Yeah.
Sa kadahilanang pangarap ko talagang maging mamamahayag noon pa man (sa maipapaliwanag na dahilan) nahilig talaga ako sa mga palabas na ang karakter ng mga bida ay reporter.
Marami na rin akong mga napanood na pelikula tulad ng BRUCE ALMIGHTY ni Jim Carrey. Si Bruce ay isang reporter pero dahil isang pangyayari ay nagawa siyang mapatalsik sa network na pinapasukan n’ya, dahilan para sisihin n’ya ang mga bagay-bagay. Sa kabilang banda, naging dahilan din ‘yon upang ipa-subok sa kanya na maging Diyos at sumagot sa lahat ng panalangin ng mga tao.
Sa kadahilanang s’ya na nga ang Diyos, lahat ng naisin s’ya ay nasusunod, pagkakaroon ng magarang kotse, ang pagiging news anchor, at marami pang iba. Tinagurian pa nga s’yang Mr. Exclusive dahil lagi s’ya nandoon kapag may malaking balita.
Noong una naging madali lang sa kanya ang lahat , pero sa pagdaan ng maraming araw unti-unti na rin n’yang napagtanto na mahirap pala ang maging Diyos.
Ang aral lang siguro sa kanya at sa lahat ng manonood, hindi lahat ng gusto na’tin ay pwedeng mangyari o matupad, at sa sitwasyong natupad lahat ng gusto na’tin, DIYOS KO PO! malaking problema. Tulad sa nasabing pelikula lahat ay humihiling na manalo sa lotto ayun ni-”YES” lahat, edi nanalo nga ang lahat.
(panoorin nyo na nga lang) lols.
Isa pa sa mga napanood ko na may kaugnayan sa pagiging reporter ay ang LIFE OR SOMETHING LIKE IT ni Angelina Jolie. Si (Lanie) ay isang reporter din.
Sa isang interview sa Lansangan, nakadaop-palad n’ya ang isang pulubi na nakakahula ‘di-umano ng mga mangyayari sa hinaharap… sa dulo ng kanyang interview hinulaan n’ya din si Lanie na kaunti na lang ang ilalagi n’ya sa mundo, (in short) mamamatay na s’ya
Hindi naman ito pinaniwalaan ni Lanie dahil (lalo na’t) sa isang pulubi nanggaling ang mga ganoong salita. Hanggang sa sunod-sunod na ngang nagkakatotoo ang lahat ng prediksyon. Kaya humantong na s’ya sa pagkalumo at paniniwalang maaari na nga s’yang mawala.
Sa tulong na rin ng kanyang cameraman na si Pete (Edward Burns) nakuha n’ya na itong tanggapin. Sa isang coverage na isinagawa n’ya sa mga nag-raraling mga driver nagmistula s’yang nasa bar na nagkakanta (na parang wala ng bukas) kaya nagawa nyang makuha ang simpatiya ng lahat ng viewers.
Nakakatawa lang dahil sa pagkakataong iyon ang nag-uulat ay siya ng nauulat ngayon. (in short uli) naging laman s’ya ng lahat ng balita.. astig!
Naging dahilan iyon para sa kanyang kasikatan (at sabihin na nating na promote s’ya) kaya napapunta na s’ya sa isang national television sa NewYork. Sa huli, matapos ang matangumpay na interview na sa kanya’y naisagawa noong araw na iyon ay nagpasya na lang s’yang bumalik sa dating local television kung saan s’ya unang nagtrabaho. Subalit sa kanyang pagkakababa sa bulwagang pambalitaan ay natamaan s’ya ng ligaw na bala. Happy Ending pa rin naman kasi nabuhay pa s’ya.
Hindi lang puro pelikula ang kinahiligan kong panoorin pati na ang ALL ABOUT EVE na korean drama -ang natatanging ASIANOBELA na nasimulan at sinubaybayan ko araw-araw.
Masasabi kong, ito ang pinaka-magandang dramang pangtelebisyon, ang bawat karakter, lokasyon, eksena ay talaga namang kaabang-abang. Dito ko talaga naranasan ang lubusang pagkainis sa isang karakter na si ERIKA -na para sa kanyang career, gagawin n’ya ang lahat makuha lang ito.

Kaya naman sobrang nakakatuwa na ire-remake ito ng GMA 7 sa Telebabad sa susunod na taon. Hindi ko lang alam kung sino si NICOLE at ERIKA sa katauhan ni SUNSHINE DIZON at IZA CALZADO. Masasabi kong magiging kaabang abang din ang partisipasyon ni AMOR POWERS (Eula Valdez) at JEAN GARCIA lols.
Sana naman gandahan nila at pahabain nila ang istorya, hindi tulad ng pagkaka remake nila ng MY NAME IS KIM SAM SOON.. (no comment).
Btw, hindi pa ako sigurado sa Pelikulang QUARANTINE (HORROR MOVIE) pero mukhang reporter din ang bida. Kaabang-abang.. papanoorin ko ito next week.
Napanood ko kasi yung trailer (Scary talaga). Minsan talaga lalong lumakalas ang loob ko na maging reporter pa rin. napaka-adventureous kasi.
Hindi pa naman tapos ang buhay ko kaya Libre pa ri mangarap Lols:D
Haayy.. wala na naman mag ko-comment ang haba ng post na ‘to
LIBRE LANG MAGKOMENTO













