Tag Archives: emo

SAYANG

sayangSabi nila kung nagkataong maaaring maibalik ang mga araw na nakalipas, baka daw wala ng natutong mga tao. Sabi kasi nila kung ganoon nga ang magaganap  sa mundo baka daw umasa na lang tayo sa nakaraan at baliwalain na lang ang hinaharap.

Sabi din nila ang nakalipas ay nakalipas! kinakailangang nating bumangon para maabot ang pangarap. Pero paaano mangyayari ‘yun, kung ang nakalipas ay ang natatanging paraan mo para abutin ang pangarap?

Sa huli sa panghihinayang pa rin mauuwi ang lahat.

panghihinayang na lagi na lang nasa huli, puwede bang kahit minsan mauna naman ang panghihinayang? lols. :D

***

Kamakailan, napanood ko sa wowowee si Myrus yung semi-kalbo na RNB singer. dati ko pa s’ya naririnig medyo nakakarelate kasi ako sa mga tagalog song n’ya. Kamuntikan na nga ako bumili ng album n’ya noon, buti na lang anga-anga ang sales lady sa music store na napuntahan ko.

Biruin mo hinahanap ko yung CD ni Myrus, si Cyrus ang binigay sa’kin. Yay!. tapus nung inulit ko na si Myrus ang kailangan ko hindi nya daw kilala yun at wala silang ganung CD.

Payn!

May bago palang kanta si Myrus yung “Sayang” revival song n’ya mula kay Clare Dela Fuente.

Hindi ako nakadama na pag ka jologs habang kinakanta n’ya yun. astig! try n’yo minsan.

***

Ayun habang pinapakinggan ko yun medyo na-eemo ako, kasi naman kahit wala naman ang kinalaman yung kanta sa pinagdadaan ko, may mga bagay akong naaalala. (lakas lang talaga mag trip). Pero sabi nga nila by choice lang talaga kung bakit madalas akong dalawin ng lungkot

Syete ang sagwa!  pero kung maibabalik lang talaga ang nakaraan sana hindi na lang kaming naging “kami” siguro magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

Ang hirap kasi, gustuhin mo man o sa hindi, hindi na talaga maibabalik yung mga araw na una kayong nagkita.

Sayang talaga! Sayang! sayang! sayang!

Pero iyon lang ang maganda sa panghihinayang kasi natututo tayo, mas namumulat tayo sa katotohan, na minsan tayo rin ang nagkamali sa sarili na’tin.

Kaya pala ako nanghihinayang ngayon kasi nangangahulugang itong importante talaga s’ya sa’kin.


ANG GAMU-GAMO SA DILIM

Maulan ang gabi, mabilis akong nagtatakbo pauwi sa’min.

Sa bawat paghakbang ng mga nagmamadali kong mga paa,

katumbas nito ang mga tilamsik ng tubig.

 

Habang ako’y nakayuko at saklob  ng basang-basang panlamig,

‘di ko sinasadyang makabunggo sa dilim.

 

Ako’y humingi ng paumanhin, at sa aking pag tungo

nakita ko ang taong ni sa panaginip ko’y ayoko ng makita.

 

Natigil ako sa paghingi ng tawad,

tanging nagawa ko lang ay matulala habang patuloy ang patak mula sa aking mukha.

 

Mabuti na lang at maulan,

Kaya hindi nakita ang aking luha

 

Pilit akong naglakad ng palayo

ngunit paa ko’y gustong lumiko.

 

Naalala ko ang mga araw na kami’y magkayakap pa

kaya nais ko sana s’yang takbuhin pabalik pero ‘di ko nagawa dahil may kasama s’ya.

 

Ang mga dating nagmamadaling paa, ngayon tila napako na.

Pinagmamasdan ang kanilang mga hakbang palayo,

Habang akoy nababasa sa ilalim ng maliwanag na poste ng meralco.

 

Noong ako’y nasa pintuan na ng bakod, ako’y naupo

Wari’y natatakot sa maaring hatid na lungkot sa loob.

 

‘Di nagtagal nasilayan ako ni Inay

Ako’y pinagbuksan ng pinto at sinalubong ng payong

 

Sinabon ako ni Ina kung bakit daw nagdadala pa ako ng payong ganoong di ko naman pinakikinabangan.

Noon ko lang nalaman na mayroon akong dala.

 

Marahil sa ako’y lagi na lang wala sa sarili

at ginawang dahilan na ako’y tutok sa mga bagay bagay.

Kaya di ko na napapansin yaong maliliit.

Ginagawa ko naman ang lahat para makalimot

pero wala yatang epekto sa tulad kong,  ang tanging nagawa lang ay umasa.

 

Ayoko ng marinig ang pangaral ni Nanay, kaya pumasok na lang sa aking silid tulugan.

Napansin ko ang mga gamu-gamo sa liwanag na naguumpukan.

At malamang ako’y mainis dahil pati ako’y nilalapitan.

 

Pinatay ko ang ilaw.

at dahil doon unti-unti silang nag alisan.

 

Sa isang gilid ng aking silid

doon ako nagsisiksik at patuloy na nababasa

hindi ng patak ng ulan kundi ng patak ng luha

 

Naikumpara ko tuloy ang aking sarili sa isang gamu-gamo

na tanging liwanag lang naman ang gusto.

pero dahil tinaboy ko sila sa liwanag

wala naman sila nagawa kundi lumisan

 

Pero bakit ako!, kulang na nga lang ay sipain ako

pero ang nararamdaman ko’y tila isang preso

‘di makawala at kahit ako na mismo ang nagtataboy nito.

 

Ako’y isang gamu-gamong  nananatili sa dilim

dahil isa akong gamu-gamong tila nasunugan ng pakpak

kaya di na makalipad at makadaong sa panibagong liwanag

 

Biktima ako ng sariling kagagawan

Kahit noong una pa may ako’y napagsabihan

Sadyang nasilaw lang ako ng akala ko’y liwanag

pero nauwi na naman sa isang madilim at nakakalungkot na lugar :(


PANGARAP MO BA MAG-ABROAD?

PABATI: Hi! Best Friend Edison, kamusta naman Van?, zup! Gerry, hey! Lhon at elo Rai.

. . .

Yeah. sino bang tao ang ayaw mag-abroad diba?

Ang makapunta sa mga pinapangarap na lugar sa iba’t ibang bansa tulad ng Great Wall sa China, Safari, Las Vegas at kung anu-ano pa.

Pero sabi ko nga, bago ko muna mapuntahan ‘yang mga lugar na ‘yan, mas pipiliin ko munang puntahan at mapasyalan lahat ng magagandang lugar dito sa Pi’nas (kasama Bhe Bhe ko) tulad sa SAGADA, BATAD, CHOCOLATE HILLS, APO/DAVAO at marami pang iba.

Pero sa kabilang banda, ang pag-aabroad ay isang payak na salita na para sa karamihan na ang ibig sabihin ay pag paghahanap-buhay sa ibang bayan.

Nakakalungkot mang isipin pero realidad na ito para sa marami na’ting kababayan, na masakit mang tanggapin kailangan nila itong gawin para din sa kani-kanilang pamilya.

Hindi na rin iba sa’tin ang makarinig ng nakakalungkot na resulta sa pagbalik nila dito sa Pi’nas, mga halimbawa na lang nito ay ang mga napariwala nilang kapamilya, nalulong sa bisyo at kung anu-ano pa.

Wala namang ibang masisi kun’di ang kahirapan, at madalas ang pamamalakad ng mga numumuno sa ating bayan kung bakit ganito ang ating kinahahantungan.

Sa kabilang banda, bakit ko nga ba ‘to nailalahad.?

Nagpunta kasi kami ng Bhe Bhe ko sa Starbucks para mag kopee (malamang)

Ayun, marami kaming napag-usapan ukol sa mga bagay-bagay, pero hindi yun tungkol sa inilalahad ko.

Sa bandang likod kasi namin (medyo katabi ko) may isang babae (ang pretty n’ya) at lalake (wafu din bagay sila), nakakasiguro akong mag jowa ‘yon, ewan ko ba pero gumana ang ka-chismosohan ko, at nagawa kong palakihin ang tenga ko at idikit sa kanila. Napukaw kasi nila atensyon ko sa kanilang pinag-uusapan.

Mabuti na lang busy si Bhe Bhe ko kaka-PSP (Super Mario 3) kaya medyo naka-focus s’ya dun habang kumakain ako.

Ganito ang kanilang napag-usapan (Hindi ko ‘to gawa-gawa ha!):

Lalake: Mabuti ka nga nakatapos e’, ako hanggang high school lang.

Babae: paano yun wala ka ng balak mag-aral?

Lalake: Matanda na’ko no.

Babae: 22 (twenty-two) ka palang naman ha, may classmate nga ko before 32 na may anak na, pero nag-aaral.

Lalake: Kahit na, ako lang inaasahan sa bahay, may sakit pa si Nanay.

Babae: anong plano mo?

Lalake: Mag-abroad.

Natahimik ang Babae, Ewan ko ba, parang may kakaiba dahil natahimik din ako, although tahimik naman talaga ako that time, parang may malalim akong inisip.

Lalake: O’ ba’t natahimik ka?

Ngumiti lang yung babae pero halata ko sa mukha n’ya yung tinatawag na kalungkutan (Soooo emo)

Lalake: Sa panahon kasi ngayon, hindi ka aasenso kung wala ka nang pinag-aralan, high school grad. lang ako, yung iba nga college graduate pero nahihirapan pang maghanap ng trabaho.

Babae: Bakit kailangan mo pang umalis?, edi magbusiness ka na lang, may kakilala nga ako elementary lang yung natapos pero mayaman na ngayon.

Lalake: kasi ikaw nakapag tapos ka na, pagtanda mo wala ka ng aalalahanin pa. e’ ako, walang kasiguraduhan…. lalo na dito ka sa Maynila, hindi tulad sa Probinsya.

Babae: Oo nga daw, sa Province daw kasi basta marunong ka magtanim mabubuhay ka na.

Lalake: Parang ganun..

Natahimik na sila pareho.

Pati tuloy katahimikan ko napansin ni Bhe Bhe

Bhe Bhe ko: Magsalita ka naman

Ako: Sige lang laro kalang, sasabihin ko sa’yo mamaya kung san makikita yung 1-up.

Samantala… Napansin uli ni Lalake na tahimik na si Babae ng tuluyan.

Lalake: hoy, ang tahimik mo talaga.. nakarinig ka lang ng “abroad”, alam mo bata kapa kasi, balang araw maiintindigan mo din ako.

Hindi umimik yung Babae

Lalake: Alam mo matagal pa naman yun, saka kung gagawin ko yun, para sa’tin.

(infairness kinilig ako dun).

Pagkatapos kong kiligin, kinausap ko na si Bhe Bhe ko, baka hindi ko maKeri.. (madala ako) Nyahahahaha..

Haaaayyy… ako kaya mag-aabroad din?

Ayoko Maiwanan at mang-iwan :( emo

 


%d bloggers like this: