Noong naimbitahan ako sa paglalakbay na ito ang tanging naisip ko lang ay ang pagkakataong mapuntahan o masubukan ang mga nararanasan din ng iba. Wala akong kaalam-alam sa madadatnan ko doon bukod sa alam kong may tubig ang pupuntahan namin.
Hindi na rin lingid sa kaalaman n’yo (na pangarap nyo rin) na mapuntahan ang maraming lugar. Masarap at masayang isipin na bukod sa nararanasan mo iyon, napakarami pa palang supresa at mga kaganapang hindi mo naman pinangarap pero alam mong natutupad. Ansabe?
Tag Archives: Map o Occidental Mindoro Manila
DAY 3: ANG MGA PAROLA NG SABLAYAN
SNORKELING: APO REEF
Day 1: Occidental Mindoro: San Jose – Sablayan – Apo Island
Ilang araw bago naganap ang trip na ito, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Chyng Reyes (oha! ako na naaaya ng lumelevel na blogger) para maki-join force sa lakad nila sa Apo Reef. Noong Una hindi ako naka “oo” agad, kasi naman sobrang iksi na ng preparation tapos kare-resign ko lang. Pero ang totoo akala ko talaga Apo sa Davao yung pupuntahan namin kaya nahirapan talaga akong “umo-o”
(naka schedule na rin kasi ang pagpunta ko doon sa Davao sa July sayang naman kung mauulit).















