Ang bilis ng panahon. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat dito sa lungga ko. Sayang yung nasa draft ko na hindi ko na naiposte at malabo ng mailathala pa dahil wala ng sustansya, pati na rin yung mga biglaang kuwento na bigla na ring naglaho ang ideya at daloy sa isipan ko.
Bakit ba kasi ganito kaming mga manunulat madaling makapag isip pero madali ding nawawala kaya dapat ay mabilisan naitatala. (ako na writer!) lels.
Ewan ko ba kung bakit ang bilis-bilis. Katulad dati takot na takot akong mawalay sa magulang ko. Naglulumpasay ako sa kalye kapag hindi ako naisama at titigil lang kapag nakauwi na sila (totoo yun, kaya nga nagkasingkit-singkit ako kakaiyak). Ngayon tingnan nyo naman… bukod sa lagalag na, nakukuha ko pang magpaka indipendent. Syempre MALAKI na ko! (ayt! revised) syempre MATANDA na ko!. Gusto ko din naman tumayo sa sarili kong mga paa. Siguro ganun na rin ang turo sa aming magkakapatid na hindi sa lahat ng pahanon nandyan sila.
Ngayong matanda na nga ako.. at patuloy na tumatanda, bakit hindi nating pabalikin ang panahon. Oo 22 years old na ko, next year 21 tapos 20 hanggang umabot sa 1 month old hanggang mamatay (benjamin botton?) lels.
Naisip ko lang, hindi pa kasi ako nakakatatanggap ng sulat mula sa koreo maliban sa lintik na billing statement ng telepono etc. hahaha.
Bakit hindi n’yo subukang pabalikin ang panahon at padalhan ako ng sulat? Yung panahong wala pang nag-uugnay sa’tin tulad ng internet at mga telepono.
Dito, bukod sa makakatulong kayo sa Philippine Post Office (PhilPost) malalaman ko pa kung sino talaga ang ginigusto ako, minamahal ako, natutuwa sakin, hinahangaan ako (naks), gusto akong maging kaibigan, matalik na kaibigan at kung anu-ano pa. Gusto ko malaman kung sino mag eeffort para sakin. hahaha
Gusto ko maranasan yung nagbabasa ng sarili kong liham hindi yung nagbabasa lang ng sulat ng may sulat hahaha.. (ako na pakialamero) lels. Gusto ko maluha sa mga mensahe nyo mula ng inyong mga kamay (daliri pala). Gusto ko mag ala DJ sa radyo habang nagbabasa ng kwento nyo para sakin. Gusto ko mag ala Charo Santos at mag wika ng “Maalaala Mo Kaya?” o kaya Joe D’Mango para sa inyong mga love notes at para doon sa mga may matagal ng pagnanasa sa akin at hindi mawika. Hahaha (laugh trip ako dito)
Hindi nyo naitatanong maagang dumating ang pinaka magandang regalo na matatanggap ko ngayong kaarawan ko.
Pero wala pa ring katumbas ang mga salitang sa inyo mismo magmumula.
Sana matupad nyo ang hiling ko ngayong nalalapit na Kaarawan ko sa ika-21 ng Nobyembre.
Ipadala lang sa
Joseph “Otep” Zablan
Tribune Publishing
9th Floor, GLC Bldg.,
T.M. Kalaw cor. A Mabini Sts.,
Ermita, Manila
1000
Huwag kalimutan ang inyong telephono sa loob ng inyong liham para personal ko kayong mapasalamatan.
Hihintayin ko liham nyo ha.
Nagmamahal,
photo by ©Mark Bryan V. Garcia















