Kanina nilamlam ko yung kanta ni Bruno Mars.. hindi ko naman kasi hilig alamin yung lyrics ng bawat kanta basta nagagandahan ako sa melody yun na yun!.. Ayun nga kanina bigla akong tinamaan sa lyrics. hoho marunong na pala ako umintindi?
Pero hindi rin, kadalasan kapag malalim ang iniisip natin tapos sinamahan pa natin ng tugtug malamang maintindihan natin yung message nung kanta.
Hindi naman ako emo.. may mga bagay lang akong narealized.
Tulad ng mga bagay na ginagawa mo na hindi para sayo kundi para sa iba kahit hindi nila hingiin.
Ang hirap din pala minsan magpanggap na ayos ka lang, pero ang totoo pinaplastik mo lang pala sarili mo.
Sabi ko nga sa status ng facebook ko kanina:
“Minsan okey din palang pinaplastik natin ang sarili, tumitibay kasi tayo tulad ng sa tupperwear”
![]()
Akala ko kasi dati kapag naging totoo tayo sa sarili na malungkot tayo, mas mabilis yung pagdadaing natin. Pero di rin pala, napatunayan ko na kung magiging simple tayo sa bawat araw , sa kabila ng katotohanang may dinadala kang kalungkutan, mas makakatulong ka pala sa mga taong naaawa sayo para hindi ka kaawaan.
Aminado naman akong KAAWA-AWA talaga ako, ikaw ba naman magpakatanga, umasa sa mga chances na hinihingi sayo. Nagpadala sa mga paglalambing na wala naman pala talagang kaugnayan at katotohan… hmmmm siguro may mga ganun lang talagang tao.
Kapag natutu ka daw tanggapin ang katotohanang TANGA KA sa lahat ng aspeto! matututo ka rin sa pinaggagawa mo. Para kang nauntog tapos sasabihin mo “sino ako? anong nangyari? tao ba ko?” yun nga! -baliw baliwan ka nga. (Kaw baliw ka ba bakit ka nagbabasa nito may napapala ka ba dito?)
Kung gusto mo talaga ang tao.. magiging tanga ka.. kahit ilang granada pa hawakan mo okey lang sa kanya, pagmamasdan ka pa nga nya e habang nagkakalasug-lasug ka na! wala naman sya magawa kasi tanga ka nga! hawakan ba naman ang granada! haha
Kung gusto mo ang isang tao… magpapahabol ka pero kapag hindi ka hinabol matuto kang habulin sya. mahal mo e. kasi nga TANGA ka di ba? hahawak ka ba ng granada kung di ka TANGA?
Kung may kasabihan nga na “Para kang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili mong ulo” siguro mas astig ng gamitin ang kasabihang “Parang kang kumuha ng granadang papasabugin mo sa sarili mo” o di ba ang kewl?
Gawin mo lahat ng gusto mong gawin habang makontento ka sa katangahan mo! doon mo kasi makikita na.. ang galing TANGA pala ako.. ang kewl uli.
Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo magagawang sisihin sya. nagiging mabait ka pa nga sa kanya..
Pero ang masaklap kapag nawala na ang pag-aalala (worried) mo sa kanya.. nangangahulugan na pala ito na hindi mo na pala sya mahal.
Mag-iisip ka naman ngayon kung malulungkot ka o magiging masaya sa mga nangyayari..
mas uusigin ka ng pagiisip mo sa mga bagay na nasaktan ka nya (tulad ng sabihin ka ng boring mo kasama) kumpara sa mas masasaya nyong alaala.
Minsan gusto mo mag-isip ng masama para sa ikabubuti nya, ganoon din sa pag-iisip ng ikasisiya nya.
Masaya sya.. sasaya din ako… MASAYA ANG BUHAY!
P.S. Minsan masarap ding mangarap para sa katuparan ng pangarap nila.














