Tag Archives: Laundry shop

LOVANDERA ♥


Perstaym ko magpalaba kanina sa laundry shop at mukhang ganun na ang gagawin ko parati.

At dahil ganun na nga, mukhang kailangan ko na ng extra coin envelope para sa bayarin sa labahin.

Hindi naman kasi ako marunong gaanong magkusot, umaasa lang ako sa washing-washing.. i mean washing machine. :P

Biruin mo nagdadala pa ako ng dalawang bags na labahin para dalhin sa Cavite at doon labahan at patuyuin. Tapos ang masaklap pa pagsasabihan ka pa ng kuya mo “Mag share ka naman sa kuryente at Tubig!”.

Helow! dalawang beses lang ako umuwi sa isang buwan minsan isa nga lang, tapos pagbabayarin mo pa ako, kung silang-mag-anak kaya ang siningil ko sa bahay!? nakikitira lang sila sa malaking bahagi ng lupa na pagmamay-ari ko! hahaha.

Jokeness lang naiintindihan ko naman si Kuya.

Ayun, ayaw ko naman labahan ang mga damit ko sa boarding house, kung sa paliligo ko nga lang o kaya pagtae sa isa sa mga CR doon nahihiya na ako, maglaba pa kaya? kaya dinadala ko na lang sa Cavite.

Continue reading


%d bloggers like this: