Tila nama-maligno ako noong una kang nasilayan,
Nabighani agad ako ng sa iyong hiwaga’t karigtan…
na sa hinuha ko’t panaginip ay hindi ko inaasahan.
Continue reading
Tag Archives: ng mga
HANGGANG SA DULO NG WALANG… MUHAN
ANONG HAYOP ANG KAYANG MAGSAKAY NG HIGIT 50 KATAO? AS IN HAYUP!
SAGAD…. AHHH Part 1 / 4
Isang araw bago ang malayu-layo kong paglalakbay sa Sagada, nagpasa ako ng Leave of Absence sa boss ko. Wala naman sila magagawa kundi payagan ako sa halos apat na araw paglalakbay. Biyernes noon. Kung tutuusin kaya ko pa naman pumasok at dumerecho na lang sa Bus Terminal pag dating ng kinagabihan pero nilaan ko na lang ang araw na iyon para makapagpahinga.
At dumating na nga ang oras, Kalahating oras bago mag alas -10 ng gabi sumakay na ako ng taxi dala ang nag-iisa kong back pack na kung saan one is to one ang ratio ng damit kung ilang araw din ako mawawala.
- P 150 = Taxi
- P 150 = Total
10pm ang usapan namin di Donie sa terminal ng Victory liner sa Pasay, nauna akong nakarating. Nagulat na lang ako sa dami ng mga tao, limang beses ata ang dami noong huling punta ko noong pumunta naman kami sa Clark para sa Hot Air Baloon Fiesta. Kaya naman ganoon din ang gulat ko nang malamang Sunday morning na ang susunod na biyahe pa Baguio! Ganoon sya kadami.
Sa labas na ng terminal ko sinalubong si Donnie at naghanap na kami agad ng ibang terminal na may biyaheng pa-Baguio. Sakay kami agad ng Taxi na parang kasali lang sa Amazing Race lels
.
Kay Manong driver na kami nagtanong kung san may malapit na terminal. Dalawa yung sinabi n’ya samin isa sa bandang Sampaloc at isa nga ang Philippine Rabbit.
Donie: Kuya ano mas mauunang terminal?
Driver: (bosses Mama’) Ahhh sa Philippine Rabbit.
Pagdating namin sa Terminal kakaunti lang ang tao, malayung-malayo sa hindi mahulugang karayom sa dami ng tao sa Victory Liner. Pumunta kami agad sa ticket booth para magtanong kung anong oras ang susunod na biyahe pero binato kami sa dispacher.
Sakto! 12:30am kaya bumili na kami agad bago maubusan.
- P 444.00 = Ticket (to Baguio)
- P 150.00 = Previous
- P 594.00 = Total
Nagpasyahan muna namin kumain sa harap na Jollibee. Natuwa ako dito promise kasi noong high school pa ako dito ako madalas kumain (Arellano High School ako nagtapos) kaya malapit lang sa Recto at Rizal Avenue sa Maynila.
Kumain ako ng madami kasi alam ko magugutom ako sa 6 na oras na biyahe.
- P 109.00 = Jollibee (chiken spaghetti w/drinks)
- P 594.00 = Previous
- P 703.00 = Total
Natanong ko si Donie kung kasya na ba ang cash kong 3,000 kaso hindi pa daw. Pero ang plan ko sa Baguio na talaga mag ATM.
Matapos namin kumain, bumalik na kami sa Terminal at nagpaalam sandali para nga pumunta sa pinakamalapit na ATM.
Wala akong makitang bangko kaya nagtanong-tanong. Maswerte namang may guard at tinuro sakin ang pinakamalapit na banko. Nakalimutan ko nga kung anong Banko yun.
Ganoon pa rin ang Recto nakakatakot pa din kahit may mga ilaw na ang sidewalk.
May nadaanan pa akong mag-asawang nagbubungangaan (joke lang di ko sure kung mag-asawa). Pagbalik ko nga matapos manggaling sa ATM iba na yung kaaway nya. Medyo naiilang akong tingnan sila kaya binilisan ko maglakad pero napapalingon pa din ako. Nagsasampalan sila mga men! Ang sagwa nga lang kasi lalake sa babae ang aaway kung sex yun okay lang Hahahaha sobrang Joke.
Paglagpas ko sa kanila, mga 15 na hakbang siguro, ayun nasa labag na yung babae na tila tinilapon nung lalaki. Ayun iyak. lumiko na agad ako at hindi ko na pinansin.
Pagdating ko sa Terminal kabadong Donnie na ang humarap sa’kin. Akala nya daw iniwan ko bag ko doon at nawawala na hahaha.
Ilang oras din kami naghintay. 12:30 ang biyahe namin pero ala-Una na wala pa yung bus. Padami na ng padami yung tao sa terminal na biyaheng pa Baguio. Noong minsan nga may dumating na bus sobrang unahan na sila. Kaso epic fail kasi ibang biyahe pala yun.
Kaya naman naisipan na nilang gumawa ng human pila.. alam mo yun? pilang walang direksyon.. human pila tawag kapag hindi de-numero.
Noong dumating na yung napakalaking kuneho na kayang magsakay na humigit kumulang 50 katao doon at nag-gitgitan na! na kala mo pila sa relief goods na noong malaman nilang magkakaubusan na, Hayun! at nagsisingit na!
Taragis! Haaaaaaay ang pinoy talaga. Alam na naman kasing madaming pilipinong walang disiplina kapag alam nilang walang sistema kaya dapat ayusin nila Terminal nila.
Parang adik lang kasi ang Philippine Rabbit alam naman nila kapasidad ng bus nila pero sobra sobrang ticket ang binenta nila sa gaanong oras. Ni-wala ngang seat number o bus number ang ticket namin. Terminal kaya yun hindi Bus Stop.
Yun nga, nagmistulan kaming sumakay na kalsadang hindi namin alam kung anong oras dadating ang bus at para ding LRT na sa pag bukas ng pinto ayun! Balyahan.
Maswerte na lang talaga ako kasi si Donnie na sanay sa biyahe at magaling dumiskarte.
Pag-akyat ko ng Bus ang daming bigong nagbabaan ang hindi na makakaupo. Mabuti na lang na mayroon akong taga reserba haha!. Yun nga lang may krak yung bintana na sa sandaling makatulog ka at mauntog sa salamin ay maaari agad na lumabas ang ulo mo.
Pasado ala-Una na ng makaalis ang bus o mahigit kalahating oras buhat noong makatuntong yung Kuneho sa Terminal.
Nakakaawa yung mga pasahero sa loob yung tipong kahit alam nilang aabutin ng mahabang oras ang biyahe nila paakyat ng Baguio ay tiniis pa rin nilang maupo sa gitna at makisiksik sa pang-dalawang upuan.
Ganoon nga ang nangyari sa akin, may nakiusap na makiupo sa siwang sa pandalahang upuan.
Noong minsang ngang nakaiplip ako, nagising na lang ako nang kumikirot na ang leeg ko, nakasandal na pala sa tagiliran ko yung binatang nakiusap tumabi sa pandalawang upuan. Ayun deadma.
Natulog na lang ako muli sa hindi ko malamang puwesto.
At dyan natapos ang Day 0.
- DAY 1 – 25feb2012: Baguio to Sagada (i-click dito)
- DAY 2 – 26feb2012: Sagada Falls (i-click dito)
- DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito)
TIPS NI OTEP:
- Iwasan ang Peak Season o dagsa ng mga tao.
- Sakaling hindi maiwasan ang Peak Season, magpabooked ng mas maaga sa Terminal.
- Laging maghanda ng alternative sakaling ma-fully booked ang Terminal.
- Mag widraw agad ng perang alam mong kakailangin at sasapat sa iyong gagastusin sa pupuntahan.
****
Maraming Salamat sa bago na namang karagdagang email subscribers | followers!
Mula february 29 hanggang sa mga oras na ito.
- Thank you Sey!
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG ______ MUNA?
Ngayong linggo, sobrang tunganga mode ako sa office. As in wala akong ginagawa! Sobrang nakakapagod pala talaga kapag walang ginagawa. Hindi naman pwedeng magtitigan kayo ng monitor mo. timing naman na naka-online lagi ang mahaderang Pards ko. Joke lang! Ayun email galore ang drama namin, hanggang napasok kami sa usapang pag-ibig. Paki-alam mo love month naman ngayon! haha kaya pasok na pasok sa banga kung ita-topic natin ang ganitong kwento.
Narito ang sulat nya:
Dear Otep,
Ganito kasi yan pards. Hoho
Naging kami, may gf pa siya, so in short, 3rd party ako. Take note: 1st bf ko siya. During courtship hindi ko pa alam na may gf siya. Pero later on nalaman ko din. Pero nahulog na ko, ang hirap umalis sa pagkakahulog ko dati. Hanggang sa nagpromise siya na-iibreak niya na yung isa, kaya naging kami na nga. Nung kami na, andami kong natuklasan: Live-in pala sila, 5 years na sila, halos mag-asawa na tingin sa kanila ng mga magulang niya- Pero lahat naman tinaggap ko, patay na patay pa kasi ako nun sa kanya.
Mga 3 months na kami bago officially naging hiwalay na sila ni Girl. Kasi andami pang aberya, nagtangkang magpakamatay si girl at tsaka humiling din xa kay ex na wag muna siya iwan. Hindi nga naman kasi ganun kadali pinagsamahan nila.
January, kami na talaga, as in wala ng iba. February 2010 biglang sumulpot si Girl, buntis daw si Girl (sa iba ko pa nalaman pre). Kinonfirm ko kay Ex, sabi niya oo daw, 2 months. Guho mundo ko nun, as in shet na malagkit. Pero after all, tinanggap ko pa din, mahal na mahal ko e. Kasi nag-dodoubt din ako nun na baka palabas yun ni girl.
So ayun tinaggap ko. Two years kami. Sa loob ng two years na yun, never niya ko pinakilala sa parents/family niya. Kasi galit nag alit buong angkan niya sakin, boto sila kay Girl.
Dati Friendster pa lang, minemessage ako ng ate ni ex. Inaaway ako, keso landi ko daw, kabit daw ako, etc. Tapos sa fb, yung ibang kapatid niya naman. Pati sa text, tinitext nila ako sinasabihan ako ng “muka kang katulong, muka kang aso.” Lahat ng shit na yun tinannggap ko, mahal na mahal ko e.
One time nga pinatulan ko, nagalit pa si Ex sakin, wag ko daw patulan. Pati Mama niya nagcocomment sa mga pictures namin na “ayan ba yung pinagmamalaki mong pokpok” taragis eh noh. Pero lahat naman tinanggap ko. Mahal e. (letcheng pagmamahal yan, lels)
For the past two years hindi ako nakaligtas sa lait ng family niya. Pero consequence yun ng ginawa ko, kaya naintindihan ko din minsan.Yung pinaka-worst nga pre, sa simbahan. Fiesta pa nun samin. Daming tao. After huling basbas, di pa man nakakalabas yung pari may lumapit samin ni Ex. Yung kapatid niya, sabay kasama yung mama niya. Dinuro-duro ako sa harap ng madla. Buti to the rescue mga ka-youth ko, inilayo nila ako. Pagkalayo-hagulgol much. Kakahiya, kasi nag-iskandalo sila, tapos nakita ko from afar pinagsasampal niya yung anak niya , si Ex. Ayun yung magkaka-baranggayan na, yung mga lola’t tita ko ipapabaranggay sila. Nung sa simbahan, ako, tita ko , kapatid ko pati mga pinsan ko nag-iiyakan kami. Dahil nga sa eskandalong ginawa nila. Taenis, hiyang hiya ako kina father at brother. After nun, pinalayas si Ex, kaya nag-apartment na lang xa.
Minsan sa bahay ko siya pinapatulog. Tapos sa work niyang pag-gabi nakatagpo siya ng mga bagong friends. Eh may ka-work sila na inaasar sa kanya. Sakin naman, ok lang, biruan lang naman. Kaso dumating sa point na magkatext na sila nung inaasar sa kanya. Sa fb kitang kita ko asaran nilang mga magttropa. Kainsulto men! Sinabi ko sa kanya naininsulto ako, sabi niya “wala ka dapat ika-selos” sabi ko hindi ako nagseselos, galit ako. Nakaka-babae e. Ehdi continue pa rin ang kasiyahan nila, hanggang sa napuno na ang timba. Umapaw na at iminessage ko yung babae sa fb. Nag-reply, siya pa galit. Tae pala niya Eh. Ehdi nag-away kami ni ex, bakit ko daw minemessage, kexo wala daw ba ko tiwala sa kanya. So tahimik na lang ako. Ako pa napapasama e.
Nung 2nd anniv naming, habang nakain kami sa festi, may katext siya. Kainis, tapos nung tingnan ko magkatext sila. Nag-init na naman dugo ko kasi text pa nung babae “bakit di mo ko hinintay unuwi? Katampo.” Naku sumabog na talaga galit ko. Tapos siya naman tong galit din, bakit daw ako ganun mag-isip friends lang daw sila. I-frends niya muka niya! Walk-out lola mo. Tapos nagtext si Ex sabi ba naman “wag ka muna magtetext sakin, may pag-iisipan lang ako.” Siya pa may gana mag-ganun. Tinext ko ulit yung girl, sabi ko nag-aaway na kami dahil sa kanya. Eh ang tigas ng muka, sumasagot pa, ang bobo ko daw, ang kitid daw ng utak ko, wala daw akong tiwala. Tapos sabi ko “kala mo naman ang ganda mo” sabi ba naman “kundi ako maganda hindi magkakandarapa bf mo sakin ng ganito”. Ang kapal.
Kinabukasan nagtext si bf, galit nag alit. Bakit daw inaaway ko yung babae, napahiya daw siya sa tropa. Tapos sabay nagtext tong si girl sabi “Dahil jan sa kabobohan mo hindi ko matanggap na naiyak si Pepito sakin ngayon.” Putek pala sila eh, magsama-sama sila. Simula nun hindi na ko nagtext, pero sabi ko sa kanya ayuko na. Kaya ko naman titiisin lahat ng pangagago ng ibang tao basta wag lang siya. Eh wala, nagkakagaguhan.
Kaya ayun, kapit ako sa mga ka-youth ko, sa mga tropa ko, sa papa ko. Nagpagupit ako ng buhok (arte parang si kc concepcion lang), tapos nag-unwind ako sa batangas. Yung mga ate kuya ko sa youth to the rescue sila, counseling etc. Hanggang sa nakapag-move on na ko. Narealize ko lahat ng katangahan ko.
Then bigla siya nagtext na “kamusta ka na” sabi ko “ayus ha, kung maka-kamusta ka parang walang nangyari”. Bitter pa din konti. Nagtetext siya mag-usap daw kami. Pero hindi siya nag-effort puntahan ako sa bahay at mag-sorry. Hanggang after three months break-up, nagkalakas ako ng loob kausapin siya. Ayun nilabas ko lahat, tapos sinabi ko wala na talaga, as in wala ng pag-asa. After nun maayos na kaming naghiwalay. Nag-sorry xa etc. Tapos nakapag-sorry na din ako sa ex niya dati na niloko naman. Tapos recently nag-sorry sakin yung katrabaho niya. Ayon, peaceful na ko. Bilog ang mundo. Haha Ang haba, di ko na inedit. Basta yan na yon.
♥ Love,
Kepyas
Wala na namang dapat ipayo sa kanya kung tutuusin kasi wala na naman “sila”. Pero kung iisipin natin no? parang ang hirap manisi sa mga ganitong mga kaganapan sa buhay ng isang tao, ang hirap din naman isisi sa mga salitang “nagmahal lang naman ako” Ang hirap din naman magsalitang kapwa-biktima rin naman ang mga KABIT (haha kinaps-lock talaga). Gusto ko lang talaga ipalabas sa post na ito na nakakatanga lang talaga ang pag-ibig. Katulad sa mga sitwasyong sukdulan na kaya mong isugal kung anong meron ka.
Lahat naman tayo, nagmamahal para lumigaya pero kadalasan yung ligayang yun ang ending, suicidal lels.
Sa personal na aspeto, nagmamahal ako para talaga maging masaya hindi lang ako pati na rin siya. Kaya nga wala ng sense ang isang relasyong-pag-ibig kapag nagtatangahan na lang kayong dalawa -na parang walang nangyayari. Wala pa akong naging perpektong buhay pag-ibig pero nagkaroon ako ng perpektong pagmamahal sa tao ang ending -EMO. hahaha
Naniniwala akong lahat sa atin ay may nakalaan kahit mukha ka pang kuyukot. Normal ang magmahal at magpakatanga ang hindi normal yung wala kang natutuhan para mag-analisa at manakit ng iba. Pero hindi rin, minsan kahit hindi mo naman intensyon makasakit nakakasakit ka din.
Ganito kakumplekado ang pag-ibig. Sanga-sanga. in other words tanga-tanga!. hahaha. lels.
Parang ngayon hindi ko alam kung paano ko tatapusin ‘to kasi wala naman talagang katapusan ang ganitong usapang (Parang usaping relihiyon lang). Kung meron man, mawawalan na ng trabaho ang mga DJ na nagbibigay payo, mawawala na din ang mag telenobela’t teleserye at mga pelikula sa mundo. At habang may mga tao sa mundo paulit-ulit na magaganap ang mga kabiguan, kaligayahan at katangahan dito.
Ah! basta! naubusan na naman ng sustanya ang blog post kong ito, nakikita nyo yung title ko sa taas? sagutin nyo na lang yung blanko
KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG __________MUNA?
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Maraming Salamat sa dalawang karagdagang email subscriber ko sa nakalipas na dalawang araw. Hahahaha!
- naringoodfaith
- tabianmuch
Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”
Salamat ![]()
















