<—- picture namin yan ni Mama, wala pa daw akong isang taon dyan.
Ilang beses ko na nakwento dito si Mama . Ewan ko lang kung naaalala pa ng ibang readers ko yung kwento tungkol sa TV commercial ng Clear Shampoo.
Ginaya ko kasi noon si Rain sabi ko.. “my name is Rain… “
maya-maya narinig ko na lang si mama noon … “my name is Nicole” haha.
lumagpak ako nun sa kakatawa. haha..
Nakuwento ko na rin dito yung tungkol sa mga nareregalo ko sa kanya tuwing pasko, silver na hikaw, silver na relo.. kaya natawa na lang ako noon nung binigkas nya ang “puro selver na lang, mukha na akong selver” haha..















