tumutulo ang basang- basang buhok ko.

Maya maya nakadama ako ng pagpatak ng ulan, -ulan sa lilim ng tulay?. Nagtaka ako ganoong nasa lilim naman ako.

Napalingon ako sa kaliwa. “Kanina ka pa!?”

Hindi ko nakikita pero nangislap ang mga mata ko. Nangiti ako at winikang “Hinnndi kadarating ko lang medyo nabasa lang hehe”

Napaka O.A. ko noong mga oras na iyon, salamat na lang sa ulan at hindi nabakas ang mga mata ko.

“Sorry na late ako, may inutos pa kasi si boss ko” aniya.

“Akala ko kasi nauna ka na” wika ko.

“Ano ka ba? di ba may usapan naman tayo na ano mang  mangyari ay maghihintayan tayo.. di ba?”

Naasiman ako sa tagpong iyon. Umaabot sa tenga ang ngiti ko.

Ilang sandali din kaming hindi nag-imikan, nakangiti naming pinakinggan ang mga awit ng ulan.

Ngayong “wala” na kami, basta maalala ko lang yaong mga tagpong iyon nangingiti na lang akong bigla. Wala akong maramdamang kabitter-an, Dahil alam kong lahat ng bagay ay nakapaghihintay.

—-

Hindi man kami umabot ng aniversaryo, ang poste namang ito ay lahok sa patimpalak sa pagdiriwang ng ika-apat na taong aniversaryo ng pagbablog ni Gasoline Dude™ at nais kong manalo ng 1TB Portable Hard Drive!


GUSTO KO LANG… MAGULO… HEWAN!

Naiipon lahat ng naiisip ko ngayon.

.

.

.

.

Naiinis dahil pa rin makawala sa nararamdaman ko.

.

.

..

Naiiyak, naglalakad ng walang pupuntahan, gumigising isang tanghali wala namang pinagkaiba noong naraan.

.

.

.

INIS.

Halos dalawang linggo nang tumatagal ang application ko sa punyetang SUN CELLULAR na ‘yan para sa mobile post paid. Naka anim na tawag na ako sa hotline nila pero wala namang naitutulong sakin. iba pa yun sa halos apat na araw na pinabalik balik ako para makumpleto ang requirements ko.

naiinis ako, sana hindi na lang ako nag apply hindi pa ako napupurwisyong naghahantay sa wala.

Kaya napagpasyahan ko nang pumunta sa SM Manila Branch ng SUN SHOP para tanungin kung anong problema. For compliance daw dahil wala daw sumasagot sa binigay kong contact number na mga relatives ko.

Puta nila! edi sana tinawagan nila ako noong mga panahong tumatawag ako sa hotline number nila mula martes hanggang sabado.

Parang pag-ibig din pala ‘to. para kang naghahantay sa wala, parang mas mabuti pang sinabi nilang disapprove edi sana hindi ka na umasa at tumawag araw-araw para tanungin kung anong problema na ang tanging sago nila “sir pahingi mo ng kontak number n’yo tapos wait kayo within 24 hours. Puta ba sila? hindi ba nila alam kung nakailang 24 hours na ko naghihintay?

Doon mo mapapatunayan na kahit anong dada mo, kung hindi naman nila gagawan ng paraan-useless!. Kaya pinul-out ko ang requirements ko at inapply sa ibang branch.

Nakakainis! kumpleto na daw requirements ko maliban sa “compliance” na tinutukoy nila, hindi daw nila matawagan bakit natatawagan ko?

.

.

.

.

.

AKSIDENTE

Nakaraan kamuntikan na akong madiskrasya sa Jeep na sinasakyan ko. Sa harapan kasi ako nakasakay. May biglang tumawid na nagbabike, ayun Sapol!

kala ko nga nagulungan.

.

.

Sa lakas ng pagkakapreno sumapol ako sa bakal malapit sa salamin, halos dumikit ang dibdib at mukha ko at nagasgasan ang kamao ko na di ko marawi kung paanong nangari.

buhay naman ang babae.. maliban sa mga gasgas at dugong nakita ko.

.

.

Kinagabihan, sa PGH papatawid ako, ng biglang binuwag nang driver ng pribadong sasakayan ang Red light ayun, sapul ang motor na may dalawang sakay na sinusundan ko. Tumalsik silang dalawa. At kitang kita ang lakas ng pagkakabunggo dahil ang layo ng narating ng mga helmet nila.

Nakatayo naman ang may angkas pero hindi ang nagmamanahe ng motor.

Advantage nalang siguro nila dahil sa harap sila ng ospital na aksidente.

.

.

.

Ang buhay nga naman, isang napakalaking supresa. Kahit anong ingat mo, kung hindi naman ang iingat ang ibang tao. wala din.

Sabi nila wala naman daw talagang aksidente, nagkataon lang ang lahat, totoo kaya yun?

.

.

.

.

.

HALA! LAKAD SIGE!

.

Lagi na lang ako naglalakad hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Siguro hangga’t may barya at  may laman ang SV Card ko sa LRT makakarating pa rin ako kahit saan.

Pero kahit anong iwas ko sa aninong iniiwasan ko, lagi pa rin itong nakabuntot. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang kasalan ko kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko.

Biktima lang naman ako na nararamdaman ko.

Lakad sige, minsan naglalakad ako habang nakayuko napapansin ko na tiklop ang mga kamao. Wala naman akong susuntukin pero nakararamdam ako ng galit, hindi ko naman alam kung kanino.

Lakad sige, minsan naglalakad din ako pero para bang may hinihintay akong makasalubong, hindi naman yung iniisip n’yo. Pero gusto ko yung hihintuan ako tapos kukuwentuhan ako, yung tipong maaalis ko ‘to kahit panandalian lang -yung dinadala ko. Sa ganoon maka bawas man lang ako.

Kaya ayoko sumasapit ang sabado at linggo dahil nababaliw ako.

.

.

.

.

.

GINIGINAW… MALAMIG

.

.

Desyembre na talaga.. pero ayokong dumating ang pasko. Gusto ko lang makuha ang 13th month na inaasam-asam ko pangdagdag sa bibilhin kong laptap.

.

.

.

Naiisip ko kasi sakaling makabili na ako nun, para gugustuhin ko na lang malumpo. mauupo habang nililibot ko ang imahinasyon ko sa mga pook sapot.

.

.

Naiisip ko na rin, maisusulat at mailalabas ko na ang mga naiimpok na mga salita sa isip ko na hahantong sa pagbuo ng manuscipt.

.

.

.

bubuuhin ko na ang nobelang matagal ng nakasuksok dito, huhugutin ko na lang at pag nangyari yun makakawala na rin ako. Dahil maibu-bulaslas ko na ang hapdi, kirot at sugat ng nakaraan ko.

.

.

.

napakalayo pa, pero sobrang excited na ako sa mga magaganap.

.

.

.

Pangarap? masakit din pala minsan. :(


%d bloggers like this: