Tag Archives: Erik Santos

PATULOY ANG PANGARAP -ANGELINE QUINTO

Sabik na sabik akong umuwi ng Cavite nitong weekends hindi para makita ang mga pasaway kong nakakatandang kapatid, kundi para manawa ako kakapanood ng TV.

Wala kasing TV sa boarding house kaya ganun na lang ang sabik ko manood. :P

Pagkauwing-pagkauwi ko palang ng sabado ng gabi naupo na ako agad sa malambot naming sofa at doon nanood na ng jessica soho, tv patrol, talentadong pinoy at kung anu-ano pa. Noon ko nga napagtanto na nahihilo na pala ang TV sakin. hoho

Hanggang nakatulog na lang ako sa upuan namin.

Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko pa lang binuksan ko na agad ang TV, tamang-tama basagan ng panga ang naabutan ko Montiel vs. Donaire. Ayun panalo agad si Donaire sa second round, kitang-kita ko kung paano nangisay yung kalaban ni Donaire. kewl.

Hanggang gabi na akong nagpatuloy kakapanood ng TV. (sawaan talaga)

Syempre inantabayanan ko ang Star Power, hindi ko man nasubaybayan ito sa TV nasusubaybayan ko naman ito sa Internet.

Continue reading


%d bloggers like this: