Nagkalat ang blog post tungkol sa lindol at tsunami sa Japan. Sigurado akong ang taas ng hits nila. Magpopost din sana ako tungkol doon kaso ayaw ko naman maki-trend.
Kaya medyo related topic na lang sa kalikasan ang ipopost ko ngayon tutal, konektado din naman ito sa tinatawag na climate change. Ano ba konek ni jollibee dito?
Kagabi, gutom na gutom ako, wala na akong ibang makitang bukas na kainan na suwak sa panlasa at sa bulsa ko.
Naalala ko may sweet and sour meat balls pala ang Jollibee na bagong labas -39 lang! tapos sasamahan ko pa ng 25 pesos jollibee coke float. kaso naalala ko linggo pala! toinks.
Burger Steak with rice na lang ang inorder ko, 39 din naman yun kapag walang kasamang softdrink.
At dahil makaka-kalikasan na halos karamihan ng fastfood ngayon sa Pilipinas na gumagamit na ng hugasing plato, baso kasama na rin ang mga kubyertos hindi tulad dati na panay disposable -malamang doon nila ako papakainin dahil dine-in ako.
Nakakatuwa no? kasi kahit papaano nababawasan ang basurang inilalabas ng bawat fastfood na maitatambak sa dumpsite, na siya namang nagiging sanhi upang uminit ang mundo dahil sa nilalabas nitong kemikal pag nagsama-sama ang lahat ng elemento.
Sana nga, dumating din yung panahon na paper bag na rin ang lalagyan ng mga fastfood kapag nag take-out tayo -parang sa starbucks. hoho
ang kaso, maraming pagkakataon na kapag kumakain ako sa fastfood partikular na sa jollibee nandidiri ako sa mga kutsara, kasi may parang kanin na natuyo, ibig sabihin hindi ganoon kaganda ang ginagawa nilang hugas sa mga ito. Iniisip ko na lang: tutal may nababasa naman ako doong “hot surface” siguro dedo na rin ang mga germs doon. Todo halukay tuloy ang ginagawa kong paghahanap sa mukhang malinis na kutsara at tinidor. Pupunasan ko pa ng tissue yun pagnakapili na’ko.
May mga pagkakataon na hindi ko na matiis ang pangamba ko sa kalinisan ng pinangsusubo ko kaya nagrerequest na lang ako ng disposable kahit dine in ako.
Ugali ko ding hindi na kumuha ng straw para sa inumin ko. Minsan kasi naartehan ako sa sarili ko kasi puwede namang inumin iyon sa normal na gawain sa baso.
Isa pa, tubig lang naman ang drinks ko sa jollibee kapag kumakain ako i-strawhin ko pa. lols
















