Tag Archives: Ilocos Sur

WALA NA… (ANG ALIN?)

Mahabang panahon na noong huling emo ko dito. Sabi ko kasi hindi na ako mag popost ng malulungkot na bagay dito sa blog ko.

Isa nga yun sa dahilan kung bakit tinago ko na lang yung mga post ko mula 2006 hanggang 2010. At naging “Libre Lang Mangarap 2011″ na title na nito, ibig sabihin mula-january hanggang kasalukuyan na lang ang mababasa mo dito.

Sab nila, kung ano pa yung pinaka maliit na bagay sa buhay mo kapag nawala doon mo palang mare-realized kung gaano ito kalaki.

Yup! pagkawala ng isang 4GB  SD card ang kinaka-emohan ko. (group hug) :(

Tatlong taon ding nagpaalipin sakin yun, nakarating na nga yun ng Baguio, Ilocos Sur, Pangasinan at kung saan-saan tapos sa ilang iglap mawawala din pala ang lahat.

Ang mas nakakalungkot, nandoon yung mga pic na inaalagaan ko. Haaaaay.. ang OA ko pero kapag naiisip ko kung nasaan na siya, nanlilingid luha ko, wala pa naman akong hard copy.

Continue reading


MABILISAN LANG ‘TO

Ito dapat ang unang post ko ngayong buwan ng Abril kaso inamag na sa burador ko, mabilisan lang ‘to gusto ko lang ikuwento yung mga bagay sa mga nagdaang araw na umabsent ako dito.

Btw, nasa side bar ko na pala ang Kapangarap ngayong buwan ng Abril, si Jhunice at si Goyo. Check nyo din mga blog nila.

NORTE ‘O YEAH

Nitong Holy Week sinamantala ng mga officemates ko ang mahabang bakasyon para makapag lagalag. Mapalad naman akong nakasama sa kabila ng masamang pangyayari sa parte ng buhay ng isang matalik na kaibigan.

Sa pangalawang pagkakataon, muli kaming pupunta sa Pangasinan at Baguio, nakakatuwa lang dahil nadagdagan pa ito ng La Union at Ilocos Sur.

Ito lang ang masaklap pag bumabiyahe ka, kapag wala kang dalang personal na kamera. Sayang yung mga tanawin na hindi mo nagawang kuhaan ng mga larawan.

Ganun pa man may advantage din naman ito dahil hindi ka na ang kumukuha sa kanila, ikaw na ang kinukuhaan ng mga kasama mo. hehehe. :P

Kinabahan nga ako e, kala ko mapapadpad kami sa wild mills saka sa Vigan ng Ilocos kundi malaking pag sisisi talaga dahil hindi ako gumawa ng paraan para makapagdala ng camera.

Yung mga naunang larawan na iyan, kuha yan sa Ilocos, sa Candon city naman yung simbahan.

Sobrang nakakapagod ang biyahe dahil nililibot nga namin ang Norte.

Pawi naman ang lahat ng init noong nakarating na kami sa Baguio City. Hindi ko nga malimutan yung mga umagang gigising kami na umuusok yung bibig namin sa lamig :)

Nakakamiss din yung picnic namin sa Camp John Hay. At pamamangka sa Burn Ham park.

Nagpunta din kami sa Palengke na sobrang dami kang mabibiling pasalubong. magagandang bulaklak, mga fresh na gulay at iba pa.

Kung bibigyan nga lang ako ng pagkakataong makahanap doon ng trabaho mas gugustuhin ko ng tumira doon sa sobrang ayos ng klima :)

Para sakin madali lang naman mabuhay sa Baguio City kahit malayo sa Maynila basta may panggastos ka hehehehe (gusto ko na agad bumalik)

Yun nga lang medyo nilagnat ako at nag ka sipon, mabuti na lang kumpleto ang Baguio city sa mga tindahan kaya makakakita ka na agad ng pharmacy sa kanto.

Medyo madami pa sana akong kuwento kaso sabi ko nga mabilisan lang ‘to.

Siguro, kailangan ko na talagang magmadali para makabili ng DSLR.. Nakaka pressure din pala ang pangarap hehehe..

Sana this Ber month.. makapunta na rin ako sa Sagada :)

BYE BYE HAMSTER

Minsan talaga pag masyado kang masaya, asahan mo ng may kabuntot agad na kalungkutan, Naiwan ko pala si Chino sa kulungan ng walang makakain bukod sa tubig. Kaya yun, iniwan na din nya ako. Naabutan ko na lang na nilalanggam si Chino.

Namiss ko na hamster ko :( totoo pala yung kasabihan na kapag pinangalanan mo ang pet mo masasaktan ka pag nawala na ito, tinuring mo na kasi syang tao.

Kasalanan ko kung bakit nawala hamster ko :( Hug* everyone


%d bloggers like this: