Sa tuwing umuuwi ako sa Cavite hindi talaga maalis sa mga pamangkin ko ang manghingi sa’kin ng piso. Minsan nga magugulat ka na lang kapag limang piso na ang hiningi nila sayo. Kaya ako na rin ang nagugulat sa sarili ko kapag nabigkas ko ito:
” Letche ka! mukha ang piso!” hahaha
![]()
Ewan ko ba sa mga pamangkin ko nasanay sila na sa tuwing uuwi ako talagang nakalatag na ang mga palad nila na tila may isang bag akong dala na tigpi-piso kung makahingi. Ayaw ko naman sila masanay kaya pinagagalitan ko.
Kaso wa-effect eh.















