Tag Archives: GMA

I-WITNESS DOCUFEST 2008


Hindi na siguro lingid sa inyong kaalam na isa akong I-witness fanatic in other word “adik” nyahahaha

Lahat yata ng docufest simula noong nagsimula ito ay lagi akong nanonood (hindi ko sinabing mag cut din kayo ng klase) pero nakakatawa lang talagang isipin, kasi nagagawa ko talaga lumiban sa klase noon para makanood nito, noong college ako. Nagkataon kasing may class ako tuwing saturday.

Baka isipin nyo masamang impluwesya sakin ng i-witness ha, hindi no, kasi mas lalo akong ginagahan mag aral na makapagtapos para, makapag aral uli at kuhain ang totoong gustong kurso, hehehe ayun nakagraduate naman kaso,

hindi na uli ako nag-aral, nakahawak na ng pera e’.


btw, bukod sa i-witness dokyufests, nanonood din ako ng sine totoo, dati kasi sa sinehan talaga yun pinapalabas ngayon nasa TV na, si Sir Howie ang host,


Bukod sa Sine Totoo, pumupunta din ako sa DVD autograph signings, yeah kinokolek ko kasi yun, sa ngayon konti na lang makukumpleto ko na, ipon pa ng pambili.


At ang pinaka-masaya pala, isa ako sa napili noong nagkaroon ng I-witness docu seminar, dami nga nagalit sa’kin, kasi ang yabang ko daw, pero iniisip ko na lang na inggit lang sila kasi hindi sila napili.. hehehe joke! mabait ako no. (pag tulog)


Kaya nga yun, para magtuloy-tuloy ang panata ko nanood uli ako ng I-witness Docufest 2008 na ginanap sa Gateway sa Cubao..


Kasama ko ang ex-classmate ko na si Aneng, buti nga may nakasama ako, dati kasi ako lang mag-isa nanonood.

Sa mga hindi naman nakanood nitong sabado may chance pa naman kayo manood sa sabado uli narito ang schedule:


OCTOBER 11 (SATURDAY):

SCREENING 1 – 11:00 AM to 1:00 PM”Katay Kabayo” by Sandra Aguinaldo”Alaga” by Kara David”Batang Langoy” by Jay Taruc”Si Gob at ang mga Bugador” by Howie SeverinoSCREENING 2 – 2:00 PM to 4:00 PM”Batang Kalabaw” by Jay Taruc”Biyaheng Sikmura” by Kara David”Boses Upos” by Howie Severino”Iskul Ko No. 1″ by Sandra AguinaldoSCREENING 3 – 5:00 PM to 7:00 PM(Repeat screening 1 Line-up)Docu-Making Contest WinnerOPEN FORUM WITH HOSTS – 7:00 PM to 8:00 PM

Nakakalungkot lang, kasi tatlong host lang ang dumating sa forum ibig sabihin hindi

nakarating si Sir Howie, kaya pupunta ako uli sa saturday,

Tinamad kasi ako magpa autograph at magpapicture sa sobrang daming tao at haba na rin ng pila, isa pa para makabili na rin ng DVD.. yee bee!!


kitakits uli sa sabado. :D



MASAMA AKONG MAGING MASAYA?


Noong nalaman kong magkakaroon ng isang free Seminar angI-Witness, abut-abot na agad ang ngiti ko hanggang sa tainga, pagkakataon na naman kasi ito upang makita ko ang mga inidolo ko sa i-witness. Kaya agad-agad kong nilapat ang mga daliri ko sa keyboard ng computer at mata sa monitor. Naghanap ng impormasyon ukol dito. Agad ko itong nahanap sa Blog ni sir Howie, Kinuha ko ito at inilagay din dito sa Blog ko. Syempre dahil blogista ako alam kong wala namang masama kung mag komento.

Dumating ang deadline ng pagpapasa ng requirements sa seminar na ito.

Nakapagpasa naman ako.

Isa, dalawa, tatlong araw ang nagdaan.. at syempre bilang kalahok nag-aalala, umaasa at kinakabahan din ako sa magiging resulta..

Bumalik sa site ni sir howie, at doon muling nagkomento.. nagtanong kung kailan ito ilalahatha.

Gusto kong mapabilang sa nasabing seminar, pero hindi ko inaasahang matatanggap ako. Ganoong mas may magagaling at tiyak na mas karapat dapat.. pero isa ako sa napili.

Nais kong maglulundag sa tuwa, gusto sumigaw na napaka-lakas, at magtatambling sa natanggap na balita sa tulong ng e-mail mula sa i-witness.

Grabe ang pasasalamat ko dun.. kaya muling bumalik sa site ni sir Howie at doon nga nakalathala ang lahat.. Muling nagkomento..

At dahil naka subscribe ako may mga dumadating sakin mensahe mula sa site ni sir howie may ilang nagbigay ng pagbati at syempre dahil nakapangalan naman sa’kin ang reply.. siguro namn hindi masamang mag-reply rin.. isa, dalawa, tatlo, umabot sa ganoon ang aming palitan ng mensahe.

Dahil bukas iyon sa lahat ng mga bumibisita, natural na may kuku-mento at mag magkukumento. Ang masaklat lang, para sa’kin iyo at hindi mula sa istorya sa taas.

Masakit para sakin, ang mabasa kong komento, tila nilagyan ng siling labuyo ang aking mga mata upang mamula at labasan ng usok ang aking tainga, dahilan upang ang ngiting abot tainga ngayo’y abo’t baba na.

Sabi ko Masama pala akong maging Masaya nakakasakit ako ng iba.

Ano naman kaya ang masama doon kung mag lagay ako komento at sabihing isa ako sa napili.

Pinagkakalandakan ko daw sa mundo na isa ako sa napili!

Masyado daw akong proud sa sarili!

Nagbubuhat daw ako ng sariling bangko!

Sa ibang salita pinamumukha nila na Mayabang ako!

Masakit sa akin na makarinig ng ganito lalo na’t hindi naman iyon ang intensyon ko sa paglalagay ng komento.

Inaamin kong nag ngingit-ngit ako sa galit ngayon., nais kong basagin ang monitor at punitin parang literal na sulat kung pwede lang para hindi ako makabasa ng mga ganoong personal na mensahe dahil nabasa pa…, at napasa pa ng iba…

Iniisip kong napagtutulungan ako..

Ganito pala kapalit ng ilang pagbati, isang malaking tipakna bato na ihahangis sa ‘kin habang kinukutya ng mga nakakakita.

Nung una sabi ko.., ang BLog na lang ang pag-asa upang mailabas ko ang mga sama ng loob at idea na kinukulong ko lang sa ulo.. Hindi ko inaasahang dahil din pala sa blog magkakamalat ang isipan ko na parang nais nitong mawala sa sarili.

Parang nanigas ang mga daliri ko at nanghihinang magtype pa.

Wala na kong kaibigan sa mundo pati ang sarili kaibigan na natatanging n nakikinig at kinu-kwentuhan ay tinindeho na ako.!

Sabi nila ang kumento ay kumento at ang bawat tao ay mayroon nito. Hindi natin hawak ang unak ng isang tao.

Sabi nila matuto rin tayong tumanggap nito dahil dito tau matututo..

Kaso hindi ganoon kadali, mahirap tanggapin..

Nasi ko lang humingi ng tawad at muling sabihing hindi po iyon ang intensyon ko :(


%d bloggers like this: