Tag Archives: OTEP

GREEN vs BLUE CHEER: WIN MACBOOK AIR

Alam ko Pangarap n’yo mag ka MacBook Air kaya ishi-share ko sa inyo to! :)

What is it?

A simple promo where fans will be asked to choose which team they are rooting for (green or blue) in the upcoming Dream Game on Feb. 5, 2012. Then submit a cheer for the said team. Cheers submitted will be shown live on the microsite until the end of the Game on Feb. 5. 2 Macbook Air will be also be given to 1 lucky fan for EACH Blue & Green. Winners will be raffled from the microsite registration Database.

Mechanics

  • Register and submit a Cheer on the blue vs. green microsite (www.interaktv.ph/bluevsgreen)/
  • Tick the box of your choice (True blue or Green Blood).
  • After choosing, write your cheer for your chosen team on the space provided and submit. A confirmation that your registration and cheer entry was received will be shown.  Only entries with complete registration and corresponding cheer entry will be considered valid.
  • Cheers must follow the succeeding guidelines:
–Must not contain defamatory, slanderous or libelous materials
–Must not be indecent, obscene, inappropriately revealing or suggestive in a sexual or lewd way, as determined in TV5’s sole discretion
  • 2 Macbook Air up for grabs! 1 winner each from Blue and Green Entries  will receive an Apple Macbook Air 11” (64gb).
  • Cheers submitted will appear LIVE on the microsite cheerboard.th
Twitter
  • Fans can also tweet their cheers

    Key in:  “Cheer” #TrueBlue or Green Blooded @AKTVonIBC13

      Ex.   “Go Ateneo! Larry! PBA Finals MVP!”  #TrueBlue @AKTVonIBC13

  • Tweets submitted will be shown live on the microsite cheer board.

Note: But in order to be eligible for the raffle, they should register on the microsite. If just a tweet, then they would see it live on the cheer board.

Online Assets


HAPPY BIRTHDAY OTIP!

Ang bilis ng panahon. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakapagsulat dito sa lungga ko. Sayang yung nasa draft ko na hindi ko na naiposte at malabo ng mailathala pa dahil wala ng sustansya, pati na rin yung mga biglaang kuwento na bigla na ring naglaho ang  ideya at daloy sa isipan ko.

Bakit ba kasi ganito kaming mga manunulat madaling makapag isip pero madali ding nawawala kaya dapat ay mabilisan naitatala. (ako na writer!) lels.

Ewan ko ba kung bakit ang bilis-bilis. Katulad dati takot na takot akong mawalay sa magulang ko. Naglulumpasay ako sa kalye kapag hindi ako naisama at titigil lang kapag nakauwi na sila (totoo yun, kaya nga nagkasingkit-singkit ako kakaiyak). Ngayon tingnan nyo naman… bukod sa lagalag na, nakukuha ko pang magpaka indipendent. Syempre MALAKI na ko! (ayt! revised) syempre MATANDA na ko!. Gusto ko din naman tumayo sa sarili kong mga paa. Siguro ganun na rin ang turo sa aming magkakapatid na hindi sa lahat ng pahanon nandyan sila.

Ngayong matanda na nga ako.. at patuloy na tumatanda, bakit hindi nating pabalikin ang panahon. Oo 22 years old na ko, next year 21 tapos 20 hanggang umabot sa 1 month old hanggang mamatay (benjamin botton?) lels.

Naisip ko lang, hindi pa kasi ako nakakatatanggap ng sulat mula sa koreo maliban sa lintik na billing statement ng telepono etc. hahaha.

Bakit hindi n’yo subukang pabalikin ang panahon at padalhan ako ng sulat? Yung panahong wala pang nag-uugnay sa’tin tulad ng internet at mga telepono.

Dito, bukod sa makakatulong kayo sa Philippine Post Office (PhilPost) malalaman ko pa kung sino talaga ang ginigusto ako, minamahal ako, natutuwa sakin, hinahangaan ako (naks), gusto akong maging kaibigan, matalik na kaibigan at kung anu-ano pa. Gusto ko malaman kung sino mag eeffort para sakin. hahaha

Gusto ko maranasan yung nagbabasa ng sarili kong liham hindi yung nagbabasa lang ng sulat ng may sulat hahaha.. (ako na pakialamero) lels. Gusto ko maluha sa mga mensahe nyo mula ng inyong mga kamay (daliri pala). Gusto ko mag ala DJ sa radyo habang nagbabasa ng kwento nyo para sakin. Gusto ko mag ala Charo Santos at mag wika ng “Maalaala Mo Kaya?” o kaya Joe D’Mango para sa inyong mga love notes at para doon sa mga may matagal ng pagnanasa sa akin at hindi mawika. Hahaha (laugh trip ako dito) :D

Hindi nyo naitatanong maagang dumating ang pinaka magandang regalo na matatanggap ko ngayong kaarawan ko.

Pero wala pa ring katumbas ang mga salitang sa inyo mismo magmumula. :)

Sana matupad nyo ang hiling ko ngayong nalalapit na Kaarawan ko sa ika-21 ng Nobyembre.

Ipadala lang sa

Joseph “Otep” Zablan

Tribune Publishing
9th Floor, GLC Bldg.,
T.M. Kalaw cor. A Mabini Sts.,
Ermita, Manila
1000

Huwag kalimutan ang inyong telephono sa loob ng inyong liham para personal ko kayong mapasalamatan.

Hihintayin  ko liham nyo ha.

Nagmamahal,

photo by  ©Mark Bryan V. Garcia

 

MOMMY SELVER

<—- picture namin yan ni Mama, wala pa daw akong isang taon dyan.

Ilang beses ko na nakwento dito si Mama . Ewan ko lang kung naaalala pa ng ibang readers ko yung kwento tungkol sa TV commercial ng Clear Shampoo.

Ginaya ko kasi noon si Rain sabi ko.. “my name is Rain… “

maya-maya narinig ko na lang si mama noon … “my name is Nicole” haha. :D lumagpak ako nun sa kakatawa. haha..

Nakuwento ko na rin dito yung tungkol sa mga nareregalo ko sa kanya tuwing pasko, silver na hikaw, silver na relo.. kaya natawa na lang ako noon nung binigkas nya ang “puro selver na lang, mukha na akong selver” haha.. :D

Continue reading


%d bloggers like this: