Tag Archives: Pedro Gil

“WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO!” -MAMA

Kagabi mga alas-diyes na ata ako nakauwi galing sa pangalawang work ko sa Manila. Naalala ko wala pala sa apartment ko kinabukasan si Mama e birthday nya rin pala kinabukasan kaya bumili ako ng keyk sa Red Ribbon sa Taft corner Pedro Gil buti na lang hanggang 12am sila at buti na lang wala na ‘kong pang taxi kaya nakapag jeep ako ng de oras.

Pagkauwi ko tulog na si Mama. ayun tengga ang Keyk.

Kinabukasan (kanina) niyayakap ako ni Mama naglalambing habang natutulog ako.

MAMA: “Tip, happy birthday ko ngayon, akin yung cake?”

OTEP: “Hindi. sa kapitbahay.” :) (tulog uli)

MAMA: “Haha. ala-singko na lit ka naman nyan”

OTEP: “5 minute pa zzzzzzzzz”

MAMA: “Magtaxi ka di ba?, sabay na tayo uwi ako Cavite”

OTEP: “Okey.. zzzzzzz”

ALABANG SOUTH STATION

Pagdating namin dito sa South Station wala lang naisipan ko lang, feeling ko ang sweet kong anak (wala sa itsura), bago ako umakyat ng overpass para pumasok sa work nahalikan ko si Mama sa Noo.

“Ma, dito na ko late na ko, ingat ka, Happy Birthday (Muaampt) ” ang tunog ng kiss ko bahagya lang kasing dumikit.

At habang nag-susulat ako ngayon bigla ko na lang naalala yung mga sandaling nagkakautot ako katatawa dahil kay Mama.

Kailan nga lang yung tungkol sa Creamer-S® hahaha.. (Kung nabasa mo na. kung hindi basahin mo yung post bago ‘tong entry post na’to)

Isa sa hindi ko malilimutan e noong kasagsagan ng commercial ng Clear ni Rain. Kamukha ko daw kasi si Rain dati (ngayon si Bentong na.) :P   Sabi ko. “My name is Rain” tapos bigla na lang sumulpot si mama “May name is Nicole” hahaha laughtrip talaga.

Tapos isa sa hindi ko malilimutan yung mga sandaling nababanggit ni Mama yung tungkol sa naireregalo ko tuwing pasko “Mukha na ba akong ‘selver’ ?” Hahaha sorry naman nagkataon lang talaga na panay silver naireregalo ko. :D

May mga pagkakataon namang naiinis na natatawa ako.

Tulad noong highschool ako ang hilig basahin yung mga love letters namin ng girlfriend ko, kaasar kaya yun! Tapos mas nakakaasar kapag naikukwento nya mga nababasa nya. yay! nakakahiya!

Tapos noong college na ako hanggang ngayon binibenta na ako sa mga dalagang anak ng mga kumare nya. Kinikilabutan ako. Basta! Hahaha. Kailan ba daw ako magkaka “jowa” uli? “jowa” talaga term nya.

Ang dali-daling maka adapt ni mama. Minsan nga nagbibiro ako kapag may mga bagay na hinihiling ako na hindi ko nakukuha sa kanya (Pa-biro lang) “Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!” ayun hanggang ngayon binabanggit pa din nya kahit sa mga amiga at kaututang dila n’ya.

Alam nyo hindi man kami perpekto, sobrang nagpapasalamat ako dahil naging Mama ko yun!

Sobrang ginapang ako nun sa trabaho dahilan para makapagtapos ang nag-iisang anak sa limang magkakapatid na nakatuntong at nakatapos sa kolehiyo. Nakakalungkot lang kasi hindi ko pa ring masabing nakakatulong na ako sa Mama ko.

Sana dumating agad yung panahong iyon, habang normal pa lahat sa mama ko. Ibig kong sabihin hindi pa ganoon katanda ang mama ko malayo pa sa mga sintomas na labis na pagtanda tulad ng paghina ng pandinig at kahirapan sa paglalakad.

Naku Lord! wag pa po sanang dumating yun sobrang dami ko pang pangarap sa Mama ko.

Ayun naniniwala pa rin naman ako na dadating pa ang oras na sobrang mapapasaya ko pa ang Mama.

Mahalin natin ang mga Mama natin! Yey!

HAPPY 61st BirthDay ‘Ma!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat sa (2 someone) dalawang  karagdagang email subscribers |  followers! HAY LUV U OL!

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)


ASAR SA JOLLIBEE

Bukod sa pangarap maging sekyu sa araneta colliseum, pinangarap ko rin na maging crew noon sa isa sa mga fastfood. Laking fastfood din kasi ako, kaya siguro ngayong mag bebente-uno anyos na ako ay trip na trip ko parin ang freshfries ng jollibee at mcdonald’s.

Last night gutom na gutom akong lumabas sa opisina. Tila kasi na mightybond na ang pwet ko sa aking de-gulong na upuan dahil sa tambak na ads na kailangan kong i-layout bago tumuntong ang alas-nueve ng gabi, kaya hindi ko na naisipan mag coffee break.

Kaya naman, bumili ako sa JOLLIBEE-Taft-PGH-Pedro Gil (hindi ko sana sasabihin yung branch, pero para hindi ko naman mageneralized lahat ng branches ng jollibee sinabi ko na rin).

SA COUNTER:

Um-order ako ng REGULAR YUM at REGULAR COKE. Spaghetti sana o-orderin ko kaso hindi ko naman makakain yun sa daan..

CREW: Sir, Wala po bang fries?

OTEP: Yun lang

CREW: Sir, 53 pesos po (not sure 52 yata)

OTEP: (Nagbigay ako ng 70 pesos)

CREW: (Na-punch na)

OTEP: e Miss, magkano ba pag may kasamang fries?

CREW: 57 po..

OTEP: (Napangiti ako) Sige yung may fries na lang..

Syempre dahil hindi naman ako mayaman at may utak naman kahit papaano, yung may kasamang fries na lang yung bibilin ko.. isipin mo naman Php 53 yung without Fries at 57 yung meron.. diba? Kuha?

CREW: (napasimangot, sabay tawag sa kanyang ma’am)

Hindi ko alam ang gagawin ko noong makita ko ang facial expression n’ya, parang gusto kong sabihin sa kanya na “wag na yung may fries” para umayos ang pagmumukha n’ya.

Pakiramdam ko tuloy napakalaking abala ang nagawa ko kung bakit s’ya amaktong ganun.. Lalo na noong binigkas n’ya ito.

CREW: Penge ng dos

napakagalang n’ya magsalita at parang gusto ko s’yang salpakan ng mga barya sa bunganga.. (asar)

pati yung kapwa crew nya napansin at nakapagsalita

CREW2: Garapal ka ah (sabay napangiti at maykonting hagikgik) Narinig n’ya rin kung paano nya binigkas ang paghingi ng dos ng kapwa Crew n’ya.

Sobrang asar talaga. hindi ko alam kung gutom lang ako noong gabing iyon, kung bakit nag-init ang ulo ko, pero nakapagpigil pa naman.

Sa totoo lang talaga gusto ko s’yang patulan at talakan, pero dahil babae s’ya at crew ng fastfood, s’ya ang magmumukhang kaawa-awa at hindi ako. Syempre mas iisipin ng mga tao at kapwa crew n’ya na s’ya ang tama at ako ang mali dahil ako ang unang nagtaas ng boses..

Hindi ko dapat ito iku-kuwento, pero ako yung tipo ng tao na hanggang hindi ko ito napapagsabi hindi makakawala yung sama ng loob ko.

Haaayyy.. Buti na lang masarap pa rin ang YUM burger..

“D’yos ko hindi po ako guwapo at hindi rin ako perpekto, pero ilayo n’yo naman po ako sa pangit na crew…-pangit na ugali”


%d bloggers like this: