Nitong linggo gutom na gutom akong lumabas ng bahay para makahanap ng makakainan (parang patay gutom lang). Hindi ko alam kung ano kakainin ko pero gusto ng may sabaw. Sumakay ako ng bus biyaheng pa-Quiapo mula sa Pandacan at doon sa SM Manila bumaba. Pagtuntong ng kanang paa ko sa lupa (semento pala) agad na nag hello sa akin ang Andok’s at tila nang-aakit na tikman ko ang Sinigang na baboy nila. Tamang-tama sa nanunoot at sabik sa sabaw kong lalamunan, kaya doon ko na lang napagpasyahang kumain.
Tag Archives: ewan ko
“KAPAG HINDI GUMANA ANG PLAN A, MAY PLAN B, HANGGANG Z KA PA!”
Kahapon halos 48 hours akong gising. 2 days na mulat din yun Men! dahil sa tang-inang deadline na yan! (kaw ba naman bigyan ng materials na 3 days before publication ng 20-page newspaper, na ikaw lang mag-isang gagawa ewan ko na lang! Hindi ka naman pwedeng umabsent o ma-late man lang sa nightshift mo dahil ikaw din ang magsasacrifice pagdating sa dulo.) Kaya maswerte na akong nahihimbing sa bus nang 5 to 10 minutes habang bumabiyahe ako pa-Manila to Alabang vice versa. Ang hirap naman tanggihan yung mga taong naka-usap mo na dahil alam mong iyon na nga lang ang pwede mong i-reward sa sarili mo para sumaya-saya ka. Ayun EB with my blogger friends kahit walang tulog!
















