Tag Archives: Layout Artist

BAHAGHARING ITIM

Malungkot na masaya, masaya na malungkot -ganito na yata ang buhay ko. May mga bagay na hindi mo maipaliwanag kung magiging masaya ka ba sa ikinalulungkot mo.

Katulad ng mga pagkawala at mga bagong pagdating. Tila nga isang makulay na bahaghari. Sari-sari, iba-iba. Katulad ng mga emosyon kung iiyak ka ba o tatawa.

Parang kang naghahanap ng kasiyahan sa tumpok ng ginto. Kaso, dahil hindi mahanap ang dulo nito… naiisip mo na may mga magaganap pang konektado sa buhay mo.

Nakakatakot. Wala namang ibang magagawa kundi mag-abang.

Naisip ko lang, na ang pag-abot pala sa pangarap ay para ding pagsuot sa butas ng karayon. Kadalasan habang isinasagawa mo na ang ang pagsuot dito, may pangyayaring mahuhulog ito. At sa pagkahulog na iyon, masasasabi mong nagkamali ka.  Maaaring sa kadahilanang hindi mo ito hinawakang mabuti o baka nagpakatanga ka lang talaga. 

May pagkakataong hindi mo na ito makikita dahil sa liit nito o sa pagkakataong hindi mo talaga maisusuot dahil malabo na ang mga mata mo (binulag ka ng kahangalan mo).. Kadalasan naman maaari kang humingi ng tulong, o baka ang tulong na ang lumapit sayo.

Minsan nagiging matapang tayo. Minsan naman ang tapang ay nagiging kayabangan mo. Sinasabi mong kaya mo  ang sarili mo pero pag nandyan na pang-aakit at magiging mahina ka, sasabihin mo “nadarang lang ako”.

Kaya mong pumatay pero ang masaklap kaya mo ring mamatay.

Kaya mong tumapon ng mga pangarap. Kinakaya mo ring tumapon ng mga taong nag-aalala sayo.

Ang masaklap lang, dahil din pala sa pangarap mo, kayang mo ring ipagpalit ang sarili mo.

Alam ko na hindi ako kasing mahal at hightech ng IPhone 4 pero kinaya mong ipagpalit ito. Pero tandaan mo na tulad ng bagay na ‘yan may hangganan din ako at kaya ko ring masira. Hindi siguro sa sarili kong kagagawan pero maaring sa taong may ganyan.

Naiinsulto ako sa mga paraang hindi naman dapat ako ipinagpapalit sa ganoon. Pero anong magagawa ko? kung sayo na nag mula na ikaw na ang pinaka-walang kwentang taong makikilala ko.

Salamat na lang sa isang pagkawala at isa pang pagkawala kasama ang mga ginagalang at minamahal kong ka-trabaho dahil may mga bagong pintong nagbubukas. Hindi para makalimutan ang mga bagay-bagay, kundi para ituon sa mas makulay na layunin sa buhay.

Malungkot dahil kailangan nating iwanan ang mga bagay na ginugusto natin. Masaya dahil may mga bagong bagay tayong gugustuhin.

Simula na 25 ng Hulyo magkakaraon na ako ng bagong tahanan.. at bago iyon may pintuan akong isasara pero hindi kasama ang mga aral at saya.

Siguro ganoon din sa mga taong pinapahalagahan ko, maaaring hanggang dito na lang, pero nakasisiguro akong.. kung malalaman ko ang puno’t dulo ay mananahimik na rin ang kalooban ko. Hindi man literal pero ang damdamin ko. Damdamin!

Pipilitin kong kulayan ang bahaghari kong itim, pipilitin kong hanapin ang gintong nakalaan sa akin.


GOOD MORNING PHILIPPINES

Sa kabila ng napakalaking kompetensya at dami ng mga pahayagan sa pagkuha ng palatastas sa bansa, nakatutuwang isipin na may mga bago na naman tayong bubuksan na pahina sa pagmulat ng ating mga mata sa umaga. –Good Morning Philippines.

‘Yan ang bagong pahayagan na nagsisirkula na sa bansa. Titulo palang positibo na. Lalo na kung papansinin mo ang pagkakalayout. Parang magazine style kasi ang dating sakin, hindi sya yung tipikal na pustura na makikita natin harapan orninaryong pahayagan.

Nagsimula ang pre-issue nila noong pagdiriwang ng kapanganakan ni Rizal na naakma naman sa muling pagsilang ng mga bago at napapanahong balita.

Masyado akong interesado kapag may mga ganitong pangyayari. Isa kasi sa greatest dream ko ang makapagtayo ng isang publication. At dahil pangarap naman ito, gusto ko sana hindi lang isang pahayagan kundi mayroon pang isang magazine. (na ang mga manunulat ay kapwa blogger :-) hoho). Ang sarap isipin na kung sila ay nagawa nilang mag pundar, sana balang araw ako din.

Naiinggit talaga ako!.

Ewan ko ba, pero noong nasa elementary ako, inggit na inggit na ako sa mga section 1 samin parang sila lang kasi ang may karapatan magsulat sa school paper namin. Noong nasa highschool naman ako parang ganun din, ang siste panay special section lang, o siguro kinulang lang talaga ako sa lakas ng loob para subukan.

Pagtungtong ko naman noon sa kolehiyo, mas lalong sumaklap ang hangarin ko, dahil hindi ko nakuha ang kursong mass communication. Kung hindi kasi sa sitwasyong sarado na ang ang kursong gusto ko e sa sitwasyon minalas ako –bagsak sa entrance exam hoho..

Mabuti na lang sa kabila kamasmalasan sa hindi pagkuha ng pagdadalubhasaing propesyon ko sana, e.. mabuti na lang talaga napadpad ako sa masasabi nating bahagi pa rin ng kumunikasyon –ang imprentahan.

Sa ngayon isa akong Layout Artist sa isang pahayagan matapos ang kursong printing technology.

Puwede pa rin naman matupad ang pangarap, kaya sa mahigit tatlong taon kong pagkakapako sa upuan ko sa nasabing kumpanya.. pinag-aaralan ko lahat ng puwede kong pag-aralan sa pagpapatayo ng imprentahan. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit ayaw ko pa talaga lisanin ang trabaho ko sa kabila na maliit na sweldo.

Suntok sa buwan man ang pangarap ko dahil sa mga natutuklasan ko, katulad ng: Magkano ang gastos sa isang araw ng isang publication? Paano makakakuha ng advertiser? paano mahihikayat ang masang bumili ng dyaryo ko? at iba.

Isipin mo kasi, kung sa isang araw ang payable ng isang kumpanya ay pumapalo na P 100.000.00, kasama dito ang papel , transportasyon at iba pa, ibig sabihin sa 10 araw ay isang milyon na! Paano kung nagsisimula pa lang, hindi naman puwedeng sa isang buwan kumita ka na agad.

Kulang ang tatlong milyong piso na puhunan sa isang buwan kung susunurin ko ang pangarap ko sa pagpapatayo ng pahayagan.

Ang taas talaga ng pangarap ko.. parang suntok talaga sa buwan! Hoho.

Naaalala ko lang sinabi sakin ng guro ko sa Business Management. “Walang yumayaman sa pangangamuhan, kung pangarap mong maging mayaman mag negosyo ka”.

Totoo naman di ba? Pero dapat daw hindi lang ang pangarap mong yumaman ang lagi mong iniisip para umasensyo ka. Ang dapat, marunong ka ring mangarap para sa kapwa mo katulad ng pangarap nilang pagkakaroon ng matinong trabaho, at simpleng mamumuhay.

Hindi lahat ng taong katulad ko’y matayog kung mangarap, syempre ang iba sa atin simple lang kung mangarap. Pero kung iisipin mo, konektado din pala ang lahat kasi habang nangangarap tayo ng pagkataas-taas, may mga simple din palang pangarap na naghahantay lang sumalo para sa mas mainam na hangarin sa buhay.

Marami pa namang pahina at mga balitang darating sa buhay ko na hindi ko pa nabubuklat.. siguro kung may A-Z ang section ng dyaryo ko siguro nasa Business section pa lang ang binabasa ko. Depende kung saan ko unang  babasahin di ba?. Meron pa akong Editorial, Entertainment, Sports, Travel and Leaving, Arts and Lifestyle, Photography, Info Tech, Motoring, Property, Shipping… kasama na rin ang crossword. Hoho.

Kaya ugaliin nating magbasa, malay mo may bago kang pangarap na matuklasan.


HIRAP HUMANAP NG TRABAHO!

Napunitan na naman tayo ng isang buwan sa kalendaryo at medyo kakalipat pa lang natin ng pahina -ang buwan ng April. At sa mga ganitong buwan, libu-libo na namang mga kabataan ang nagtapos at magtatapos sa hayskul o kolehiyo. At ang tiyak na katotohanan madadagdagan  na naman ang mga taong walang trabaho dito sa pinakamamahal kong bayan. :(

tep22

2x2 Resume pic. ayoko mag smile belat.

Gaya ng nakuwento ko noong nakaraan, medyo abala kasi ako sa kakahanap ng bagong mapapasukang trabaho kahit part time lang. Dahilan, kaya medyo tahimik ang blogstat ko ngayon, pero sa awa naman ng Diyos, hindi pa rin ako nauubusan ng bisita kahit papaano.

Gusto ko ang trabaho ko bilang Lay-out artist sa Dyaryo pero kung titignan mo ng mabuti masasabi mong “ginagawa mo naman lahat ng best mo, pero parang hindi ka nag-go-grow”.

Yeah right!, ayoko magmadali pero sa tingin ko naman deserves ko na ang mataas taas ng sahod. parang gusto ko na ngang mangibang bayan tulad ni Dencios (na kakauwi lang) o kaya n Rye, (na nasa KL) pero natatakot ako na baka pag nag-apply na ako sa ibang bansa, at pumasok sa isang kumpanya, ay palabasin na lang ako agad at sabihing:

“guard! bakit may batang nakapasok dito!?” (paki-english) lols.

bakit? kasalan ko bang 5’4″ lang ako at baby face dahil photoshoped!? :D

Pero, pagod na pagod na talaga ako..

mga 8 (walong) kumpanya na yata ang napuntahan ko. 2-sa makati. 3-Muntinlupa, 2-sa ermita at isa sa QC. amp. kakabutas ng bulsa dahil di sila na kukuntento sa isang interview.

exam->first interview->second interview (senior hr) ->final interview (manager) ->hands on- >requirements…. taina! walang katapusan.

ayun infairness naman sa’kin, ako hinahabol ng kumpanya lols. di ko lang talaga gusto offer nila. Tapos pag gustung-gusto mo naman yung company sila naman ang ayaw sa’yo (mga kupals na yun!) may araw din sila! lols.

para sa’kin parang “pag-ibig” lang ‘yan : Pag may nagkakagusto sa’yo, ayaw mo sa kanya; pag may gusto ka naman, ayaw n’ya naman sa’yo, ayun kaya bitter! hekhekhek..

Sa huli, sino bang hindi nangangarap ng magandang trabaho di ba? Masyado pang maaga para mawalan ng pag-asa sa mga inaaplyan ko.. kaya pakiusap isama n’yo ako sa panalangin n’yo, kahit di na’ko makahanap ng trabaho maalis lang ako dito sa kinauupuan ‘ko, ayaw ako matayuin e.. huhuhuhu :(


%d bloggers like this: